PROLOGUE

396 6 0
                                    


Biglang may kumatok at narinig ko ang boses ni Mama kaya dali-dali ko namang inayos ang sarili ko. "Anak, mag-ayos ka saka bumaba, may bisita tayo."

"O-Opo Ma." Agad na akong kumuha ng isang  pink na pastel na dress saka undies saka pumasok sa bathroom para mag-half bath muna.

Pagkatapos ko ay nagsuklay lang ako saka bumaba na. Nakita ko na may nakatalikod sa gawi ko na parang isang pamilya pero parang pamilyar yung lalaki na nasa gilid.

Dumeritso na muna ako sa kusina at kumuha ng Tubig sa Ref saka nagsalin sa baso saka dumeritso sa Living Room at agad  nanlaki ang mga mata ko ng makita si Speaker. Tumalikod naman ako saka dahan-dahang naglakad pabalik sa Kusina pero narinig kung tinawag ako ni Mama kaya napapikit na lang ako. "Jean, Halika rito sandali may ipapakilala kami sayo."

Dahan-dahan naman akong pumihit saka nakayukong naglakad papalapit. "Ikaw?!" Napataas naman ako ng tingin saka umiling ng umiling.

"H-Hindi ako." Sagot ko habang iiling-iling pa rin.

"Magkakilala kayong dalawa?" Agad naman akong napatingin kay Mama.

"M-Mom, akyat na ako." Bulong ko pero hinigit lang ako nito saka pinaupo sa tabi niya.

"Mamaya na Baby, may ipapakilala pa kami sayo." Nakangiting saad nito at inayos ang buhok ko.

"Mabuti pa, kumain muna tayo. Siguradong gutom na kayo dahil medyo malayo-layo ang biyahe." Aya ni Daddy.

"Magandang ideya iyan Kumpadre, kanina pa nga si Speaker nagrereklamo na gutom na raw siya." Palihim naman akong napatingin sa gawi niya pero agad ding nag-iwas ng makitang ang sama ng tingin niya.

Wala sana akong balak na sumama kaso nakakahiya naman. Sumunod lang ako sa kanila at paminsan-minsan titingin sa gawi niya pero ang sama talaga ng tingin niya saakin kaya napapaiwas din agad ako.

Nag-uusap tungkol sa trabaho ang mga Daddy at Mommy namin habang si Speaker naman ay masama pa rin ang tingin saakin habang kumakain, ako naman ay inosenteng nakatingin sa kaniya. Wala naman akong ginagawa bakit ganiyan siya makatingin.

Dahil ba doon sa chocolates at letter? Ako na nga yung nasaktan niya eh tapos siya pa magagalit. Ganon ba yun? Parang baliktad naman ata.

Nang matapos kumain ay bumalik kami sa Living Room. Naging seryuso na ang hangin kaya parang kinakabahan na ako. "Napagdesisyonan namin na ipakasal kayong dalawa." Deritsong saad ni Daddy. Walang paligoy-ligoy.

Parang tumigil naman ang oras at nabingi ako. Para akong pinaglalaruan ng pandinig ko. Pero bago pa ako makapagtanong ay narinig ko ng sumigaw si Speaker.

"No! Ayaw ko." Sigaw nito at sinamaan ako lalo ng tingin. Kung makapapatay ang titig siguro ay kanina pa ako pinaglalamayan.

"Son, listen okay? Magkaibigan kami ng Daddy ni Hannah at magbestfriend din ang Mommy mo at Mommy niya. Dati pa namin plinaplano ito at ngayon ang magandang panahon para sabihin sa inyo. Makakatulong din sa bussiness ng parehong pamilya kapag kayo ang nagkatuluyan lalo na at pareho kayong tagapagmana." pagpapaliwanag ng Daddy niya sa kaniya.

Ikakasal? Kami?

Biglang bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko pero pinakalma ko iyon.

"But Dad! I don't like her."

"Your voice Speaker!" Saway sa kaniya ng Mommy niya.

"Ikaw Iha, do you want to be married to my son or not?" Saakin natuon ang atensiyon ng tanongin ako ng Daddy niya.

Halos magwala ang puso ko. Naghahalo yung kilig, kaba, excitement, takot at pangamba pero sa huli. "A-Ayos lang po."

"No! Ayaw ko. Hindi ako papayag!" Tutol nito habang nakatingin saakin ng sobrang sama.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon