Dedicated to sa kanya^ Ng dahil sa kanya ginanahan ako mag type haha!
Chapter 31
POV: Eric Reyes
Aba hanggang ngayon ang lakas pa rin ng ulan. Parang habang lumalalim ang gabi ay mas lalo itong lumalakas at naririnig ko ang pagtama ng hangin sa labas ng bahay namin.
“Magandang gabi po sa inyong lahat!” Biglang naagaw ng tv ang atensyon ko kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko.
“ Nais ko pong ibalita sa inyong lahat na ang bagyo ay tuluyan na ngang pumasok sa ating bansa at tumama na po ito sa lupa. Ito’y magdadala ng malalakas na hangin at pagbuhos ng ulan. Kaya binibigyan ko kayo ng paalala na huwag munang lumabas ng bahay”
Kaya naman pala ganun kalakas ang buhos ng ulan eh! Kung kailan gabi na tsaka pa nila binalita na pumasok na ang bagyo dito sa bansa. Tsk tsk mga reporter nga naman.
Tumingin ako sa labas at nakita ko na nagsisimula na bumaha sa paligid ng bahay. Mabuti na lang at wala dito si kapatid. Mukhang ligtas naman ata siya dun sa Jeremy na yun.
Pumunta ako sa kwarto ni Cathy at inilagay ko yung iba niyang damit sa isang bag pati na rin yung paboritong teddy bear niya na bigay ko sa kanya nung last birthday niya. Sa tingin ko mas makakabuti na doon muna siya kina Jeremy. Sigurado ako na pag umuwi siya dito maaabala lang siya malamang bukas may swimming pool na dito. Kaya bukas pupunta ako sa kanila para ihatid tong mga damit niya.
Pagkatapos ko ayusin ang mga damit niya ay ginamit ko yung telepono para tawagan si Jeremy.
***
Kino-contact ko na yung telepono nila. At wala pang sampung segundo ay may sumagot nito.
“Hello?”
“Hello, Jeremy. Ako yung kuya ni Cathy. Kamusta na ang kapatid ko?”
“Okay lang po siya. Kanina pa tulog. May kailangan ka ba?”
“Brad, baka pwedeng dyan muna ang kapatid ko.” Hindi ako sanay humingi ng pakiusap sa ibang tao, pero kung sa ikabubuti naman ng kapatid ko ay gagawin ko. At ngayon, naghihintay ako ng sagot pero wala pa akong naririnig.
“Hello?”
“A-ah hello? Oo ayos lang na dito muna siya.” Ayun! Narinig ko rin ang sagot.
“Salamat brad! Bukas pupunta ako dyan sa bahay niyo para dalhin yung mga damit niya. Ano ba address ng bahay niyo?” Buti na lang at may lapis at papel sa tabi ni telepono kaya agad ko tong kinuha para maisulat yung address na sasabihin ni Jeremy.
BINABASA MO ANG
Highschool Lovestory (On Going Series)
Teen FictionSi cathy ay isang 3rd year highschool student. Gusto patunayan ni cathy na ang buhay highschool ang pinakamasayang parte ng buhay nya. Lagi siyang binubully sa school kya hindi nya naeenjoy ang mga school days nya pero nung nakatungtong na sya sa 3...