EPILOGUE

280 7 1
                                    

"Hero!" Agad akong lumapit rito saka yumakap ng makarating kami.

"Hey, Ganda." Bati nito. Nakadress na kulay pula ito na bumagay talaga sa kaniya. Nakalugay ang buhok nito na hindi umabot sa balikat. Ang ganda niya.

"Hey, don't look at my wife like that." Masungit na saad ni Thorr habang karga-karga si Hestia.

"Shit, huwag mo siyang sungitan kung ayaw mong masaktan." Makahulugang saad ni Hero kay Thorr.

"Poop, hindi ko siya sinusungitan. Diba, Han?" Nakangiting saad nito kaya napatango na lang ako. Takot kay Hero ang bully na 'to eh.

Napaka-unique ng tawagan nilang dalawa grabi.

"Hestia. Hestia. Lets play." Binaba naman ni Thorr si Hestia na nasa yellow niyang dress. Cute.

Maingat namang hinawakan ni Seakker si Hestia sa mgakabilang kamay saka naglakad ang mga ito. Ewan pero ang galing ng lumakad ni Hestia kahit isang taong gulang pa lang siya. Nasa dugo na rin ata nila 'yun kasi lahat silang magkakambal eh halatang matatalino at mabilis ang progress.

"Seakker, be gentle with Hestia." Sigaw pa ni Thorr at humarap naman ang dalawang bata saamin at nakita namin ang ngiti nila. Aww, so cute.

"Lets go inside. Andoon na ang iba." Aya ni Hero saka nauna ng maglakad at ayon agad namang lumingkis ang kamay ni Thorr sa kaniya.

Pagdating sa loob ay agad naming nakita 'yung mga bata na nagtatawanan na hawak-hawak at laro-laro ni Yui, Shin at Rom.

"Hereev, come here to Tito Speaker, baby." Agad namang ngumiti ang bata saka gustong magpakarga kay Pangit. Napanguso naman si Yui.

Halos masanay na ang mga bata sa kanila. Walang week na hindi nila binibisita ang mga bata eh. Kaya ayon tuwang-tuwa ang mga bata kapag sila ang nagbabantay.

"Ibigay mo si Hereev saakin Speaker." Nakangusong saad ni Yui.

"Nope. Maghanap kana kasi ng mapapangasawa mo, Singkit. 20 kana wala kang naging girlfriend mula noon. Ano, magiging pare ka?" Nagtawanan naman kami ng lahat na nasa salas.

"Wala pang may nakakakuha ng interes ko eh. Totricc pahiram naman kay Helldreex oh, ayaw ibigay ni Speaker si Hereev eh."  Agad namang inilayo ni Totricc ang bata saka pinaikotan lang ng mata si Yui.

Kawawang Singkit.

Tumingin naman ito kay Shinn kaya napatingin rin kami roon. "Huwag kayong masyadong maingay. Tulog ang birthday boy natin." Tulog na tulog sa braso nito si Heesus.

"Grabi ang cu-cute ng mga anak ni Tita Helda at ni Heleen, no?" Mahinhing saad ni Jhanine. Nahiya ang mala buwaya kung boses eh. Bait-bait talaga ng babaeng 'to.

"Syempre mana sa Tito." Sabay na saad ng anim na lalaki. Nailing na lang kami saka tinawanan sila.

"Hoy! Saakin lang nagmana. Saakin lang. Ang papangit niyo kaya HAHHAHAHA." Saad ni Thorr na nasa kabilang sofa.

"Asa ka Toma. Saakin kaya. Ang gwapo-gwapo ko. Ikaw 'yung pangit." Bawi naman ni Speaker.

"Anong ikaw? Anong kayo? Saakin sila nagmana mga urur." Isa pa 'tong si Rom eh.

"Manahimik kayo." Natawa na lang ako ng tumahimik agad sila ng marinig ang boses ni Hero.

Ang cool talaga ni Hero.

"Guys, kukunin ko muna ang mga babies. Hinahanap sila ng mga Ninang nila eh." Agad na humaba ang mga nguso ng mga kasama namin ng kunin ni Heleen ang mga bata.

Napagpasiyahan namin na pumunta na sa likod ng bahay kasi ando'n ang celebrasiyon. Tawanan at kulitan lang. Ang saya-saya lang.

Nagpatuloy lang ang kasiyahan. Enjoy lang naman ang mga sandali.

Hawak kamay naman kami ni Pangit habang kumakanta ng ng Happy Birthday para sa mga bata. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko habang ene-enjoy ang kasiyahan.

Ang saya-saya na ng buhayko ngayon, malayong-malayo na sa buhay ko noon.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon