12

192 6 0
                                    


"Yehetttt! Nakarating na rin tayo mga bakla!" Sigaw ni Sky na naunang bumaba mula sa yacht. Sumunod naman kami at agad na bumaba gamit yung hagdan.

Habang bumaba hindi ko mapigilang hindi humanga sa ganda ng lugar. Napakapayapa.

"Ang ganda dito." Asik ko habang nakatingin sa buong lugar pero agad ding tumigil kay Rom ng akbayan ako nito. "Mas maganda ka sa paningin ko." Namula naman ako pero agad lang din siyang pinaikotan ng mata.

"Dami mong alam." Malditang saad ko pero tinawanan lang ako nito na dati niya ng ginagawa.

"Are you blushing? Its okay, you're cute pa rin naman." Sinipa ko naman siya saka hinabol saka sinakal-sakal pero agad ring napatigil nang nakitang nakangisi saamin yung mga kasama namin. "Papatayin kita mamaya." Bulong ko sa kaniya saka umalis sa tabi niya.

Ang abno grabi.

Nang maibaba na ang mga maleta namin ay agad na namin iyong dinala papasok sa hotel na tutuluyan namin. Ang laking hotel ah.

Pagkapasok namin ay agad na kaming dumeritso sa may front desk. "Nakarating na po pala kayo, Sir Rom. Ahm---may problema po tayo eh." Saad ng babae.

"Ano iyon?" Tanong ni Rom.

"Wala na pong natirang kwarto na for one person only. Ang mga natitira na lang po ay yung mga malalaki na merong 4 bed. Tanging dalawa na lang rin po ang pwede niyong makuhang kwarto dahil darating si Sir Thorr bukas. Ang dami po kasing nag check in." Mabilis na saad ng babae na halos hindi na humihinga.

"Ganoon ba? Sige, ayos na saamin iyon. Salamat, Lenetth." Namula naman ang babae habang binigay yung susi.

Luh? Kinikilig si Ate girl.

"A-Ang bait niyo po talaga Sir Rom, sana bumait na rin po yung kaibigan niyong si Sir Thorr." Kaibigan? Hindi ko alam iyon ah. Si Thorr at Rom, magkaibigan? Sabagay pareho silang bully. Palagi akong binubully ni Rom eh nakakayawa.

Bully rin yung isang iyon eh. Thorr Matthew Sandoval, ang hari sa dati kung school. Daming babaeng may gusto sa kaniya pero hindi niya iyon pinapansin. Takaw gulo ang lalaking iyon. Pero kahit ganoon ay hindi niya ako binubully noon pero wala rin siyang pake saakin syempre.

"Tara na sa taas. Andoon na raw yung mga gamit natin." Tumango naman kami sa umakyat na. "Sa third floor yung kwarto natin. Kami nina Miles, Marky, Sky at Archy sa isang room at kayo  namang tatlo sa kabila." Tumango naman kami saka pumasok na sa elevator.

"Ulalam usto me keme keseme sa kwarto, Rom eheheh." Pabebeng saad ni Marky kaya nagsitawanan naman kami.

"Hindi. Ayaw ko lang may lalaki na kasama si Hannah." Agad naman akong napatingin sa kaniya pero tinarayan ko lang rin siya.

"Lalaki?! Babae kami, Rom! Babae! Babae!" Pagdadabog ni Sky at Marky kaya natawa naman kami.

Nagtawanan at biruan lang kaming lahat habang hinihintay na makarating sa floor namin. Dahil masyadong maingay yung mga Kumare ko hindi na natigil yung tawanan.

Napatingin ako sa relo ko at 5:34 na. Maggagabi na mamaya. Agad na akong lumabas nang bumukas na ang pinto at sumunod ang mga kaibigan ko.

"Ang ganda dito noh, ang sosyal. Kaibigan mo ba talaga ang may-ari nito, Rom?" Tanong ni Patt habang nililibot ng tingin ang lugar.

"Oo. Kaibigan ko siya kaso hindi na kami nagkita ng ilang taon dahil iba yung school niya at school ko." Sagot nito.

Ngayon ko lang nalaman na kaibigan niya pala si Thorr. Kung hindi pa sinabi ng babae kanina hindi ko pa malalaman.

Nakarating na kami sa kwarto namin. Agad kaming nagsipasok roon kaya naghiwalay kami. Kasama ko si Patt at Realyn sa kwarto. Mga kaibigan ko rin sa school.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon