Chapter 36
POV: Cathy Reyes
“Cathy may gusto ako sa’yo.” Teka-teka, nabingi ata ako. Ansabe ni Gerald?
“H-ha?”
“Cathy matagal na kitang gusto ko. Simula nung una tayo nagkakilala, may naramdaman na agad ako sa’yo.” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga sinasabi niya sakin kaya nanatili na lang akong tahimik.
“Hindi ko naman sinasabi na, kailangan mong sabihin sakin kung may nararamdaman ka rin para sakin o wala. Pero Cathy, I just want you to know my feelings for you. Sana ‘wag mo ‘kong layuan, at maging maayos pa rin yung pagkakaibigan natin.” Pagkatapos niyang sabihin yun, ay umalis na siya.
Hala. Bakit nagkakaganito ngayon? Kinakabahan ako ngayon sa mga nangyayari, at nalilito ng sobra! May nararamdaman din naman ako para kay Gerald, pero may nararamdaman din ako kay Jeremy. Ehh! Anong nangyayari sakin?
Ginulo-gulo ko ang buhok at sinampal ko rin ang sarili dahil nagbabakasakali ako na baka panaginip lang to. Pero nararamdaman ko yung sakit ng sampal ko sa sarili ko eh, ibig sabihin hindi ito panaginip.
***
“OH MY GOSH TEH! UMAMIN SA’YO SI GERALD?! OMG! OMG! CAN SOMEBODY SLAP ME?---ARAY!” Sinampal ko si Karen ng malakas. Sabi niya kasi ‘can somebody slap me?” Eh di ayan, sinampal ko siya.
“Ang ingay mo naman iiih!!!” Naiirita kong sabi.
“Eh ano naman sinabi mo?”
“Wala.” Bigla niyang hinampas yung table namin,
“Wala? As in not even a single word? Or letter? Maski isang ‘Ah’ man lang?” Pasigaw niyang sabi at nanlalaki ang mga mata niya.
“Waley nga. Ang kulit mo rin eh.”
“Jusko teh! Si Gerald na yun oh! ISA SA MGA LALAKING PINAGKAKAGULUHAN DITO NG MGA GIRLS! Ayaw mo pa? Ang choosy mo! Super! Ang swerte mo kaya! O kung ayaw mo sa kanya, ibigay mo na lang siya sakin, libre ako teh!” Binatukan ko siya.
“Eh…unexpected naman kasi eh. Out of the blue niyang sinabi yun sakin. Syempre magugulat ako. At tsaka…”
“Tsaka?”
“…wala, wala. Sabi ko ang chaka mo.”
“Mas chaka ka! Dali na teh! Sabihin mo na sakin yan. I will keep my mouth shut. Promise.” Magsasabi ba ako sa kanya? O hindi? Bahala na nga.
“S-si...si…si—“
“Teh, yung totoo. Nag eespanyol ka ba? ‘Si’ ka ng ‘si’ eh. Sabihin mo na!” Okay, eto na talaga.
BINABASA MO ANG
Highschool Lovestory (On Going Series)
Teen FictionSi cathy ay isang 3rd year highschool student. Gusto patunayan ni cathy na ang buhay highschool ang pinakamasayang parte ng buhay nya. Lagi siyang binubully sa school kya hindi nya naeenjoy ang mga school days nya pero nung nakatungtong na sya sa 3...