(27) #HSLSUntoldSecrets

1K 13 0
                                    

SHAUN

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang naging kalagayan ni Elena.

Sabi ng Mama niya ay minsan daw ay nawawala ang alaala niya. Hindi niya nakikilala ang sarili niya at ang mga taong malalapit sa kanya. Pero bumabalik din naman daw ito sa anumang oras. Kaya siguro hindi niya ako nakilala nang magpakilala ako sa kanya.

"Bro, ayos ka lang ba? Kanina pa ako nagsasalita rito." - Jaxson

Bumalik naman ako sa huwisyo nang tinapik ako ni Jaxson.

"Ah ano... Ano nga ulit ang sinabi mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi narinig.

"Ang sabi ko, ano na ang susunod nating plano? Itutuloy pa ba natin 'to since nakumbinsi naman natin si Sandra na may relasyon tayo o hindi na." - Jaxson

"Ah yun ba? Siguraduhin muna nating nakumbinsi talaga natin si Sandra. At para mangyari yun ay dapat magkaroon na siya ng boyfriend." sabi ko sa kanya.

"Mukhang tatagal pa 'tong deal natin." tugon sa 'kin ni Jaxson.

"Maghintay ka dahil nagsisimula pa lang tayo." sabi ko kay Jaxson.

SHANCAI

Balik trabaho na ulit ako sa burger stand ni Shaun. Ang dami ngang customers dahil na-miss daw nila ang burgers ko. Syempre ako yata ang pinakamasarap na gumawa ng burger sa lahat ng empleyado ni Shaun. Pangalawa si Fhlore.

"Isang order nga ng cheeseburger. Dine in." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

"Natasha, ikaw pala." sabi ko sa kanya.

"At saka pwede ba tayong mag-usap?" - Natasha

"Oo naman pero kailangan ko munang tapusin 'tong trabaho ko." sagot ko sa kanya.

"Okay. I can wait naman." tugon sa 'kin ni Natasha.

- FAST FORWARD -

Pagkatapos ng aking duty ay kinausap ko na si Natasha sa labas ng burger stand since sarado na ito.

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko kay Natasha.

"Well actually, nakikita ko this past few days na nagiging close na kayong dalawa ni Jameshin. Ako namang bilang kaibigan mo ay nag-aalala sa 'yo at the same time ay nakokonsensiya rin." - Natasha

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ano kaya ang gusto niyang ipahiwatig?

"Ha? Nakokonsensiya ka? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"I think ito na ang tamang panahon para sabihin ko sa 'yo ang totoo." sagot niya kaya mas lalo akong naguluhan.

Huminga muna siya nang malalim bago magsalita.

"Jameshin is the reason kung bakit ka nakulong dati. Siya rin ang dahilan kung bakit nasunog ang bahay niyo. At saka ang mga pinapakita niyang kilos o ugali sa 'yo ay hindi rin totoo. Nagpapanggap lang siya para makuha niya ang loob mo. Kapag makuha na niya ang loob mo ay madali niyang makukuha ang anak mo." pagpapaliwanag niya.

Natigilan naman ako dahil do'n. Parang ang hirap i-process sa utak ko ang mga sinabi niya sa 'kin.

Hanggang sa may pumasok sa isip ko. Parang alam ko na 'to.

"Hay naku Natasha! Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Alam kong April Fools ngayon kaya hindi mo ako maloloko." sabi ko sa kanya.

Tama, nagbibiro lang siya.

"I know April Fools ngayon pero hindi ako nagbibiro. Totoo ang lahat ang sinabi ko ngayon." sabi niya.

Yung sayang nararamdaman ko ngayon ay biglang nawala. Napalitan ito ng lungkot at galit.

Mukhang seryoso si Natasha sa mga sinabi niya.

Agad naman akong tumakbo papalayo.

"Shancai! Wait!" tawag sa 'kin ni Natasha pero hindi ko siya pinansin.

Agad akong sumakay ng tricycle para puntahan si Jameshin. Gusto ko ay galing mula sa kanya ang katotohanan.

Nang makarating na ako sa bahay ay natigilan naman ako dahil sa aking nakita.

May kahalikang iba si Jameshin.

Biglang pumatak ang aking mga luha. Sa tingin ko ay hindi ko na siya kailangang tanungin pa dahil alam ko na ang sagot.

Agad akong pumasok ng bahay nang hindi nila nalalaman at pumunta sa aking kwarto. Doon ko ibinuhos ang aking mga luha.

Sobrang sakit ng ginawa niya sa 'kin. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hininga dahil sa kakaiyak ko. Paano niya nagawa 'to sa 'kin?

I need to get out of here.

Hindi ko hahayaang kunin niya sa 'kin ang anak ko.

Patawarin mo ako Mama kung kailangan ko 'tong gawin sa 'yo.

Agad akong nag-impake ng mga damit ko.

Pagkatapos ay agad kong tinawagan si Natasha.

("Hello Shancai. Where are you right now?") sabi sa 'kin ni Natasha mula sa kabilang linya.

"Hello Natasha. Kailangan ko ang tulong mo." sabi ko sa kanya.

JAMESHIN

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon nang makita ko muli siya.

"Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita? Bakit mo ako iniwan noon?" tanong ko sa kanya.

"Patawarin mo sana ako Jameshin kung ngayon lang ulit ako nagpakita sa 'yo. May dahilan ako kung bakit ko yun ginawa." pagpapaliwanag sa 'kin ni Elena.

Napa-iling naman ako dahil do'n.

"Dahilan? Baka excuse mo lang yun para iwan ako. Ang sakit ng ginawa mo sa 'kin Elena. Araw-araw ay iniisip ko kung saan ba ako nagkamali para iwan mo ako. I've been miserable because of what you did. Sa tingin mo ay gano'n kita kadaling patawarin?" naiiyak ko nang sabi sa kanya.

Pati na rin siya ay naiyak na rin.

"Alam ko. Hindi gano'n kadaling patawarin ang ginawa ko sa 'yo noon at lahat ng yun ay pinagsisihan ko. Pero ilang taon ko ring tiniis na mawala ka sa buhay ko. Kahit masakit ay kailangan kong gawin. Pero hindi ka nawawala parati sa puso't isip ko." - Elena

Nagkaroon muna ng konting katahimikan dahil hindi ako tumugon sa sinabi niya.

"Ngayon na nagkita na tayo muli ay hindi ko sasayangin ang pagkakataong gawin 'to dahil sobra kitang na-miss." - Elena

At nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa.

Bigla niyang akong hinalikan sa labi.

Dahil sa ginawa niya ay doon ko na-realize ang totoong nararamdaman ko.

SHANCAI

Nang hatinggabi na ay nakakuha ako ng pagkakataon para lumabas ng kwarto dala ang aking maleta.

Agad kong tinawagan si Natasha upang tulungan akong dalhin ang mga gamit ko sa kotse niya. Habang ako naman ay agad na pinuntahan ang anak kong mahimbing na natutulog.

Nang makarating ako sa kwarto niya ay pasimple kong binuhat ang aking anak dala ang mga gamit niya palabas ng kwarto. Sinigurado kong hindi siya magigising hanggang sa makarating ako sa kotse ni Natasha.

"Wala ka na bang naiwan?" tanong sa 'kin ni Natasha.

"Wala na. Nakapag-iwan na rin ako ng sulat kay Mama." sagot ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala Shancai dahil kami ni Shaun ang bahala sa pag-aalaga sa Mama mo." sabi sa 'kin ni Natasha.

"Salamat Natasha." ang naging tugon ko lang.

Bago umandar ang kotse ay napatingin muna ako sa bahay.

I guess this is goodbye and start a new life without him.

📌

A/N: Malapit na ang ending.

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon