Chapter 26

2.5K 34 18
                                    

Author's Note: Matagal tagal din ako hindi nakapag update. So sorry talaga dahil pinaghintay ko kayo ng matagal. Katatapos lng ksi ng finals namin at konti lng ang naging time ko sa pag uupdate. Sorry talaga!!!!!!! Pero nagpapasalamat ako sa mga nag fan at nag add sa "reading list" nila ng HSLS (Highschool Lovestory) Maraming maraming salamat po!!!!!! At dun sa mga may fb add nyo sina Cathy, Jeremy, at Gerald. Visit my profile for the links ;) Magaganap po ang acquaintance party sa nxt UD kaya stay tune :) Sige hindi ko na to papahabain.

Vote and Comment after reading this chapter (aasahan ko po iyan sana huwag nyo po akong biguin)  -hsl13

*Gerald’s POV*

Matagal tagal ko ring hindi nakasama at nakausap si cathy. Nakakalungkot lng dahil sa tuwing nakikita ko siya, lagi niyang kasama si Jeremy

Nakakaramdam din ako ng selos dahil parang nakakalamang na sakin si Jeremy

Kaninang umaga nakikinig ako ng kanta sa phone ko nang may narinig akong dalawang tao na nag sisigawa pero hindi ko masyado marinig dahil nakalagay ung earphones ko sa magkabila kong tenga

Nang biglang nagplay yung kantang narinig kong kinakanta ng mga kaibigan ni Chelsea

Now Playing: Hiling by: Silent Sanctuary

 Minsan di ko maiwasang isipin ka... 

Lalo na sa t'wing nag iisa... 

Ano na kayang balita sayo... 

Naiisip mo rin ba kaya ako…

Habang pinapakinggan ko tong kantang to, bigla  ko naalala si cathy…….

Damdamin pilit ko nang tinatago... 

Hinahanap ka parin ng aking puso... 

Parang kulang nga kapag ika'y wala... 

At hihiling sa mga bituin... 

Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin... 

Hihiling kahit dumilim... 

Ang aking daan na tatahakin... 

Patungo sa iyo…..

Pagkataas ko sa hagdanan, nakita ko sina Jeremy at Cathy……..na magkasama uli

Hinahampas ni Cathy si Jeremy sa braso at wala namang tigil si Jeremy sa pang aasar sa kanya.

Tinanggal ko ang earphones ko at narinig ko na nagsisigawan silang dalawa

“KAMATIS!”

“SNATCHER!”

Nagtataka ako kung bakit ganun ang tawagan nila sa isa’t isa.

“teka, bakit ganun ang tawagan nila sa isa’t isa? Kamatis? Snatcher?........Hindi kaya, sila na???”  hindi ko alam kung bakit ganun na lng ang pumasok sa isipan ko. Pero kung titignan silang dalawa, parang nagkakatuwaan nga silang dalawa.

.....................................................................................................................

Nagulat ako sa nakita ko at hindi  ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat ko…….

***

-change of POV-

*Jeremy’s POV*

“Kamatis!” -ako

“Snatcher!” -cathy

“Kamatis!”

“Snatcher!”

“I LOVE YOU!!!!” sigaw ko kay kamatis este cathy pala

“Ha?” bigla naman napatigil sa paglalakad si cathy

Hinawakan ko ang magkabilang braso ni cathy at ibinaba ko ng konti ang mukha ko para pantayan ang mukha niya

:”ang sabi ko, I LOVE YOU!!!” at inemphasize ko talaga sa kanya yung I LOVE YOU

Hindi nakapagsalita si cathy at nakita ko na namumula nanaman ang pisngi nya

“hala! Namumula nanaman ikaw!!!!! Haha ang cute nman ng kamatis na to!!!!!” natatawang sabi ko

“Ikaw talaga!!!! Nakakainis ka ah! Niloloko mo nanaman ako!!!! Walanjo to!!!!! Nung Lunes mo pa ako ginaganito ah!!!!” sigaw sakin ni cathy sabay hampas nanaman sa braso ko

“Gusto mo naman. Aminin mo kinilig ka sa cnabi ko kanina” sbi ko sa kanya at pinipilit ko tlgang sabihin nya na kinikilig sya

“tse!!! Ewan ko sayo!!!! :P” sabay belat sakin

“haha may kamatis palang nangbebelat? Ngayon ko lng nalaman haha!!!!” sabay pisil sa namumula niyang pisngi

“Tigilan mo nga yan! Ang sakit mo mangurot!” habang tinatanggal nya ang kamay ko sa pagkakapisil sa mukha nya

“Hindi naman kita kinukurot ah? Pinipisil ko lng yang mukha mo”

“Pisil ba yan? Eh ang sakit sakit!”

“haha nakakatuwa ka lalo na pag naiinis ka! Kaya gus2 kita eh” sabay akbay sa kanya

“Ang kulit mo ah! Tanggalin mo nga yang pagkakaakbay mo sakin. Baka mamaya may makakita satin baka akalain nila—“

“Baka akalain nila na tayo na?” pinutol ko ung sasabihin niya

“Ha?! H-hindi a-ahh!!!” nauutal niyang sabi

“Itatanggi pa, pero halata naman na yun ang sasabihin mo” mahina kong sabi

“anong sinabi mo?!?!?! Tinatanggi ko???? Bakit sino bang nagsabi sayo na yun ang sasabihin ko?” naiinis nyang tanong sakin

“eh yun din nman ang sasabihin mo kaya ako na lng ang nagtuloy” sgot ko nman

“Ano ka? Manghuhula? Nagbabasa ka ng isip ng iba?”

“So ibig sabihin tama nga ang sinabi ko?” tanong ko sa kanya habang nakangiti sa kanya

“tse!!! Tabi nga!!!” at tinulak niya ako palayo sa kanya sabay lakad papalayo sakin

“haha eto nman! Ang bilis mo nmang magalit. Teka hintayin mo ako kamatis!!!!!!!!!!!!” at hinabol ko na siya para maabutan siya

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Highschool Lovestory (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon