09

203 7 0
                                    

Napamulat naman ako ng marinig na mag-ring ang alarm clock ko. Naramdaman ko na parang ayaw pa talaga dumilat ng mata ko kaya tumayo lang ako ng nakapikit at pumunta sa drawer at minulat ng kunti ang mata ko saka kumuha ng undies at kinuha ko na rin yung tuwalya sala naglakad na papasok sa bathroom. Agad kung nilagay may sampayan ang mga dala ko saka napatingin sa salamin at agad nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha ko. Namumula yung mata na parang bangus. Tapos parang depress ang mukha ko. Agad akong naghilamos ng naghilamos saka tumingin sa salamin pero wala talaga. "Kingina mo!" Sigaw ko saka nagpapadyak na pumasok sa isang pinto.

Hinubad ko na yung damit ko saka ini-on na ang shower at nanatili lang roon para malamigan ang utak ko.

Makaraan ang ilang sandali ay agad na akong naligo. Sabon dito, lugod doon. Patuly lang ako habang naghu-humm. Wala akong future sa pagkanta kaya humm na lang.

Paano niya nahanap ang bahay ko? Siguro ay sinasabi mi Mommy. Hayy! He begged? Okay,    voilets are blue. Kingina niya.

Bakit ba siya bumalik? Para saktan ako ulit? Hindi---hindi ko siya papayagan. Hindi ko siya hahayaang saktan ang puso ko. Bahala siya kingina niya.

Tinapos ko na ang pagligo saka tuluyang nagsoot nang undies saka lumabas na sa bathroom. Deritso na ako sa cabinet saka kinuha yung uniform ko saka sinuot. Matapos nun ay tinuyo ko na ang buhok ko saka pumunta sa harap ng salamin. Agad kung tiningnan kung nangingitim ang ilalim ng mata ko pero hindi naman. Medyo namumula lang siya pero hindi naman halata. Ayaw kung gumamit ng mga make-up na masyadong bongga. Pulbo at lipbalm lang ako ayos na. Minsan nga ay wala talaga.

Kinuha ko na yung Gucci na backpack ko saka lumabas na nang kwarto at dumeritso sa baba. Agad kung nakita si Dad na nagbabasa ng diyaryo kaya lumapit ako aa kaniya at humalik sa pisngi. "Good Morning, Dad." Bati ko.

"Good Morning, Baby." Kita ko ang pag-aalala sa mga mata nito pero nginitian ko lang siya.

Dumeritso na ako sa hapagkainan saka umupo. Nakita ko si Mommy na naglalagay na ng ulam kaya ngumiti naman ako ulit. "Good Morning, Mom." Bati ko saka kumuha ng kanin at ulam.

"G-Good Morning din Baby." Ngumiti lang naman ako saka nagsimula ng kumain. Patuloy lang ako sa pagkain. Ramdam ko na may nakatingin saakin mula sa likod kaya napatigil ako sa pagnguya. Parang biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Unti-unti akong tumingin sa likuran ko at agad na napatigil sa paghinga pero agad ko rin siyang sinamaan ng tingin.

Binalik ko na lang sa plato ang paningin ko at  tuloy-tuloy lang ang subo saka agad na nginuya at uminom ng tubig. "Bakit siya nandito?" Tanong ko kay Mommy na nasa harapan ko.

"S-Sorry---baby, hindi namin inurong ang pagpapakasal mo sa kaniya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy.

What the fuck?!

"M-Mom, don't lie." Natatawang saad ko habang naiiling. No, it can't be true. No!

"Tama si Tita, Han---"

"Huwag kang sumabat! Hindi kita kinakausap!" Sigaw ko sa kaniya habang masama siyang tinitingnan.

"Good Mor---oh, sorry f-for interupting." Kinuha ko na yung bag ko saka naglakad papunta kay Rom. Habang naglalakad ay hindi ako tumingin kay Speaker, kahit minsan. Dinaanan ko lang siya saka dumeritso kay Rom.

"Tara na. Sayo na ako sasakay." Aya ko sa kaniya saka naglakad na paalis ng bahay at iniwan siya roon na nakatanga.

Bagay lang iyan sayo!

Agad na tumulo ang luha ko pagkasakay na pagkasakay sa kotse. Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay tuluyan nang bumuhos. Napakagat na lang ako sa labi ko para pigilang makagawa ng ingay pero bigla kung naramdaman na niyakap ako ni Rom ng sobrang higpit. Hindi ko na napigilang umiyak ng malakas na para bang batang nagwawala. "Rom, ang sakit. Bakit ganito, ang sakit-sakit talaga." Tanong ko habang nakayakap siya kaniya at umiiyak sa balikat niya.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon