(9) #HSLSFamily

1K 64 0
                                    

SHANCAI

Pagkapasok namin ng anak ko sa loob ay hinanap ko agad si Jameshin.

Saan kaya siya naka-upo?

Hindi ko siya mahanap. Baka nasa second floor siya, kaya umakyat kami ng anak ko papunta do'n.

Pagkarating namin sa second floor ay nakita ko agad si Jameshin. May tinitignan siya sa kanyang phone. Madali lang naman siya hanapin since siya pa lang ang tao rito sa second floor.

"Tara anak." sabi ko kay Jamieshin.

Nilapitan namin si Jameshin.

Habang lumalapit kami ng anak ko sa kanya ay unti-unti namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan talaga ako.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingin sa gawi namin si Jameshin at ngumiti siya. Hindi ko na alam kung kaba ba 'tong nararamdaman ko nang ngumiti siya o hindi?

"Mama, mama! Di ba siya po yung lalaking namigay sa 'kin ng mga toys kahapon?" masayang tanong sa 'kin ni Jamieshin sabay baling ng tingin sa ama niya. "Hello po Kuya. Salamat po pala sa mga toys na binigay mo sa 'kin kahit hindi ko naman po birthday." sabi ng anak ko kay Jameshin.

"Kuya." narinig kong bulong ni Jameshin. May halong pait ito. Syempre wala pang alam ang anak namin tungkol sa kanya.

"Ano po yung sabi niyo Kuya?" tanong ng anak ko sa kanya.

"Ang sabi ko buti naman at nagustuhan mo yung mga toys na binigay ko sa 'yo." pagsisinungaling niya.

"Oo naman po. Ang ganda-ganda nga po lalo na yung malaking doll house. Sige po Kuya, hahanapin na po namin ni Mama si Papa." sabi ng anak ko sa kanya. "Tara na po Mama. Excited na po akong makilala si Papa." masayang sabi sa 'kin ni Jamieshin.

Ito na.

"Ah anak." panimula ko.

"Ano po yun Mama?" tanong sa 'kin ng anak ko.

"Siya kasi ang Papa mo." sabi ko sa anak ko sabay turo kay Jameshin.

Nung una ay nagtataka si Jamieshin pero namilog bigla ang mga mata niya nang ma-realize na niya ang sinabi ko.

Napatingin ang anak ko kay Jameshin. "Totoo po ba ang sinabi ng Mama ko na ikaw ang Papa ko?"

"Yes baby, ako ang Daddy Jameshin mo." pagpapakilala ni Jameshin.

Nakita ko sa mukha ng anak ko ang pagkatuwa.

"Daddy!" - Jamieshin

Lumapit siya kay Jameshin sabay yakap sa kanyang ama. "Sobrang saya ko pong ikaw ang naging Papa ko."

At narinig ko ang paghikbi niya.

Para akong maiiyak nang marinig ko ang paghikbi ng anak ko habang mahigpit na nakayakap kay Jameshin.

"Miss na miss ko na po ikaw Daddy. Ikaw na lang po ang kulang sa family picture namin ni Mama eh. Thank po daddy kasi kasama na po kita." - Jamieshin

Kusang tumulo ang luha ko dahil sa nasasaksihan ko ngayon. My daughter is crying while hugging his father. Nakita ko ring umiiyak na si Jameshin.

"Na-miss din kita anak. Sorry kung wala ako sa tabi mo noon. I didn't mean to do that. Mapapatawad mo ba si Daddy?" - Jameshin

"Oo naman po Daddy. Pero hindi mo na po ako iiwan ha? At saka rin po si Mommy." - Jamieshin

"I won't. Ever again." - Jameshin

"Yehey!" masayang sabi ng anak ko habang nakayakap pa rin sa ama niya. Ang cute nilang tingnan.

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon