Chelle's Note: Sorry kung hindi ganun kaganda 'tong UD na'to. Well, for me walang dating. Something happened kasi last month. My father died. So, ayun medyo masakit pa rin para sakin. Sana maintindihan niyo at patience lang sa paghihintay ng UD. Pero ginawa ko lahat para mapaganda 'tong UD ko pambawi ko man lang sa inyo, I hope you guys will appreciate it :)
Chapter 37
POV: Chelsea Delfin
Nandito kami sa cooking class room. Dito ba yung date namin? Marunong ba siya magluto? Wow! Okay, ikaw na Gerald! Ikaw na talaga!
“Oh eto.” May inabot siya saking bowl na puno ng isang klaseng prutas.
“Ahh…date?” Now I get it. DATE. As in yung prutas na ‘DATE’. Yung maliit na dark-brown na prutas na sticky rin.
“Yep. Ayaw mo? Sayang yan.”
“Date. Akala ko…”
“Akala mo?” Eh kasi naman! Ang feeling ko rin eh noh! Ang gusto nga kasi ni Gerald ay si Cathy! Bakit pa ko nag iisip na ide-date niya ako? Malamang si Cathy ang ide-date niyan at hindi ako! Ano ba yan! Pahiya nanaman ako sa sarili ko.
“Ah wala, hehe. Sorry, hindi kasi ako mahilig sa date.” Naiilang ako sa mga pinagsasasabi ko. Kasi dalawa ang meaning ng ‘date’ ang alam ko. Either yung ‘date’ na as in, lalabas kayo and enjoy your time together etc. Or yung ‘date’ na prutas. Bakit hindi ko nga ba naisip yun? Nakakahiya, marami akong alam na malalalim na English words pero yung simpleng ‘date’ hindi ko agad natandaan yun?
“Ang grabe mo talaga Chelsea!” Nasabi ko sa sarili ko
“Sino kausap mo?”
“Ah. Sarili ko? Ahahaha!” Pinalo ko yung ulo ko. Pero mahina lang. Ano ba yan pati sarili ko kinakausap ko na. Sa harap pa ni Gerald.
“Bakit ayaw mo nga pala ng date? Masarap naman ah.” Pagtatanong ni Gerald.
“Ah kasi malagkit. Ayoko kasi ng malagkit na pagkain eh.”
“Alam mo, etong prutas na to may isa pang meaning to eh. Alam mo naman siguro yung isa pang ibig sabihin nito diba?” Nakatingin lang siya sa prutas na hawak niya.
“Hehe. Oo. Yung yayayain mo yung tao na special sayo na lumabas kayong dalawa.”
“Sana dumating yung araw na, mayaya ko yung babaeng gusto kong aksayahin yung buong araw ko sa kanya para gawing espesyal yung unang araw na kaming dalawa lang ang magkasama at masaya. “ For sure, si Cathy naman yung tinutukoy niya. Pero bakit ba umaasa nanaman ako na sana ako na lang yun? Medyo bumibigat nanaman ang pakiramdam ko.
Kumuha ako ng isang date at tinignan to.
“Alam mo Gerald, ang love parang date. Katulad nitong prutas na’to, marami ring meaning ang love. Hindi mo basta basta makukuha ang love sa ibang tao. At hindi mo rin pwedeng basta basta ibigay ang love mo sa kung sinong tao. Kung sa maling tao mo ibinigay ang pagmamahal mo, sa una lang nandun yung sweetness niyo sa isa’t isa pero pag nagtagal, mawawala ang sweetness of love niyo at magiging mapait na lang. Parang date na luma, pag hindi nakain at napabayaan, nawawala ang tamis nito at nawawala ang lagkit nito sa labas at natutuyo kaya nagiging mapait.” Sabi ko kay Gerald.
“Hindi ko inaakala na sasabihin mo yang mga salitang yan sakin. Woooh! Idol! Ang astig mo dun ah.” Pinapalakpakan pa niya ako. Maski nga ako eh, hindi ko alam na lalabas yung mismo sa bibig ko.
“Haha! Adik! Pahingi nga. Baka sakaling magustuhan ko. Yung Date kasi na kinain ko dati dry na kaya hindi ko nagustuhan. Tapos nung may bago tsaka ko lang nalaman na malagkita pala ‘to pero hindi ko na tinikman kasi baka iisa lang naman ang lasa.”
“Pano mo nasabi kanina na may tamis ang Date kung hindi mo pa natitikman?”
“Eh naririnig ko sa kanila pero hindi ako naniwala.” Pero oo nga noh. Paano ko nasabi na matamis yun kanina? Medyo nagfocus ata ako sa love? Hahaha!
“Ngumanga ka tapos ipikit mo mga mata mo.” Sabi sakin ni Gerald.
“Ha? Bakit? Ayoko nga.” Ano nanamang binabalak nito? Ay nako, ayoko na uli mag isip ng mga bagay baka mamaya mali nanaman ako ng iniisip…susubuan ba niya ako? Ayan nanaman ako. Ititigil ko na nga to.
“Wag kang sisilip.” Ngumanga na ako at pumikit. Sabi kasi niya eh, kaya sumunod na lang ako.
Naramdaman kong may laman yung bibig ko.
“Dahan-dahan mong nguyain tapos lasahan mong mabuti.” Ninguya ko nga ito ng dahan-dahan at nilasahan ko. Wow, in fairness, masarap nga. Parang honey. Kaso nga lang may buto sa loob.
Para tuloy nalalasahan ko na yung love na sinasabi ko pag binigay mo yung love mo sa tamang tao kaso nga lang may buto na parang yun yung humahadlang sa pagmamahal mo para sa kanya, pero nahihiwalay naman yung buto means, there’s also a way para matanggal yung bagay na humahadlang sa pagmamahal mo para sa kanya.
“Ang sarap pala.” Nakapikit pa rin ako pero ramdam ko na nakangiti ako.
“By the way Gerald, napansin ko lang na never kayo nagkasundo ni Jeremy?” Pagtatanong ko sa kanya.
“Kailangan ba?” Iba yung tono ng boses niya. Hindi ko madescribe eh, pero parang may pagkabadtrip yung dating.
“Ah, hindi naman sa ganun. Sige na nga, hindi na lang uli ako magtatanong. Usapang lalaki na yan eh, hindi ko rin maiintindihan.”
Tahimik lang kaming nakaupo dito sa room. Ang awkward nanaman.
…
“Gerald, anong tingin mo sakin?” Bigla kong tanong sa kanya.
“Huh?...kaibigan kita. Sayo nga lang ako komportable eh.”
Kaibigan…hindi na rin masama. Pero bakit parang may inaabangan pa ako na may sabihin siya sakin. Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko.
***
Umalis na kami dun sa cooking room bumaba na kami. Pagkarating namin sa 2nd floor nakasalubong namin si Cathy.
“Hi Cathy!” Bati ko sa kanya.
“Ay, hello Chelsea…sa’yo rin Gerald.” Nakita kong nag nod lang si Gerald.
“Okay ka lang ba Cathy? Bakit parang ang lungkot mo?” Tanong ko sa kanya.
“Ah…haha hindi naman. Pagod lang ako.” Sagot niya sakin.
“Sabay ka na samin ni Gerald sa pag-uwi. Tara.” Pag-aaya ko sa kanya.
“Ay hindi, wag na lang. Okay lang naman ako.”
“Sumabay ka na lang samin. Tara.” Hinawakan ko siya sa wrist.
“Sige na nga.”
Pababa na sana kami nang biglang may nakasalubong kami. Isang babae at lalaki.
Yung lalaki si Jeremy at yung babae…si Mich?
BINABASA MO ANG
Highschool Lovestory (On Going Series)
Teen FictionSi cathy ay isang 3rd year highschool student. Gusto patunayan ni cathy na ang buhay highschool ang pinakamasayang parte ng buhay nya. Lagi siyang binubully sa school kya hindi nya naeenjoy ang mga school days nya pero nung nakatungtong na sya sa 3...