11

183 5 0
                                    

Biglang nagring yung cellphone ko mula sa bulsa ng jacket ko. Nasa bahay ako ngayon dahil wala kaming pasok. Mula Lunes hanggang Byernes iyon. At Lunes ngayon.

Tiningnan ko naman ang tumawag at si Rom iyon. Sinagot ko naman agad iyon habang kumakain ng sweetcorn. "Hello?"

"Hey, Goodmorning Han. May ginagawa ka ba ngayon?" Tanong nito.

"Wala naman. Boring nga eh." Nababagot na ako dito sa bahay.

"Nice. Naipaalam na kita kay Tita at Tita kanina pa. Pupunta tayo ngayon sa Boracay. Labas ka na diyan sa kwarto mo." Natatawang saad nito. Nagugulat naman akong tumingin sa cellphone ko.

"P-Paano mo nalaman na nasa kwarto ako?"  Ang creepy kaya huhu.

"Baka kasi may cctv camera ako diyan sa kwarto mo?" Batid kung nakangisi na ito ngayon. Cctv? Hala! Dito pa naman ako nagbibihis.

"Hoy! Papatayin talaga kita." Sigaw ko sa kaniya at tinawanan naman ako nito.

"Sinabi kasi ni Tita na nagkukulong ka raw sa kwarto mo ng matapos kang kumain kaya nalaman ko. Ngayon, bumaba ka na at pupunta na tayo sa Boracay. Susunduin kita diyan in 15. Bye." Namatay na ang tawag kaya dali-dali naman akong bumangon saka binitbit ang pinggan na may lamang mga mais saka lumabas na ng kwarto.

Dali-dali akong bumaba at nang pagkarating ko nakita ko si Mommy na may inaasikasong   mga maleta. Dalawa iyon. "Ano po 'yan, Mommy?" Tanong ko saka nilagay sa may table yung plato.

"Ayan ka na pala, baby. Pinaalam ka kasi ni Rom saakin kanina na pupunta raw kayo Boracay with your friends. Kaya pinaghanda na kita. Tsaka hindi ko na nasabi sayo kasi sabi ni Rom na siya na lang yung magsasabi. So here you go, kompleto na iyan, baby. Inasikaso ko kanina habang naliligo ka hehe." 

"Aww! Ang bait-bait talaga ng Mommy ko. Salamat po at pinayagan niyo ako." Nakangiting sabi ko.

"Oo naman. Basta masaya ka masaya na rin ako. Saka minsan lang naman, hindi pa ba kita papayagan."

"Saan po pala si Daddy?" Tanong ko at hinanap siya pero hindi ko siya makita.

"May emergency meeting raw eh. Don't worry, ako na magsasabi sa kaniya. Ngayon magbihis ka na sa taas." Tumango naman ako saka tumakbo ng umakyat papunta sa taas.

Agad akong kumuha ng isang floral na dress na kulay pula at may mga puting bulaklak. Buamgay iyon sa balat ko at lalo pa nga ata akong pumuti. Dumeritso na ako sa bathroom saka hinubad ang mga suot ko. Kakaligo ko lang kaya hindi na ako maliligo ulit.

Matapos kung masuot ang dress ay agad na akong pumunta sa harap ng salamin at nilugay lang ang buhok ko na hanggang kilikili na. Natural na brownish talaga ang kulay ng buhok ko na lalong bumagay sa balat ko.

Naglagay lang ako ng kunting liptint sa labi saka ngumiti sa sarili ko sa salamin. Namumula-mula na talaga yung balat ko kaya hindi na ako naglagay ng kung ano-ano pa sa katawan. Sinuot ko na yung shoulder bag ko saka kinuha ko lang iyong slippers ko saka bumaba na ulit.

Agad kung nakita si Rom na kausap si Mommy at agad itong tumingin saakin kaya ngumiti naman ako. "Hoy! HAHAHHA. Naging estatwa ka diyan?" Tatawa-tawang tanong ko.

"Ang ganda mo kasi." Namamanghang asik nito.

"Ano ka ba, ako lang 'to." Natawa naman siya at agad akong inakbayan. "Tita kung maganda alis na po kami ah. Ayaw naming gabihin eh." Agad namang tumango-tango si Mommy.

"Mommy, alis na po kami ah." Humalik ako sa pisngi niya saka niyakap siya ng mahigpit. "Ipaaalam niyo po ako kay Daddy." Nagthumbs up naman ito saka ngumiti.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon