#HSLSEpilogue

1K 13 0
                                    

- TWO YEARS LATER -

"Uwaaaaaa! Uwaaaaaa!"

"Uwaaaaaa!"

"Uwaaaaaa!" narinig kong iyak ng aking tatlong anak na triplets. Tama po kayo. May triplets kaming anak ni Jameshin. They are three months old now.

"Tahan na." sabi ko sa kanila habang ginagalaw-galaw ko ang crib nila. Grabe, ganito pala kahirap mag-alaga ng triplets. Halos kulang na rin ako ng tulog dahil sa pag-aalaga sa kanila. Yung asawa ko naman ay busy sa pagkayod. Syempre kailangan ding kumita para sa future ng mga anak namin.

Ilang sandali pa ay dumating na si Jameshin.

"I'm home." narinig kong sabi niya. Lumapit naman siya sa 'kin sabay halik sa noo ko.

"Buti naman at nakauwi ka na. Ikaw naman ang mag-alaga sa kanila. Kanina pa ako pagod na pagod." sabi ko sa kanya. Kanina nga ay naglinis ako ng bahay habang inaalagaan ang triplets dahil madaming kalat kaya pagod na pagod talaga ako.

"Pagod din ako sa trabaho kaya kailangan ko ring magpahinga. Ang daming pinagawang trabaho sa 'kin ni Dad to the point na wala na akong pahinga." tugon naman niya sa 'kin kaya nainis ako bigla.

"Palagi na lang ako nag-aalaga sa mga anak natin. Kailan mo ba ako bibigyan ng break that I deserve?" inis kong sabi sa kanya.

"So kailangan ako parati ang gagawa ng responsibilidad nating dalawa." medyo tumaas na rin ang boses niya.

"Hindi naman sa gano'n. Ang point ko lang ay mas nahihirapan ako rito. Halos wala na akong tulog dahil sa tuwing umiiyak ang mga anak natin ay nagigising ako at ikaw naman ay natutulog lang." pagpapaliwag ko kay Jameshin.

"So sinasabi mong hindi ako nahihirapan? You're so unbelievable. Subukan mo kaya ang posisyon ko para maranasan mo kung gaano kahirap kumayod para sa pamilya natin." panghahamon niya sa 'kin.

"At subukan mo rin kaya ang posisyon ko para maranasan mo kung gaano kahirap mag-alaga ng bata at kulang sa tulog." panghahamon ko naman sa kanya.

"Okay fine. Ako na ang mag-aalaga sa kanila." sabi niya sa 'kin.

"Hindi na. Kaya ko na 'to tutal PAGOD ka naman." may diin ko pang sabi.

"Ito na nga eh, tutulungan na nga kita tapos ikaw pa 'tong may ganang magalit." - Jameshin

"Pwes hindi na kailangan. Matulog ka na lang dahil wala ka namang silbi. May pang-breastfeed ka ba kung magutom anytime ang mga anak natin?" tanong ko sa kanya.

At walang katapusang away na nga ang umabot sa aming dalawa ngayong gabi.

Normal lang mag-away ang mag-asawa. Nagkakabati rin naman sila sa huli. Ang mahalaga naman dito ay strong pa rin ang marriage namin ni Jameshin.

Sa ngayon ay masaya kaming dalawa ngayon ni Jameshin kasama ang mga anak namin. Kahit maraming pagsubok sa buhay ay magkasama namin itong haharapin at lulutasin.

📌

A/N: Salamat po sa lahat ng mga nagbasa at nag-vote sa storya nina Jameshin at Shancai. Pasensiya na po sa mga naghintay nang matagal sa UD para mabasa 'to. Busy kasi ako parati sa school since I'm already college na. Since tapos na ang storyang 'to, see you all na lang on my new story.

Now signing off...

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon