Chapter 40

628 24 22
                                    

POV: Chelsea Delfin

"Sa tingin mo, Mich. May mali ba sa ginawa ko?"

"Eh kahit naman sabihin kong may mali sa ginawa mo, hindi mo na mababawi 'yun kasi nagawa mo na."

"Hindi ko na kasi napigilan yung nararamdaman ko kasi ayoko ng magtago." Nagulo ko na lang ang buhok dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ko dun sa mga sinabi ko sa harap ni Gerald.

I'm with Mich somewhere here sa may Macaroon Shop. Baka kasi matulungan niya ako at naghahanap din ako ng taong pwede kong pagsabihan ng problema ko.

"Una sa lahat, nadala ka masyado ng damdamin mo kaya mo 'yun nagawa. Sa side nating mga babae, maiisip natin na ang tamang gawin ay ang sabihin na lang ang lahat kasi syempre gusto nating iparamdam yung mismong nararamdaman natin. Ang mahirap ay kung ano ang magiging point of view ng mga lalaki kapag sinabi na natin yun sa kanila." Mas lalo akong nakaramdam ng pagsisisi dahil sa sinabi ni Mich.

"Matanong ko lang Chelsea, umasa ka ba kay Gerald?" Napatingin ako ng deretso kay Mich. "Binigyan mo ba masyado ng meaning yung mga ginawa niya?" Dagdag nito.

"...oo, Mich. Umasa ako kahit alam kong ang gusto niya si Cathy."

"Alam mo naman pala pero bakit umasa ka pa rin?" Muli niyang pagtatanong.

"Naisip ko kasi na maybe one day, he would also look at me the same way he looks at Cathy. Posible namang mangyari yun diba? Kahit mga 1% lang ang possibility? Hindi aabot hanggang 100% ang possibility kung walang 1%."

"Eh ang tanong. Nagkaroon ba ng 1% possibility? Hindi kasi natin alam yung side ni Gerald kaya mahihirapan ka talaga.. Nag-uusap pa rin ba kayo?"

"Pagkatapos niya akong patahanin after ko sabihin sa kanya yun, pagkatapos ng mga klase namin umuwi na agad ako. Ganun na rin ang naging routine ko nung mga sumunod na araw. Hindi ako tumitingin sa kanya at hindi na rin kami nag-uusap."

"I think what you guys both need is a closure. Look, I know sobrang close kayo. Pero hahayaan mo na lang bang maging blangko na lang ang pagkakaibigan niyo?

Closure. Sa tingin ko yun nga ang kailangan namin. Magkaibigan kami at hindi dapat madamay yung pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko sa kanya.

Pero alam kong mahihirapan pa rin akong iapproach siya dahil nagkaroon na ng yelo sa pagitan naming dalawa na mahirap biyakin.

*Ring*

Biglang may nagring ang phone ni Mich at agad niya itong sinagot,

"Chelsea, I'm sorry pero kailangan ko ng mauna. May kailangan kasi akong puntahan agad." Sabi niya.

"Ay, sige. Mauna ka na. Dito na lang muna ako." Sagot ko.

Highschool Lovestory (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon