20

141 6 0
                                    

"Mommy!" Agad kung yinakap si Mommy ng makarating saka agad na pumunta kay Daddy at humalik sa pisngi niya. "Dad." Ngumiti naman ito.

"Magandang Hapon po Tita, Tito." Nakangiting bati ni Pangit.

"Magandang hapon din, Iho." Bati nila pabalik.

"Mom, Dad. Akyat muna kami sa taas." Paalam ko saka dinala iyong cookies ni Mommy na bagong luto saka umakyat na habang hawak-hawak si Pangit.

"Pahingi naman ako niyan, Ganda."

"Mamaya*munch*umaakyat pa tayo." Ngumuso naman ito saka agad akong pinagbuksan ng pinto. "Thankyou." Saad ko saka naupo na sa kama saka inilagay sa table iyong plato na may lamang cookies.

Agad namang kumuha si Pangit ng unan saka inilagay iyon sa lap ko saka nahiga. "I really miss you, Ganda." Napalunok naman ako dahil ang gwapo niya sa paningin ko.

"Okay."

"I love you."

"Okay."

"I love love love you."

"Tama na." Nakangusong saad ko.

"Why?" Tanong nito habang nakayakap sa tiyan ko.

"Marupok ako." Umiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang namumula kung mukha pero bigla kung naramdaman na bumangon siya pero pagtingin ko ay napalunok agad ako ng sagad. Halos isang inch na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa.

"Marupok din naman ako lalo na pagdating sayo. Parehas lang tayo." Nakatigtig ang mga mata nito sa mata ko pero unti-unti itong bumaba papunta sa ilong ko hanggang sa tuluyang bumaba ito sa mga labi ko. Napalunok naman ako at napatingin rin sa labi nito. Napalunok ako ulit ng makitang dilaan niya ito.

Shit! Ang sexy---

Nanlaki ang mga mata ko bigla ng maramdamang lumapat ang labi nito sa labi ko sa isang kisap mata lang. Halos magwala ang puso ko sa loob.

Ang lambot ng labi niya grabiiiii!

Makaraan ang ilang segundo ay pinikit ko na lang ang mata ko saka napahawak sa braso niya ng magsimulang gumalaw ang labi niya sa labi ko. Mas lalong humigpit ang kapit ko sa braso niya at sinimulan ring galawin ang labi ko. Sa una ay hindi ko pa matyempo pero sa huli ay nakasunod naman ako sa galaw ng labi niya.

Parang lahat ng katawan ko ay nabuhay. Parang tumatalon-talon ang mga ugat ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman pero gusto ko iyon.

Nang tuluyang kumalas ang labi nito sa labi ko ay unti-unti akong nagmulat at binungad ako ng magaganda niyang mga mata at gwapo niyang mukha.

Biglang tinaas nito ang kamay saka hinaplos ang pisngi ko kaya pumikit naman ako saka ngumiti.

"Thankyou for giving me a chance. Thankyou for forgiving me. Thankyou dahil tinanggap mo pa rin ako kahit na sinaktan na kita ng sobra-sobra." Nagmulat naman ako saka ngumiti.

"I'm tired of being in pain so I decided to left the pain behind and be with the happiness. So here I am now, happily with your arms, with your warmth." Nakangiti ring saad ko.

"Thankyou for doing that. Dahil baka mabaliw ako kapag hindi mo na ako kausapin ulit. Natatakot ako na mawala ka. Ayaw ko no'n." Niyakap nito ang bewang ko saka sinubsob sa tiyan ko ang mukha niya. "You smell so  fucking good."

"Pero puro pawis na 'tong uniform ko." Natatawang saad ko pero sinubsob pa niya lalo ang mukha sa tiyan ko.

"But it so mabango pa rin."

"Oo na nga. Kulit kulit mo. May pinagmanahan 'yang mga labi mo." Bumangon naman ito saka hinalikan ako sa labi kaya naman napatigil ako ng ilang sandali sa paghinga.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon