03

189 7 0
                                    

Ngiting-ngiti ako ngayon dahil pupunta kami sa bahay nina Speaker, magiging asawa ko in the future. Uwaaaa! Kinikilig ako.

"Masaya ka ata baby?" Nakangiting tanong ni Mama na inaayos ang buhok ko. Nasa gilid ko siya ngayon. Dalawa kami ang nakaupo sa likod at si Dad naman ang nagda-drive.

"Maganda lang po ang gising ko." Nakangiting saad ko saka inayos ang dress ko. Dress na kulay baby blue yung suot ko na bumagay sa kulay ng balat ko. Naglagay rin ako ng clip sa buhok.

"You look beautiful today, baby." Saad ni Daddy kaya lalong lumapad ang ngiti ko.

"Thanks po, Daddy." Magiliw na sagot ko.

Matapos ang ilang sandali ay nakarating na kami. 'Ang laki ng bahay nila. Tapos ang ganda-ganda pa, gwapo rin kasi yung nakatira.'

Lihim na lang akong napangiti dahil sa naisip ko.

Ahhhh! Kinikilig ako. Ahehe.

Agad kaming sinalubong ni Tita Heather kaya agad akong ngumiti ng malapad saka binati siya. "Magandang umaga po, Tita." Ngumiti naman ito saakin.

"Magandang umaga rin, Hannah. You look good today." Ngiting-ngiti naman ako dahil sa narinig ko.

Magagandahan din kaya si Speaker saakin? Sana. Sana.

"Salamat po, Tita."

"Pasok kayo." Pumasok naman kami at agad na napahanga ako sa ganda ng bahay ni Speaker. Puro mamahalin yung mga gamit. Ang ganda rin ng theme ng bahay nila. Basta ang ganda.

Agad na binigyan kami ni Tita ng juice na maiinom. Hinanap ko si Speaker pero hindi ko pa siya nakikita.

Baka naliligo?

Oo nga naman. Tama. Tama.

"Hinahanap mo si Speaker, Iha?" Tanong ni Tita Heather kaya napaayos naman ako.

"Opo, Tita. Nasaan po ba siya?" Tanong ko at biglang bumungad ang sagot.  Nasa hagdan ito at halatang bagong gising pa lang. Magulo nag buhok at---ulalam, wahh! Ano ba 'tong iniisip ko, wala siyang damit pang-taas kasi! Uwaaa, kalma self, hindi mo kasalanan. Tama. Tama.

"Speaker! Magdamit kanga. May bisita tayo." Napatingin naman ito sa gawi namin at nanlalaki ang matang bakatingin saamin pero nang tumigil ito saakin, bigla na lang ako nitong sinamaan ng tingin. Tumalikod na ito saka umalis.

Ang aga-aga, galit na. Haystt. Pero infairness, ang ano ng katawan niya hehe. Ta's ang gwapo na kahit bagong gising.

"Pagpasensiyan niyo na ang batang iyon. Hindi naman siya ganiyan, ewan, baka tinopak na naman." Naiiling na sabi ni Tita Heather saka naupo sa kabilang sofa.

"Oh, dumating na pala kayo. Good Morning." Bati ni Tito Breaker na nanggaling sa kusina. Kakatapos lang ata magkape, may hawak kasi siyang diyaryo eh.

"Good Morning din." Bati naman namin pabalik. Nag-usap muna sila tungkol sa trabaho dahil hinihintay pa namin si Speaker. Ako naman ay kumain muna ng cupcake na gawa pala ng Mommy ni Thorr na ibinigay kina Tita Heather. Ang sarap. Nakakatatlo na ako, sarap talaga.

Kumuha ako ng isa pa saka kumagat at agad napatingin sa hagdan ng may makitang akong artista---este si Speaker, naglalakad sa hagdan. Bagong ligo ito, basa ang buhok niya. Nakasuot ito ng isang T-shirt at Shorts.

Bakit simple lang siya pero ang gwapo pa rin? Ang unfair naman. Samantalang ako, kailangan ko pang magdress at maglagay ng kung ano-ano sa katawan para lang gumanda.

Sabi ni Mommy, maganda daw talaga ako at ang iba pang tao ay nagsasabi rin noon pero yung isang tao na gusto kung magsabi nun, ito tinitingnan ako ng sobrang sama kaya napalunok ako pero bigla na lang nag-stock up sa lalamunan ko iyon kaya dali-dali naman akong kumuha ng tubig at nagsalin sa baso at agad na tinungga iyon.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon