18

154 6 0
                                    

Nagising ako ng maramdamang nanunuyo ang lalamunan ko. Minulat ko ang mga mata ko at agad akong binungad ng isang puting kisame

Hindi ko naman kwarto 'to ah?

Agad naman akong bumangon pero agad akong napadaing ng maramdamang sumasakit ang braso ko at nakita ko na may benda na iyon. "Anong nang---" Bigla kung naalala ang nangyari sa Cr. Nag-away kami ni  Mik tapos sinakal ko siya tapos kinalmot niya ako at bumaon ang mga kuko niya.

Kaya ako may benda.

Tapos bigla na lang akong nahilo saka natumba at may tao tapos dumilim na.

Agad naman akong napalibot ng tingin sa kwarto. Ilang ulit ko pang tiningnan at nilibot ng tingin ang kwarto. Nanlalaki ang matang nilibot ko ulit ng isa pang beses ang kwarto pero agad na tumigil ang mga mata ko sa biglang pumasok sa pinto. "Speaker..." Naiusal ko na lang habang nakatingin sa kaniya.

"Hey, bakit ka bumangon agad? Mahiga ka ulit. Hindi ka pa magaling." Para akong robot na sumunod ng tulungan ako nitong mahiga pero kalahati lang iyon. Isinandal nito ang ulo ko sa unan kaya medyo nakataas ang ulo ko. "Are you okay, now? Masakit pa ba ang braso mo?" Alalang tanong nito saka naupo sa tabi ko saka kinuha iyong tray na dala niya kanina ng pumasok siya.

"M-Medyo." Sagot ko. "Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Nag-aalala kasi ako kanina sayo nang umalis ka na lang bigla. Dahil wala naman akong pasok ngayon naisipan kung maghintay na lang muna sa school niyo pero mas lalo akong kinabahan ng patagal ng patagal kaya naisipan ko ng pumasok. At nang makapasok na nga ako, nakita na kitang nakahiga sa sahig at may mga dugo. Agad akong kinabahan kaya dali-dali na kitang binuhat at dinala dito." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Bakit naman dito mo'ko dinala?" Tanong ko sa  kaniya.

"Nagpanic na ako eh. Agad na pumasok sa isip ko na dito ka dalhin." Bakit ang gwapo ng lalaking 'to.

Bakit parang bigla na lang nawala ang galit ko sa kaniya? Dahil ba sa pagligtas niya saakin?

'Dahil mahal mo siya.'

Napapikit na lang ako ng magsalita na naman ang utak ko. Nakakabaliw na itong katawan ko.

"Hey, are you okay? May masakit ba?" Tanong nito kaya umiling naman ako.

"W-Wala. Ayos lang ako." Sagot ko.

"Ngayon kumain ka na muna. Susubuan kita." Nakangiting saad nito saka isinabit sa tenga ko ang mga buhok ko na nasa mukha ko.

"Ayaw ko." Saad ko pero nakatingin doon sa bowl.

"Jean, you need this. Ako ang nagluto nito para sayo." Tinaasan ko naman siya ulit ng kilay saka tumingi doon sa soup ata.

"Masarap ba 'yan?" Parang masarap eh.

"Try it." Nakangiting aniya saka tinunghay saakin ang sabaw. Tumingin naman ako roon saka hinigop.

Kingina!

Ang sarap.

"Pwede na." Saad ko na lang. Baka kasi magdiwang siya mamaya kapag pinuri ko iyon.

"Here." Agad ko namang hinigop ulit ang sabaw saka palihim na napangiti. Ang sarap talaga.

"Ikaw ba talaga ang nagluto nito?" Mataray na tanong ko sa kaniya.

"Yeah. Palagi kasi akong tumatambay dati sa bahay ni Toma kaya minsan kapag nagluluto si Tita Teimhs ay napapatingin ako at tinuturuan niya ako. Sa pagdaan ng mga araw ito medyo may alam na sa pagluluto." Ang sarap niya naman ni Speaker. Ha? Whaaaaaaaaa! Ang sarap nga naman ni Tita Teimhs magluto, iyon eh! Pisteeeee.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon