Chapter 34

1.5K 27 10
                                    

Chapter 34

POV: Jeremy Christian Santos

Tss…kaasar! Hindi na ko pinapansin ni Cathy pagkatapos nung nagsagutan kami nung Gerald na yun.

Ang bastos kasi. Masaya kaming magkasama ni Cathy tapos biglang susulpot dyan at aagawin si Cathy papalayo sakin. Nakakainit ng ulo.

Ano kayang pwedeng gawin para matigil na yang “silent treatment” na yan?

“Huwoooy!” Oh great! Kung sino man ang humampas sa likod ko at natapunan pa ako ng iniinom ko, ang lakas ng trip niya.

Lumingon ako, wala namang tao---

“Mukhang malalim ang iniisip mo pinsan.” Napatingin ako sa harapan ko.

“Whoa! Mich ikaw pala yan.”

“Oh yes! Your dearest  cousin is already here na!”

“Dahil dyan, bayaran mo ko, natapon yung iniinom ko.”

“Oh eto, piso. Pambili mo ng iCool candy para lumamig yang ulo mo. “

“Teka teka, diba next year ka pa uuwi dito galing Canada? Ba’t ka nandito? As far as I know hindi niyo pa winter break.” Pagtatanong ko.

“Oh c’mon Christy! You should be happy ‘coz I’m back!” Tumayo siya sa seat niya at kinuha niya yung inorder niyang Cappuccino tapos umupo na uli siya sa harapan ko.

“Stop calling me Christy. Ambading tss.”

“Eh what’s the use of your second name kung hindi mo naman gagamitin? I think Christy is a good nickname for your second name “Christian”. Instead of calling you Christian, mahaba, nakakasayang sa laway, Christy na lang. Ang cute diba?” Tumatawa pa siya.

“Bahala ka.” Hindi pa rin nagbabago si Mich. Makulit. Kahit magkasing edad lang kami.

“So what brings you here? Bakit ka nag iisa? Wala ka paring girlfriend pinsan?” Sunud-sunod niyang tanong.

“I also need time to unwind. Maraming nangyayari eh. Yun na nga Mich, may problema ako.”

“What is it? Maybe I can help? Tell me.” Naglean pa siya para makinig sakin.

“Well there’s this girl that I like, parati ko siya nilalapitan, kinukulit, basta lagi akong masaya pag kasama ko siya. Pero dahil may nangyari, hindi na niya ako pinapansin.”

“Oh my gosh! May nangyari sa inyo?” Malakas na sabi niya. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Ibang klase talaga ‘tong si Mich, kababaeng tao ang ingay.

“What?! Mukhang hindi tayo nagkakaintindihan Mich—anak ng! Ba’t ka nambatok?!”

Highschool Lovestory (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon