Chapter 35

1.5K 31 15
                                    

Chapter 35

POV: Cathy Reyes

“Haay…pwede bang ‘wag na lang muna ako pumasok ngayon? I mean, kakaiba kasi ‘tong araw na ‘to. Paano kung may nakarinig dun sa mga pinagsasasabi ko kay Jeremy nung isang araw? Tapos biglang kumalat sa buong school? Tapos pagtatawanan ako ng mga estudyante, mawawalan ako ng kaibigan, tapos mapapahamak ako, tapos maexpelled na ako ng tuluyan sa school at hindi na ako makakapag-aral? Paano yung mga pangarap ko? Eto na ata ang katapusan ng buhay ko!” Sinipa sipa ko yung poste sa tapat ko dahil nag-aalinlangan talaga akong pumasok ngayon. Sobra talaga kasi akong magparanoid.

“Teh, ang OA mo. Seryoso.” Napatingin ako dun sa nagsalita at napasigaw, “KAREEEEN!!!!” Hinug ko siya ng mahigpit.

“Ano nanaman bang problema mo ah? Hindi ka man lang nagkukwento sakin! Wala na talaga tayong time together. Hmpf!”

“Haha! Uy, hindi naman sa ganun teh! Hindi nga kita mahagilap kung saan saan eh, saan ka ba nagpupupunta?”

“Basta Cathy, may tinataguan ako.”

“Ha? Sino?”

“Shhh! Hindi ko muna sasabihin sayo. Mahirap na baka may makarinig, baka mangyari sakin yung mga pinagsasasabi mo kanina dyan sa harap ng poste.”

“Ahh…narinig mo?”

“Duh! Ang lakas mo kayang magsalita! Sabay na nga tayong pumasok!—Oh! Cathy si Jeremy oh! At may…kasama siyang…GIRL?!” Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Pinipilit pa nga niya akong tignan eh kasi ang ganda raw nung girl na kasama niya.

“Halika na nga Karen! Malelate na tayo!” Hinihila ko na siya paakyat.

“Cathy! You shouldn’t miss this. First time ko lang--I mean, first time lang NATIN makikita si Jeremy na may kasamang babae na hindi taga school!” Tumingin na ako para hindi na siya mangulit…

…At nakita ko uli yung girl na kasama ni Jeremy nung isang araw. Ewan ko ah, pero nakaramdam ako ng konting kirot?...dapat talaga hindi na lang ako pumasok.

***

Pumasok na kami ng classroom at umupo dun sa seat ko kung saan katabi ko rin si Jeremy…

“Huy sis! Narinig mo ba yung balita tungkol dun sa girl na kasama ni JeremyMyLoves kanina?” Ano ba yan! Pati ba naman dito sa loob ng room ay pinag uusapan yan?

“Ay hindi pa! Kwento mo naman sakin yan sis!” Uhm, hindi naman sa nag e-eavesdrop ako, pero ang lakas naman kasi ng boses ng dalawang babaeng ‘to kaya naririnig ko. Pwede naman sila magbulungan na lang diba?

“I heard na the girl will continue her studies here!” Nagulat ako sa narinig ko. “And I think, she will be our classmate na.” Hala! Talaga? Pwede bang magpalipat ng room? Please? Teka, bakit ako umiiwas?

“Really? Oh my gosh! I will  sabunot her hair agad by the time she enters the room na.” Warfreak talaga sila. Ano namang pakialam ko? Tatahimik na nga lang ako.

Maya-maya lang ay narinig kong nagsigawan ang mga babae sa loob ng room namin at nagbubulungan. Tumingin ako, at eto na nga sina Jeremy kasama yung girl.

“Girls. NGAYON NA!” Sigaw nung isang babae na malapit sakin. Sinugod nila yung girl na kasama ni Jeremy.

Hindi ko alam kung sino ang kaluluwang sumanib sa katawan ko. Basta tinulak ko ng malakas yung babae papalayo dun sa babaeng kasama ni Jeremy at natumba yung tinulak ko. Nagulat nga rin ako sa sarili ko eh.

“S-sorry.” Nangangatal kong sabi. May biglang humawak sa kamay ko at nalaman kong si Jeremy pala yun.  Tumayo yung babaeng tinulak ko at hinarap niya ako.

“YOU GOOD FOR NOTHING GIRL! YOU RUINED EVERYTHING! Ang STUPID mo talaga!” Susugurin na sana ako nung kaklase ko nang biglang may humarang sa kanya…

“I don’t think Cathy is the one who is stupid and good for nothing here. Sa tingin ko ikaw yun. You should be thankful for her kasi tinulak ka niya papalayo sakin. Siguro kung hindi ka niya pinigilan, makikita mo ang sarili mong nakaluhod sa harapan ko. At ayaw mo naman siguro mangyari yun sa’yo diba?” Tahimik kaming lahat, as in lahat talaga kami, sa mga sinabi nung babaeng kasama ni Jeremy. Tsaka paano niya nalaman yung pangalan ko?

“SINO KA BA TALAGANG PAKIALAMERANG BABAE KA?” ‘Yan din ang gusto kong malaman, sino ba siya?

“Ako si Mich. Ang anak ng may ari ng school na ito. Ang alam ko mababait ang mga estudyante dito, paano ka nakapasok dito? Pwede akong magrequest na paalisin ka dito sa school na ito, pero dahil sa mabait ako, hindi ko gagawin yun. Hindi ako kasimbabaw katulad mo. “ At ningitian niya yung classmate ko. Yung mapanginis na ngiti. Pero hindi ako yung naiinis ah? Si classmate girl ko naman, nagdadabog papaalis ng classroom. Haha! Napahiya na siguro ‘yun ng tuluyan.

“As for you Cathy,” Hala. Tumingin siya sakin. Siya na ata ang magpapaalis sakin sa school na’to. Nako sana naman hindi! “Salamat dun sa ginawa mo kanina. Hindi ko alam na gagawin mo ‘yun.” Maski rin naman ako hindi ko alam na magagawa ko yun.

“Ay nako, wala yun! Hehe.”

“Sana magkakilala pa tayo. Interesado ako sa’yo Cathy.”

“Pwede mo naman ako kausapin. Ahh sige, babalik na ako sa upuan ako ah?” Naging awkward na kasi yung paligid dahil pinagtitinginan kami ng mga kaklase ko kaya bumalik na lang ako agad sa upuan ko, ganun din yung iba. Sina Mich at Jeremy magkatabi rin. Bale nasa gitna namin ni Mich si Jeremy.

Mukhang mabait naman si Mich. Maganda pa. Bagay na bagay sila ni Jeremy--GAAAH!!!! Ay ewan! Ayoko na nga muna isipin yan! Nakakastress!

***

Absent si Sir kaya free time kami. Wala naman akong gagawin kaya lumabas na lang ako ng room at naglakad lakad.

Napansin ko lang mukhang sobrang close sina Mich at Jeremy. Kanina nga nagtatawanan pa sila eh. Ako? Tahimik lang hoho! Wala namang pumapansin maliban kay Karen at Jeremy eh. Si Karen wala nanaman sa room, may tinataguan daw siya eh. Ewan ko kung sino yun. Basta gusto ko ng umuwi!

Pupunta ako ngayon sa soccer field para magpahangin. Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko si Gerald na nakatingin sa direksyon ko. Nagtama ang mga mata namin. Naglalakad siya papunta saakin at ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

“Cathy may gusto akong sabihin sa’yo.”

“Uh, Gerald, pwedeng mamaya na lang? Nakalimutan ko may gagawin pala ako, sige babye!—“

“Cathy gusto kita.”

Highschool Lovestory (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon