Chapter 27 part: 2

2.6K 39 26
                                    

Author's Note: Hello!!!! Musta na bakasyon nyo?  Sorry for a very very very very very very late update. Hindi kasi masyado nakikicooperate ang mga brain cells ko kaya matagal ako mag update ngayon. Pero natutuwa ako sa mga feedbacks niyo dun sa nakaraang chapter. Super natutuwa ako sa mga comments niyo. Sana ganyan kayo lagi. Yung laging nagcocomment. Sana may mga readers pa rin akong natitira :D Magiging active na uli ako sa wattpad ngayon. Hindi ko na to papahabain VOTE and COMMENT after reading this. Medyo nahirapan ako dito dahil medyo related yung ibang scene sa buhay ko. Sana magustuhan niyo :)

Birthmonth ko na nga pala lapit na pala birthday ko haha!!! Tatanda nanaman ako ng isang taon XD

Ay wait nakalimutan ko, ano masasabi niyo sa bagong cover ng HSLS? Mas gusto niyo ba to? Or yung dati? (sagutin niyo to ah? pati na rin ung mga reactions niyo sa story XD)

This chapter is dedicated to Gerald XD Lagyan ko naman daw ng kulay ang buhay ng ibang characters. Lagi daw kasi sina Cathy at Jeremy. Haha!!! Anyway Gerald ayan na ah? Wag ka na magtampo XD

Chapter 27 part 2

*Gerald’s POV*

Nung narinig kong sinabi ng host na oras na para sa slow dance, nagstay muna ako sa upuan ko dahil medyo nahihiya pa ako sa ibang tao. Nagulat na lang ako nang makita ko si Chelsea sa harap ko.

“Oh Chelsea, ba’t ka nandito? Hindi ba dapat nandun ka kasama ang mga kaibigan mo?” tanong ko sa kanya

Bigla siyang ngumiti sakin na nagpabago ng aking pakiramdam. “Gerald, Gerald”

“h-ha? Ano sabi mo?” hindi ko namalayan na natulala na pala ako

“Tinatanong ko kung pwede ba akong umupo sa tabi mo?”

“a-ahh sige. Wala namang nakaupo sa tabi ko eh”

Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi at ako naman, nagtataka sa nararamdaman ko.

“Ba’t ganun? Nung nakita ko siyang ngumiti sakin parang nag iba ang ihip ng hangin?”  sabi ko sa isip ko

Tinignan ko uli siya, this time parang malungkot siya habang pinapanood niya ang mga kaibigan niya na nagkakatuwaan at nagsasayawan sa dancefloor. Gusto ko siya tanungin kung bakit hindi siya nag eenjoy sa party pero hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon maitanong sa kanya. Parang may mali

“eeeeeeeeeeeekkkk!!!!!!!!!!!!!” nagulat na lang ako ng biglang may mga babaeng nagsisigawan sa harapan namin ni Chelsea at biglang lumapit sakin yung babaeng may hawak na camera na isa rin sa mga nagsigawan kanina

“uhh…excuse me hihi… ikaw ba yung bagong student dito sa school?”  tanong nung babaeng may hawak ng camera.

“ahh…hehe…oo” dinaan ko na lang sa tawa kasi sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin dahil siguro bago pa lang ako dito

“Ang cute mo naman. Halika sayaw tayo” hindi pa ako nakakasagot sa alok niya ay bigla na lang nya ako hinawakan sa braso at hinila papuntang dance floor

Pagkarating namin sa dancefloor, humarap siya saakin. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at inilagay niya sa bewang niya at siya naman, pinatong niya ang dalawa niyang kamay malapit sa may leeg ko at nagsimula na kaming magsayaw.

“Ano nga pala name mo?” tanong nung girl

“Francis Gerald Feliciano. But you can call me Gerald for short”

“Nice name. Are you enjoying the party?”

“Yes” pero ang totoo hindi. Sa ngayon, ayoko talaga makipag usap sa iba. Ang gusto ko lamang makausap ngayon ay si Chelsea. Gusto ko siyang tulungan kung may problema man siya. Kasi kaibigan ko siya.

Highschool Lovestory (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon