Chapter 30

2.2K 31 9
                                    

Chelle's Note: Sana yung nilalagay kong note binabasa niyo :) Sorry kung dahil alam ko na marami sa inyo ang nabitin. On going pa naman po kasi yung story. Ayun, dahil wala naman akong klase dahil Banamos day (dun sa mga taga Laguna lalo na sa mga taga Los Banos alam niyo to) ginawa ko na yung UD. Sorry kung eto langa ng nakayanan ko dahil yung unang ko tinaype ay nabura sa hindi ko malamang dahilan. Tapos sabaw din yung utak ko ngayon may lagnat po kasi ako :( Pero sana maappreciate niyo yung UD ko ngayon dahil ginawa ko yung makakaya ko para hindi maging walang kabuhay buhay yung mga scenes. VOTE and COMMENT after reading this. Thank you! :D

Chapter 30

-Gerald’s POV-

“Nandito na tayo.” Sabi ko kay Chelsea. At naglakad ako papuntang gate namin para pagbuksan siya ng gate.

“Pasok ka.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Nako Gerald, wag na. Uuna na ako. Mahina na rin naman yung ulan eh, hindi na rin naman siguro to lalakas.” Sabi niya.

Medyo humina na ang ulan, pero makalipas ng ilang segundo ay nagsimula nanaman ito bumuhos.

“Tsk! Pumasok ka na nga dito. Nahihiya ka lang eh.”

“P-pero---“ Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil kung hihintayin ko pa siya magsalita, mas lalong magtatagal yung usapan namin dito sa labas at baka mabasa pa kami ng ulan. Kaya hinila ko na lang siya papunta sakin sabay pasok sa loob ng gate namin.

Pagkapasok namin ay bigla namang sumalubong samin ang lola ko.

“Gerald, apo, nandyan ka na pala. Buti naman at nakauwi ka---…apo hindi mo naman sinabi sakin na may kasama ka pala. Pumasok muna kayo sa loob.”

Tinignan ko si Chelsea at mukhang hindi na siya makakatanggi pa dahil mismo ang lola ko na ang nag yaya na pumasok sa loob. Agad ko siyang pinaupo sa sala at binuksan ang tv para maentertain siya.

“Hunter X Hunter!” bigla niyang sabi.

“Nanonood ka?” Tanong ko sa kanya.

“Yup! Favorite ko yan.” At ngumiti siya sakin. Mukha ngang gusto nga niya yan.

*arf! arf!*

Napalingon naman ako ng bigla kong narinig ang tahol ni Tomi.

“Hey there little buddy!” Tumakbo siya papunta sa direksyon ko at lumuhod naman ako para abangan siya.

???

Pero imbis na pumunta siya sakin, ay nilampasan lang niya ako. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko na masayang nakikipaglaro si Tomi kay Chelsea.

“Ang cute naman! Aso mo Gerald?” Tanong niya sakin habang hinihimas si Tomi.

“Oo. Tomi ang pangalan.” Sagot ko

“Nice name! Hi Tomi! Nice meeting you!”

“Ahh sige Chelsea maiwan muna kita dito, magpapalit lang ako ng damit.” Tumango naman siya na sinasabi niya na ‘sige’. Pumasok ako sa kwarto ko at agad kong hinubad ang polo ko at tumungo sa may banyo para magshower.

Agad ako nagsuot ng damit at kumuha ng towel para patuyuin ang buhok ko. Mula sa labas ay naririnig ko ang tawa ni Chelsea. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko na nag uusap pala sila ni Lola.

“Teka lang hija, tatayo muna ako at ipagtitimpla ko kayo ni Gerald ng inumin. A-aray!”

“Okay lang po ba kayo?” –Chelsea

“Oo. Okay lang ako. Alam mo naman, medyo tumatanda na ako.” Agad kong inalalayan si lola sa pag tayo dahil nahihirapan nanaman siyang tumayo. Ganun din si Chelsea, hawak hawak niya ang kabilang braso ni lola.

Highschool Lovestory (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon