Chapter 28

2.7K 35 13
                                    

Author's Note: Sinubukan kong tapusin to dahil balita ko yung iba sa inyo may pasok na bukas. Sa 6 pa pasok ko eh. Pero gusto ko lang sabihin sa inyo na GOOD LUCK sa 1st day of school niyo! Pag igihan niyo yung pag aaral niyo. Lahat tayo magiging busy na ngayon dahil may school na, kaya sana maintindihan niyo kung late na ako makakapag update. Pero may schedule po ako ng Updates. Every weekend po ang pag post ko ng UD. Pero hindi ko rin maiiwasan na BAKA madelay yung mga updates. Kasi magfofocus ako sa studies ko ngayon. Tyaka may mga quizzes, recitations, projects, exams etc. Kaya minsan hindi ko rin naaasikaso yung UD. Please intindihin niyo na lang po. Sana magustuhan niyo yung UD na to ^^

VOTE and COMMENT after reading this chapter. Hihintayin ko po yung mga feedbacks niyo. Good luck uli sa 1st day! :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 28

*Cathy’s POV*

(habang naglalakad papuntang eskwelahan)

Aachoooo! *singhot* halos magdadalawang araw na akong may sipon. Kung hindi ako nagkakamali nagsimula ito nung pagdating ko sa bahay galing acquaintance party.

~~~after the party~~~

“Cathy, pumasok ka na dito sa kotse! Lumalakas ang ulan!” pasigaw na sabi ni Karen mula sa loob ng kotse na sinasakyan niya.

Dumaan muna kasi ako ng restroom bago lumabas sa venue ng party. Nagkataon na biglang bumuhos ang malakas na ulan.

“O-oo, saglit lang!” natataranta kong sagot. Wala kasi akong payong o kung ano mang bagay para hindi ako mabasa ng malakas na ulan.  

Medyo nahiya na ako sa kanila dahil hinihintay nila ako at lumalalim na rin ang gabi, napilitan akong sumugod sa malakas na buhos ng ulan at mabilis tumakbo papunta sa kotse nina Karen.

“Cathy oh…” napalingon naman ako kay Karen at nakita ko na may iniabot siyang maliit na towel. “Pagpasensyahan mo na best, wala kasi kaming jacket o malaking towel para hindi ka lamigin”

Agad ko namang kinuha yung maliit na towel kay Karen. “Nako okay lang sakin Karen, Hindi naman ako masyadong nabasa- aray!” napa-aray ako dahil pinitik niya ako sa noo ko.

“Anong hindi masyadong nabasa? Eh basang basa ka nga eh! Tingnan mo, nawala na yung make up mo. Tapos nabasa pa yung damit na binigay sayo ni Jeremy” napatigil ako sa paghimas ng noo ko at tumingin uli ako kay Karen na sa kasulukuyan ay nakatakip ang bibig niya ng kamay niya.

“A-anong sinabi mo? Damit na binigay sakin ni Jeremy?” sobrang nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung paano niya nalaman na si Jeremy nga ang nagbigay ng damit ko?

“O-oo! Si Jeremy ang nagbigay sayo ng damit mo. Infairness magaling siya pumili. Alam mo best, sa tingin ko may gusto talaga sayo si Jeremy eh.”

Ano daw? May gusto sakin si Jeremy? Pagbinigyan ng damit, may gusto na agad?

“Nako isara mo nga yang bibig mo, baka gusto mong i-steypler ko yang bibig mo eh! Kung ano ano mga pinagsasasabi mo na hindi naman totoo. Teka, pano mo nalaman na si Jeremy ang nagbigay nito sakin?” tinaasan ko siya ng isa kong kilay.

“Wag mo na alamin kung paano ko nalaman! Basta alam kong si Jeremy ang nagbigay nan. Yung totoo best, napaisip ka nung sinabi kong may gusto sayo si Jeremy noh? Yiiiiieeee aminin!!!!! Wag na i-deny!!!!” At mahina niya akong sinisiko sa tagiliran ko.

Hindi na lang ako sumagot dahil pag mas lalo ko lang siya kinausap, mas lalo lang niya ako kukulitin.

“Aaaachoooooo!!!!”

Highschool Lovestory (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon