15

178 4 0
                                    

"Mauuna na lang akong umuwi." Saad ko sa kanila. Nakapagbihis na ako at nakaready na lahat ng gamit ko, andon na sa labas. Sila naman ay gulat na gulat dahil hindi ako nagsabi kahapon.

"Bakit ka naman agad uuwi? Huwebes pa lang naman ngayon ah? Sa Linggo pa tayo uuwi ah?" Tanong ni Rom.

"Namimiss ko kasi si Mommy at Daddy. Kaya ko naman umuwi eh. Mag-enjoy na lang kayo rito." Nakangiting saad ko.

"Sasamahan kita---"

"Huwag na. Kaya ko." Pigil ko kay Rom.

"Mabilis lang---"

"Aalis na ako. Bye guys!" Paalam ko pa.

"Sigurado ka?" Tanong niya naman ulit.

"Oo nga. Malaki na ako, Rom. Kaya ko na 'to." Nakangiting sabi ko. "Bye." Paalam ko ulit.

"Byeee! Ingat ka." Sigaw nila at tumango naman ako saka naglakad na paalis.

Nagmadali na akong maglakad kasi alam kung susundan ako ni Rom kapag hindi ko binilisan. Agad kung nakita si Manong Driver na si Mang Anton pala. Sinabihan ko siya na i-uwi ako. Babayaran ko naman siya at pumayag naman ito.

"Tara na po." Tumango naman ito at tinulungan akong sumakay sa Yate. "Bilisan mo po Mang Anton baka masundan ako ni Rom."

"Bakit po ba kayo nagmamadali, Maam? Ayaw niyo po bang kasama si Sir Rom?"

"Hindi po sa gano'n. Ayaw ko lang sirain ang bakasiyon niya. Kaya sige na po. Tumango naman ito at pinaandar na ang Yate.

Nagsimula na itong umandar kaya napalingon ako sa pinanggalingan ko. Ayaw ko lang na makita siya. Ayaw ko ng masaktan na naman.

Habang nasa dagat ay napapatingin ako sa mga tanawin. Ang ganda talaga ng kalikasan. Sobrang ganda.

"Mang Anton, huwag niyo pong sasabihin kay Rom ang mga sinabi ko sa inyo, ah." Saad ko.

"Opo. Maam."

"Mangako ka, Mang Anton. Huwag mong sasabihin."

"Pangako po, Maam." Napabung hininga naman ako.

"Sino po ba 'yung sinasabi niyo na ayaw niyo ng makita, Maam Han? Iyong dahilan bakit gusto niyo ng umuwi."

"Manong, may asawa na po ba kayo?" Tanong ko.

"Oo naman, Maam. Meron akong bungangera pero napakamapagmahal na asawa. Alam mo ba Maam, kaaway ko siya dati sa paaralan namin." Panimula ni Mang Anton.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko. Wala naman akong ginagawa kaya makikinig na lang ako kay Mang Anton.

"Ayon, araw-araw ko siyang inaaway. Yung tipong sumasaya ako kapag nakikita siyang nahihirapan. Lahat ng masasakit na salita ay nasabi ko rin sa kaniya. Pero pinaglaruan ako ng tadhana. Nung galit na galit na siya sa akin, iyong tipong sinusumpa niya na ako. Hindi na siya nagparamdam. Namiss ko na siya bigla. Naiinis ako kapag hindi ko siya nakita. Kaya ayon, hinanap ko siya. Humingi ng tawad sa kaniya. Pero sa una ay hindi niya pa ako pinapatawad dahil nga sa mga nagawa ko. Pero dahil mahal ko siya, ginawa ko lahat para mahalin niya ako. At ito kami ngayon, sobrang saya na ng buhay. Minsan kasi pagpapatawad lang yung kulang para magka-ayos kayo at syempre pag-uusap. Pakinggan ang panig ng isa't-isa. Hindi naman kasi tayo perpekto eh. Nakakagawa talaga tayo minsan ng maling desisyon pero kalaunan ay marerealize mo rin iyon." Napangiti na lang ako ng mapakla.

Kausapin? Pagpapatawad? Natatakot na ako.

Natatakot na ako sa pwede niyang gawin. Natatakot ako.

"Ipaglaban mo kung anong alam mong tama. Huwag kang magpapadaig sa takot kasi kapag palagi kang takot, wala kang mararating." Dugtong pa ni Mang Anton kaya napakagat naman ako sa pang ibabang labi ko.

"Pero paano po kung sobra ka ng nasaktan? Paano kung dinurog ka na po niya? Mapapatawad mo pa ba siya?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Nakadepende sa tao iyan, Maam. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho mag-isip. Pero sarili niyo po ang tanungin niyo. Kung gusto mo pa ba o ayaw mo na. Kung anong desisyon ang pipiliin mo. Pero siguraduhin mo, Maam, na sa gagawin mong desisyon lalo na sa pag-ibig ay siguradong tama. Baka kasi huli mo na lang na marerealize na mali ka pala at iyong taong ayaw mo mawala, nasa piling na ng iba. Masaya na."

"Paano mo malalaman kung tama o mali ang desisyon mo, Mang Anton?" Tanong ko ulit.

"Hindi ko rin alam, Maam. Kasi nung nagdesisyon ako, pinili ko lang iyong desisyon na sa tingin ko ay magiging masaya ako, in short, sinunod ko ang puso ko. Pinili ko iyong sinisigaw ng puso ko." Nakangiting sabi nito.

"Naging tama nga po ba?"

"Para saakin, Oo. Dahil sobrang saya ko na ngayon kasama ang asawa at dalawa kung anak. Hindi kami mayaman pero kompleto at mahal naman namin ang isa't-isa. Ang saya lang."

"Mabuti pa po kayo."

"Kakayanin mo rin 'yan, Maam Hannah. Siguro ngayon ay naguguluhan ka lang at hindi makapagdesisyon dahil ang daming nangyayari. Pero sa tamang panahon, makakapagdesisyon ka rin, Maam. At sasabihin mo na lang sa sarili mo na, 'tama iyong ginawa ko.' Cheer up lang Maam. Malalampasan mo rin iyan." Ngumiti naman ako.

"Salamat, Mang Anton."

"Wala iyon, Maam."

"Ang ganda rito Maam, noh? Ang sariwa ng hangin. Ang tahimik. Napakapayapa."

"OO nga po eh. Ang payapa. Ang ganda ng mga tanawin. Ang bait ng mga tao. Parang paraiso na nga kung matatawag eh."

"Sinabi mo pa, Maam. Kanina 'yung mga tao binigyan ako ng prutas galing sa mga pananim nila ng makita ako. Wala silang hininging kapalit."

"Sila iyong taong mga pinagpapala." Saad ko habang nakatingin sa mga kabundukan na nasa medyo malayo. Kahit malayo, maganda pa rin.

Nag-usap pa kami ni Mang Anton tungkol sa mga bagay-bagay habang nasa yate pa rin. Minsan natatawa ako sa mga kwento niya tungkol sa asawa niya. Mga biro niya.

Binigyan niya rin ako ng prutas na binigay rin sa kaniya. Kinain ko naman iyon dahil nagutom na naman ako ulit. Ang laki ng mangga, grabi. Halos isang kilo iyong isa.

Kain lang ako ng kain. Ang rami naman eh. Nakakalahati ko na iyong isang mangga pero sige pa rin ako ng kain kasi ang sarap talaga.  Ang tamis grabi.

Nang matapos akong kumain ay agad lang akong pumasok sa loob ng yacht para maghugas ng bibig at kamay.  Saka kumuha na rin ng Bottled water para inomin.

Saka bumalik na sa taas at tinuloy ang pakikipag-usap kay Mang Anton. Tungkol sa buhay niya. Driver pala siya talaga ni Rom. Kaya pala palagi ko siyang nakikita noon tuweng gagala kami.

Pero yung Bus at Van lang raw iyong pinapamaneho sa kaniya ni Rom kasi hindi naman nagpapadrive si Rom kapag kotse niya mismo ang gamit.

Sinabi rin ni Mang Anton na dati na rin siyang nagda-drive ng yate kaya swabe na lang sa kaniya ngayon ang pagmamaneho niyon.

Mabuti nga draw at siya ang tinawagan ko. Matatagalan raw kasi ako kapag maghihintay ako lalo na ngayon at kunti ang bumabyaheng yate mula roon sa isla.

Ang dami pa naming pinag-usapang dalawa. Wala naman kasi akong ginagawa, nakaupo lang ako kaya si Mang Anton ang ginugulo ko. Mabuti na nga lang at medyo may pagkamakwento siya eh hehe.

Natapos lang iyon nang makarating na kami sa may daongan. Pagkatapos kung makababa ay dumeritso na ako sa Kotse na dala ni Mang Anton.

Pagkatapos no'n ay tinahak na namin ang daan pauwi.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon