Chapter 32

1.8K 34 9
                                    

Chapter 32

POV: Cathy

 Medyo nag aalala na ako kay Jeremy ngayon dahil simula kanina hanggang ngayon ay hindi bumababa ang lagnat niya. Pinapainom ko naman siya ng gamot at pinapacheck ko rin siya kay manang. Pero wala paring nangyayari.

Nakakausap ko pa rin naman siya pero sa tuwing kausap ko siya ay lagi siyang hinahapo. Gawa na rin siguro na may lagnat siya.

“Cathy…” Bigla akong napatigil sa pag iisip at napatingin kay Jeremy.

“Jeremy? May kailangan ka ba?” Pagtatanong ko sa kanya.

“askjdjce” Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya kaya naman lumuhod ako at inilapit ko ang sarili ko sa kanya para marinig ko.

“Ha?”

“…” Pero hindi na siya sumagot. Tumayo ako at kinuha ko si Clay para yakapin. Namimiss ko na kasi si kuya kaya yung teddy na lang na binigay niya ang niyayakap ko.

Tumingin uli ako kay Jeremy at bakas na bakas sa kanya na talagang hirap na hirap siya. Ano kaya ang pwede kong gawin para naman mabawasan ng konti yung hirap niya sa katawan ngayon?

*isip isip*

“Alam ko na!” Lumabas muna ako sa kwarto at bumaba para pumunta sa kitchen. Sabi naman ng mga tao sakin dito, pag may kailangan daw ako, kumuha na lang daw ako o magsabi. Nagkataon na nandun si manang at si Yvonne sa kitchen kaya naman kinausap ko sila.

“Ah…manang.”

“Cathy ikaw pala.” “Hello ate Cathy!” Bati sakin ni manang at ni Yvonne.

Ningitian ko sila na parang greeting ko sa kanila.

“Bakit ka nga pala nandito? Kamusta na nga pala si Jeremy?” Pagtatanong sakin ni manang.

“Ganun pa rin po siya. Hindi pa rin po bumababa ang lagnat niya.”

“Nako ano kayang nangyari sa batang yun.” Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni manang.

“Ah…manang, may panluto po kayo ng sopas?” Medyo nahihiya ako pero nilakasan ko na yung loob ko kasi yun naman talaga ang pakay ko rito.

“Oo. Bakit mo naitanong?”

“Ipagluluto ko po sana si Jeremy ng sopas. Naisip ko po na baka gumaan yung pakiramdam niya kahit konti.”

“Sigurado ka ba dyan hija?” Tanong ni manang.

“Opo.”

“Uuuuy!!! Concern si ate kay kuya! Me is kinikilig! Yiieee!” Luh. Biglang ganun? Pabayaan na lang bata eh haha!

Inilapag ni manang lahat ng mga ingredients sa table at ako naman nagsimula ng magluto. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko sina Yvonne na pinapanood ako habang nagluluto kaya medyo nailang ako. Hindi kasi ako sanay na may nanonood saakin habang nagluluto.

“Ate, patikim naman ng sopas mo.” Sabi saakin ni Yvonne.

“Pagkatapos kong iluto pwede kang kumuha.” Nakangiti kong sabi.

“Yay! Excited na ako! Punta muna ako ate sa room ko. Tawagin mo ko pag tapos ka na ah?” Tapos tumakbo na siya pataas.

Nakita ko naman si manang na nakaupo at nakangiti akong tinitignan.

“Mukha pong masaya kayo.” Sabi ko sa kanya.

“Natutuwa lang ako sayo hija.”

“Bakit naman po?”

Highschool Lovestory (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon