05

190 6 0
                                    

Saturday is a blessing! Awisheeeee washewep? Hehe.

Pupunta kami ngayon sa bahay ni Speaker. Sabado kasi, bonding raw sabi ni Mommy. Nakasuot lang ako ng isang off shoulder na dress na mabulaklakin. Wow wataword.

Tumatalino na ata ako.

Nag-aayos na si Mommy and Daddy at ako naman ay nasa aking kwarto pa. Nasa harap ng salamin at nakatingin sa sarili ko. "Sana naman magandahan din si Speaker saakin." Nakangiting saad ko.

Naghilom na yung mga galos ko ng nakaraan. Nakita ni Mommy and Daddy iyon at alalang-alala sila pero sinabi ko lang na nadapa ako. At naniwala naman sila kaya ayos na.

Sana hindi na galit si Speaker saakin ngayon. Sana naman. Miss ko na siya agad kahit kahapon ay nakita ko siya, sinigawan pa nga ako eh.

Nilagyan ko ng ribbon ang buhok ko saka inayos na ang dress ko saka lumabas na. I'm ready to go---may nakalimutan ako! Agad akong bumalik sa kwarto at kinuha yung paper bag na kulay pink saka na bumaba.

Dumeritso na ako sa ref at kinuha yung isang  box ng chocolates, its yummy. It cost 30,000 pesos in just eight pieces, but its worth it. Masarap.

Nakangiti kung nilagay iyon sa loob ng paper bag saka kinuha ng letter na nasa bag ko. Kulay pula na iyon, mukhang ayaw ni Speaker sa white eh.

Matapos nun ay pumunta na ako sa salas at nakita ko na kakababa lang rin ni Daddy at Mommy. "What is that, baby? Is that for Speaker?" Ngumiti naman ako saka tumango.

"Yes po, Mommy."

"Aww, that's sweet." Ngumiti lang naman ako saka sumunod sa kanila ng lumabas na sila. Dumeritso na ako sa kotse saka inayos ang buhok at damit ko. Dapat maganda ako sa paningin niya ngayon. Dapat!

Habang nasa biyahe kami ay napapatingin ako sa paper bag. Maya-maya ay inaayos ko iyon para ngang hindi ko na binitawan iyon eh hehe.

"Napapansin ko kanina mo pa iyan inaayos, baby. May problema ba?" Tanong ni Mommy nasa tabi ko. Ngumiti naman ako saka umiling.

"Wala po. Masaya lang po ako."

"Baby, do you really like Speaker?" Napakagat labi naman ako. Ramdam ko na namumula yung pisngi ko ngayon. Dahan-dahan naman akong tumango.

"O-Opo." Sagot ko.

"Maybe, He likes you too, baby." Napatango na lang ako.

'Hinding-hindi kita magugustuhan.' Narinig ko naman ang boses ni Speaker sa utak ko. Nalungkot naman ako pero hindi ko iyon pinatagal. Dapat possitive lang.

NAKANGITI akong nag-doorbell at sinalubong si Tita Heather. Humalik ako sa pisngi niya saka masayang sumunod sa kaniya papasok.

"Ang ganda mo talaga, Iha." Namula naman ako dahil pinuri ako ni Tito. Nahihiya naman akong naupo sa sofa saka napatingin-tingin sa palaigid nagbabasakaling andun siya pero wala eh.

"Why not...puntahan mo si Speaker, Iha? Andoon siya sa kwarto niya, may sakit daw siya eh." Nag-aalala naman akong tumingin kay Tita. "Nagpaulan kasi kahapon kasama si Yui at Thorr pero siya lang yung nagkasakit. Ayaw niya ring lumabas ng kwarto niya."

Agad naman akong tumango saka tumingin kay Mommy at Daddy at nakangiting tumango naman ito. "Sige po, pupuntahan ko muna siya." Paalam ko saka umalis na.

Dahil nakapunta naman na ako ng nakaraan sa kwarto niya madali na lang ako sa pasikot-sikot.

Malaki ang bahay ni Speaker, as in malaki. Parang medyo parehas ng saamin, magkaiba lang talaga yung designs at theme.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon