(This coming scene ay bago nangyari yung POV ni Gerald dun sa last update ko nung tumakbo siya papaakyat dahil dun sa nakita niya)
POV: Cathy Reyes
Halos dalawang linggo na ata kaming hindi nagpapansinan ni Jeremy simula noong nagbreakdown ako sa harap niya at nagtanong ng kung ano-ano hanggang sa napaiyak ako at nakisabay kay Gerald umuwi.
Magkaklase naman kami ni Jeremy, so nakikita ko pa rin naman siya kaso hindi kami nag-uusap. Hindi rin siya tumitingin sa akin. Pero hindi na kami magkatabi eh pareho kaming nasa magkabilang dulo nakaupo.
Inaamin ko na sa sarili ko na gusto ko si Jeremy. May affection ako sa kanya at namimiss ko yung presence niya kapag magkasama kami.
Nung isang araw nga lalapitan ko na sana siya para kausapin at magsorry kasi ang oa ko. Kaya sinundan ko siya nung lumabas siya ng classroom at inilabas niya yung phone niya. May tinawagan ata
"Mich, nasaan ka?" pagtatanong ni Jeremy sa phone niya.
Nang narinig ko yun napaatras ako bigla ng lakad at bumalik na lang ulit sa classroom. Biglang uminit yung ulo ko noon eh kaya padabog kong naitulak yung pinto papasok at natamaan ko yung kaklase kong bully. Doon naman ako natauhan bigla kaya nawala sa isip ko yung inis ko at napalitan agad ng takot. Kasi tinulak niya ako ng konti ng pero may konting lakas. Nakikita ko na rin na parang naghahanda na yung kamao niya sa kahit ano mang gagawin niya.
Pero may isa akong kaklaseng lalaki na binulungan siya kaya napatigil yung kaklaseng natamaan ko at itinuro niya ako
"Pasalamat ka ngayon. Kung hindi lang dahil dyan sa Jeremy na yan hindi ako magdadalawang isip na bawian ka sa ginawa mo." Nagsorry naman ako agad sa kanya at nagpaliwanag na hindi ko sinasadya nung tinamaan ko siya.
Paano naman kaya nasangkot si Jeremy dun eh kasama niya si Mich? Sabagay. Class officer nga pala baka takot sa kanya.
***
Tapos na lahat ng klase ko kaya pwede na kong umuwi pero ngayon naglalakad ako paakyat ng rooftop kasi may tao akong kailangan kong kausapin.
Kinakabahan ako. Namamawis ang mga palad ko. Pero kailangan ko na kasi talaga siyang makausap para matahimik na rin ako.
Nandito na ako sa rooftop at iginala ko ang aking paningin para makita siya...
At ayun siya sa gilid. Nakatingin siya sa ere.
"Gerald." Napalingon naman siya agad sa akin
"Cathy nandyan ka na pala. Kanina ka pa ba dyan?" Kumuha siya ng dalawang magabok na upuan at pinagpag niya iyon gamit ang kanyang kamay "Upo ka oh." Pag-aalok niya sa akin.
"Salamat, Gerald." Umupo na ako at umupo rin siya sa tabi ko pero may distansya sa pagitan namin.
"Ngayon lang ulit tayo nagkita ulit. Kamusta ka?"
"Maayos naman ako, Gerald. Alam kong matagal ng nangyari noong huling hinatid mo ko sa bahay noon pero gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo."
"Haha wala yun. Ayoko lang kasing makita kang umiiyak kaya hindi na ko nagdalawang isip na pumagitna sa inyo ni Jeremy." Napatulala ako pagkatapos niyang magsalita.
"Ahh...Cathy yung tungkol nga pala dun sa inamin ko sayo, hindi biro yun. Totoo yun--"
"Gerald may kailangan akong sabihin sayo kaya nakiusap ako sayo na magkita tayo rito." Pinutol ko na agad siya sa pagsasalita kasi mas lalong sumisikip yung dibdib ko.
"Yan na ba yung sagot mo?" Pagtatanong niya.
Tumango ako bilang pagsagot ko na tama yung tanong niya.
"Sige." Huminga muna ako ng malalim at inayos ko muna sa isip ko yung mga sasabihin ko sa kanya at humarap din siya sakin para pakinggan ang sasabihin ko.
"Gerald, thank you sa lahat ng mga nagawa mo. Salamat dahil sayo, hindi ko naramdaman na nag-iisa ako. Palagi kang nandyan sa tabi ko kapag malungkot ako at kahit hindi ko man sinasabi sayo yung problema ko, nandito ko palagi para pagaanin yung bigat ng loob ko."
"Sabi ko naman sayo Cathy wala yun."
"Sobrang bait mo, Gerald...pero sorry."
"..." nabalot ng katahimikan ang paligid namin.
"Sorry, Gerald kasi wala akong maibabalik sayo na katumbas ng mga mabubuting nagawa mo para sa akin." Nakatingin lang siya sa akin.
At bigla siyang nagsalita, "Yung sorry mo ba tungkol ito sa pag-amin ko ng nararamdaman ko sayo?"
"Sorry Gerald kasi hindi ko maitulad yung nararamdaman ko sayo sa nararamdaman mo sa akin." At tuluyan na kong napaluha.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin at hinimas ang likod ko.
"Ang sama-sama kong tao kasi alam kong masasaktan kita, Gerald. Kaya humihingi ako ng tawad sayo."
"Salamat, Cathy. Salamat kasi nagpakatotoo ka. Sinubukan ko lang naman kung may pagkakataon ba ako sayo." Pinunasan niya ulit ang mga luha ko.
"I'm really sorry, Gerald."
"Naiintindihan ko, Cathy. Wag mong isiping masama kang tao. Oo, may nasaktan ka ngayon pero hindi ibig sabihin nun na masama kang tao. Minsan no choice talaga eh. Kailangan mong manakit ng tao kahit hindi mo sinasadya kasi para yun sa ikabubuti ng pareho yun."
BINABASA MO ANG
Highschool Lovestory (On Going Series)
Teen FictionSi cathy ay isang 3rd year highschool student. Gusto patunayan ni cathy na ang buhay highschool ang pinakamasayang parte ng buhay nya. Lagi siyang binubully sa school kya hindi nya naeenjoy ang mga school days nya pero nung nakatungtong na sya sa 3...