02

190 7 0
                                    


6:22 AM pa lang ay andito na ako na ako sa school. Wala pang masyadong tao. Agad naman akong naglakad papunta sa locker room at agad na hinanap ang locker ni Speaker. Nang makita ay agad ko ng kinuha ng dahan-dahan ang chocolates na nasa kahon at maingat na inilagay iyon sa taas ng locker niya.

Nang masiguradong maayos na iyon ay agad ko namang nilagay ang letter sa taas saka agad na tumalikod pero meron akong nabunggo. "Sor........ry." Agad na kumabog ang dibdib ko kaya agad akong dumistansiya sa kaniya.

"So its you." Parang tumakbo ng isang daang kilometro ang puso ko. Hinihingal ako kahit ay hindi naman. May bumabara sa lalamunan ko para hindi ako makapagsalita.

"H-Ha?" Gusto kung sampalin ang sarili ko ng iyon ang lumabas na salita. Sa daming pwedeng masabi bakit iyon pa.

Nakita kung kinuha niya ang mga iyon kaya parang lumundag yung puso ko sa saya. "Damn! Sorry, natapon ko." Natatawang saad nito pero sa pagkakataong ito hindi na ako nasayahan dahil baliktad ang aking naramdaman.

Tinapon niya sa pagmumukha ko mismo ang mga chocolates na dala ko. Nakatingin lang ako sa kaniya habang tumutulo ang luha. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya punitin ang letter na pinaghirapan ko.

Parang may kung anong sumasakal sa puso ko dahil sa ginawa niya. Kung dati ay ngiti niya lang ay natatanggal yung sakit ngayon ay naging baliktad na. "Don't you ever do this again. I don't need someone's trash." Saad nito saka tumalikod.

"P-Pero pinaghirapan ko yan..." Narinig ko namang tumawa ito at saka tumingin ulit sa gawi ko.

"Wala akong pake. Hindi naman kita sinabihang gawin yan diba?! Alam ko gusto mo ako pero hindi kita gusto, babae. Hinding-hindi kita magugustuhan kahit ano pang gawin mo." Tuluyan na siyang umalis at tanging pagtalbog ng bola na siya ay may hawak ang naririnig ko pero ng naglaon ay nawala na rin ito at tanging pag-iyak ko na lang ang aking naririnig.

Ang sakit-sakit marinig na sa kaniya pa mismo nanggaling iyon. Bakit naman ganito?  Parang sinasakal yung puso ko.

Agad akong napa-ayos at pinagkukuha ang mga chocolates na nasa sahig saka tinapon na lang iyon sa basurahan pati na rin ang letter na ginawa ko na punit-punit na.

Tinuyo ko muna yung mga luha ko pero patuloy pa rin sila sa pag-agos. Pinilit ko ang sarili kung tumahan para makalabas na ako ng locker room.

Nakayuko lang ako habang naglalakad at hindi na pinansin ang mga bulungan sa paligid ko.

Deri-deritso lang ako ng lakad papunta sa room. Wala rin naman akong kaibigan dito dahil ayaw nilang masama sa pambubully ni Lexi at Kim saakin. Noon may kaibigan ako pero ngayon ay wala na, iniwan na nila ako.

Gusto na namang tumulo ng mga luha ko pero pinigilan ko iyon. Baka hindi na matigil kapag nasimulan ko na.

Nag-focus na lang ako sa pag-aaral para mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina. Mabuti nga at nagfocus ako dahil nagpatest si Maam matapos magdiscuss.

Mataas naman ang nakuha kung score sa quiz pero hindi ko magawang magsaya. Tahimik lang ako sa upuan ko at mas pinili na lang magbasa.

Bumili lang ako sa cafeteria ng pagkain ko saka bumalik sa room. Ayaw kung mabully ngayong araw lalo na at masakit pa yung likod ko at ang puso ko.

Nagsasalita lang ako kapag nagretecite o nagtatanong ang teacher o importante pero kung hindi naman ay mas pinipili ko na lang manahimik.

Gustong-gusto ko ng umuwi sa bahay pero parang biglang tumagal ang araw ko ngayon. Para bang isang taon na akong naghihintay para matapos lang ang araw. Parang pinapatagal gumalaw ang kamay ng orasan.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon