Chapter 39

1.1K 19 14
                                    

Chapter 39

POV: Chelsea Delfin

“Aaaah!!! Ang stupid mo talaga, Chelsea! Ang stupid, stupid mo talaga! Bakit ka pa kasi sumunod kina Cathy at Gerald? Eh alam mo namang may makikita kang hindi mo magugustuhan. You should’ve give them privacy na lang kasi hindi ka naman involve dun sa nangyayari sa dalawa! Tapos ano ngayon? Magdadrama ka sa harap ng salamin and you’re giving yourself a lecture?” Sinampal-sampal ko ang sarili ko habang nakikita ko ang sarili ko sa harap ng salamin.

“Si Cathy ang gusto niya, Chelsea! Hindi ikaw! ‘Wag kang magbulag-bulagan! Kitang-kita mo naman kung paano tingnan ni Gerald si Cathy pati yung…yakap na binigay ni Gerald kay Cathy habang umiiyak si Cathy kanina. ‘Wag mong gawing tanga ang sarili mo!” Napaupo na lang ako harap ng salamin at napaiyak.

Alam ko naman in the first place na ang gusto talaga ni Gerald ay si Cathy. Sobrang nagagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na ipagpatuloy ‘tong nararamdaman ko kay Gerald. Kung pinigilan ko ‘to eh di sana hindi ako nasasaktan ngayon!

***

Nagising ako at namalayan kong nakatulog na pala ako sa sahig ng kwarto ko. Tumayo ako at nakita ko ang sarili ko sa salamin na namumugto ang mga mata ko.

“Totoo pala yung nangyari kagabi…akala ko panaginip lang.” Tumayo na ako at nagsimulang ayusin ang sarili ko dahil kailangan ko ng pumasok sa school.

Kokonti palang ang mga tao sa school pagdating ko. Mukhang napa-aga ako ng pasok ngayon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nagtungo sa loob ng classroom namin. Napahinto ako sa paglalakad…

“Nandito ka na pala.” Bati ko kay Gerald. Napalingon siya sakin at ningitian ako.

Umupo na ko sa upuan ko at ipinatong ko ang ulo ko sa desk ko at pumikit.

“Ayos ka lang, Chelsea?” Tanong sakin ni Gerald. Hindi ako sumagot at nakapikit lang ako.

“Let me guess, you cried last night.”

“No.” Nakapikit pa rin ako.

Hindi na ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Lumabas na ata siya. Dumilat ako at nagtama ang mga mata namin ni Gerald. Nasa tabi ko na pala siya at nakapatong rin yung ulo niya sa desk at nakaharap siya sakin.

“I got you. Wag mo ng itanggi. Halatang umiyak ka. Tell me. Nakikinig ako. Tayong dalawa lang naman ang nandito at mamaya pa papasok yung mga kaklase natin.”

Kailangan ko ba talaga sabihin kung ano yung mga pinagsasasabi ko sa sarili ko kagabi?

“Si Cathy! Teka lang Chelsea, pupuntahan ko lang siya.” Tumayo agad si Gerald at naglakad.

Change of POV: Gerald Feliciano

Papalabas na sana ako ng classroom nang may bigla akong narinig na humihikbi. Napatingin ako at nakita ko si Chelsea na nakatayo at umiiyak habang nakatingin sa mga mata ko.

“Gerald, ganun mo bang kamahal si Cathy? Iiwanan mo lahat pati ako dahil sa kanya?”

“What did you say? Babalik naman ako, Chelsea. May sasabihin lang ako sa kanya.”

“Si Cathy na lang ba lagi, Gerald? Kung ako ba siya, iiwanan mo ba lahat para lang sakin?” Lumapit siya sakin at patuloy siyang umiiyak.

“Bakit ka ganyan? Bakit ba masyado kong binibigyan ng meaning yung pagiging mabait mo sakin? Naaasar ako sa sarili ko dahil bakit ko ba pinipilit sabihin sa sarili ko na magugustuhan mo rin ako? Ang bigat sa dibdib sa tuwing makikita ko kayong magkasama at masaya . Ang selfish ko no? Hindi ko kayang maging masaya para sa’yo at sa inyong dalawa! At ang tanga-tanga ko dahil umaasa pa rin ako kahit wala!”

 I can’t find the right words to say but instead I held her hand. She looked directly into my eyes and tears kept on streaming down on her face.

“Ako na lang, Gerald. Ako na lang please?...tayong dalawa na lang.”

 

***

Questions started to build up on my mind after our conversation. Pero binalewala ko muna yung mga tanong sa utak ko ay pinatahan ko muna si Chelsea sa pag-iyak. Umuwi siya agad pagkatapos ng mga klase namin at hindi na kami nakapag-usap.

 Chelle's Note: (Sana basahin niyo)

I'm planning na tapusin na 'tong story na'to so baka yung next update ay epilogue na or may isa pang chapter. It depends. Pero salamat talaga sa mga nagtyatiyagang magbasa nito kahit sobrang tagal kong mag-UD at kahit sobrang cliche' na storya. Haha! Nahihiya nga ako sa inyong lahat pero maraming salamat talaga sa mga patuloy na nagbabasa nitong storya na'to. Hart hart hart!

Highschool Lovestory (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon