06

178 5 0
                                    

Pagkagising ko agad akong napahawak sa ulo dahil sa sobrang sakit. Parang may kumarate saakin dahil ang sakit rin ng katawan ko.

"Ano bang nangyari kahapon?" Tanong ko sa sarili ko habang inaalala at napanganga na lang ako. "Hala! Naglasing ako kahapon." Saad ko habang nanlalaki ang mata.

Kahit masakit ang ulo ko at katawan ay pinilit ko paring tumayo at maglakad papunta sa baba. Agad namang tumayo si Daddy at Mommy ng makita ako. Pinaupo ako nila ako sofa kaya agad akong humingi ng tawad. "Sorry po for what I did. I'm sorry." Pinigilan kung umiyak.

I'm tired of crying because of him.

"M-Mom, Dad, a-ayaw ko na p-pong magpakasal k-kay S-Speaker. Ayaw ko na po. Ayaw ko na." Umiiling na sabi ko habang nakayakap kay Mommy. Umiinit ang mga mata ko pero wala ng luhang lumalabas. talaga.

"Anak---"

"Dad, please? I don't want to marry him. He hurt mo more than once or twice. I can't take anymore the pain that he giving me. Mommy, Daddy, pagod na po akong mahabol sa taong ayaw magpahabol. Sorry but, I don't want to marry him. Pagmamakaawa ko sa kanila.

"O-okay, Okay. If its that your decision, baby." Sang-ayon ni Mommy kaya napatangin din ako sa kaniya.

"Mom, gusto ko na ding lumipat ng school. Ayaw ko po siyang makita. Ayaw ko na po siyang makita, Mommy, please. Ayaw ko na pong masaktan ulit." Wala na talagang luhang lumalabas sa mata ko. Samantalang yung puso ko ay dumudugo na dahil sa sakit.

"Sigurado ka na ba diyan, Baby?" Tanong ni Daddy at wala aking alangan na tumango.

Kakalimutan ko na ang lalaking iyon. Hinding-hindi ko na siya gusto pang makita.

"Opo. Ayaw ko na po siyang makita pa. Kaya pumayag na po kayo." Pagpupumilit ko sa kanilang dalawa.

"Siguradong-sigurado ka na ba talaga?" Taning ulit ni Mommy.

"O-Opo. Mom, please. Alam kung mahalaga yung kasal para sa inyo pero ayaw ko pong magpakasal sa lalaking hindi ako gusto. Ayaw kong magpakasal sa taong walang ginawa kung hindi ang saktan yung puso ko. Ayaw kong pakasalan ang lalaking masyadong mapanakit, hindi ko kakayanin. Ayaw ko siyang pakasalan kaya maawa po kayo. Pumayag na po kayo. Gagalingan ko na lang po sa pag-aaral. Huwag niyo na lang ituloy ang kasal namin."  Lumuhod na ako sa harapan nila at nagmamakaawa pero agad din akong pinatayo at niyakap ni Mommy.

"Okay, papayagan ka na namin." Nagpilit naman ako ng ngiti saka niyakap silang dalawa ng mahigpit. Nanatili lang kaming ganon hanggang sa kumalma na ako.

Nagpaalam na muna ako sa kanila at napagdesisyonang pumunta sa kwarto pero bago iyon ay kumuha muna ako ng sangkadamakmak na pagkain saka iniakyat.

Agad akong naglock ng pinto saka dumeritso sa kama ko at umiyak kahit wala namang luha na lumalabas.

Agad na tumama ang paningin ko sa isang piratang unggoy na hotdog pillow ko. Agad ko na kinuha iyon saka sinakal-sakal. "Hinding-hindi na kita gugustuhin! Ang pangit pangit pangit mo. Sana makarma ka!" Sigaw ko saka sinampal-sampal yung unan na hawak ko at nang hindi makontento ay tinapon ko iyon saka agad na binuksan ang malaking chichirya saka agad na kinain.

"Uwaaaaa! I hate you! I hate you! I hate you!" Pagsisigaw ko habang tumatalon-talon sa kama habang hawak yung chichirya ko.

Napatulala na lang ako bigla nang pumasok sa isip ko yung sinabi niya. "Ano raw? Hinding-hindi niya ako magugustuhan? Ayaw makita? Walang pakialam? Sige! Hinding-hindi na ako hahabol at magpapakita sa isang kagaya mo!" Sigaw ko saka nagpapadyak-padyak.

Bigla kung naalala si Hero. Naalala ko yung sinabi niya na...

- 𝘐𝘯𝘥𝘢𝘩𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵. 𝘜𝘭𝘪𝘵-𝘶𝘭𝘪𝘵𝘪𝘯 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢𝘺𝘰. 𝘠𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 '𝘺𝘰𝘯. 𝘖𝘰, 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘪𝘺𝘢𝘯 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘨𝘰𝘥 𝘥𝘪𝘯 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘬𝘵𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘨𝘰𝘥 𝘯𝘢, 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘩𝘪𝘥 𝘯𝘢. 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘮𝘰, 𝘪𝘴𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯. 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘮𝘰 𝘥𝘪𝘯, 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘭𝘪𝘮𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪, 𝘩𝘶𝘮𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘬𝘢, 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘮𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘶𝘭𝘪𝘵.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon