04

172 6 0
                                    


Lunes na! Another day for me, Hannah.

Narealize ko na wala akong mapapala kapag nagmukmok ako dahil sa sinabi ni Speaker ng nakaraan.

Iyak ako ng iyak ng nakaraan dahil nasaktan ako pero kahit anong iyak ko wala namang nangyayari. So, napagdesisyonan kung suyuin si Speaker na pakasalan ako.

Talino ko talaga!

Tumigil na ang sasakyan kaya bumaba na ako. "Manong, pasok na po ako. Ingat po sa pag-da-drive." Paalam ko habang nagwe-wave pa.

"Ingat ka rin, Maam Hannah. Alis na rin ako." Nagthumbs up naman ako saka tumalikod na habang tumatalon ng bigla kung nakita ang hawak kung paper bag. Laman nun ay yung jacket nung gwapong lalaki sa Cr.

Isasauli ko ito ngayon sa kaniya. Hahanapin ko na lang siya mamaya kapag nagrecess na.

Dumeritso na ako sa classroom pero agad din akong napatigil ng makita si Speaker kasama yung mga kaibigan niya. Si Thorr, Si Shinn at si Yui. Alam ko diba? Famous sila eh. Daming naghahabol na babae sa kanila.

"Good Morning, Speaker!" Bati ko habang kumakaway sa kaniya pero binangga niya lang ako ng napakalakas kaya napaupo naman ako sa sahig. "Huwag mo akobg kausapin. Hindi kita kilala." Nakangising saad nito saka tinalikuran ako. Balak pa sana akong tulungan ni Shinn pero ngumiti lang ako saka dali-daling tumayo. Pinagpag ko yung palda ko saka pinulot yung paper bag saka pumasok na lang sa kwarto.

Joke lang niya yun self. Tiis lang.

Pagpasok ko ay agad na akong dumeritso sa upuan ko saka umayos ng upo ng dumating na yung aming Teacher sa first sub.

Mr. Dumago. Ang pinaka-strict sa History/ Esp. Marami na raw siyang naibagsak. Wala siyang awa-awa. Pero para saakin ay hindi naman, mabait si Mr. Dumago minsan nga lang hehe. Strict lang siya pero mabait naman siya eh.

"Get your ballpen and paper! 200 item quiz!" Dali-dali naman akong kumuha ng ballpen saka papel. Agad na akong nakinig ng mabuti dahil mabilis magtanong si Mr. Dumago. Dinaig pa si Flash kakamadali.

Stress na stress na ako dahil may tatlo na akong hindi nasasagutan out of 50 pa lang. Jusko marimar.

(;´༎ຶٹ༎ຶ')

Iyak na akow!

Nagpatuloy na ako sa pagsasagot dahil patuloy din si Sir sa pagtatanong huhu. Minsan naiisip ko na tama yung iba pero no! Mabait si Sir. Oo, mabait si Sir hehe minsan.

Natapos na ang quiz at huhubels 164 lang yung nakuha kung score. Though, ako na yung pinakamataas. Ang kawawa ko naman.

"Si Speaker panigurado tatlo lang ang mali o dalawa kapag may pa-test. Arghh! I need to became more matalino." Saad ko saka ginulo ang buhok ko saka inayos din kaagad.

Baka mabawasan ang kagandahan ko. Kagandahan na hindin naman niya napapansin.

Nagpatuloy ang klase at second sub na. Si Mr. Cruz yung teacher namin sa English. Kabaliktaran---I mean is kapareho rin siya ni Mr. Dumago, mabait. Mabait nga lang talaga siya hehe.

Nagdiscuss lang naman kami saka report report. Yun lang naman ang ginawa namin sa second sub. Ay, nagpaquiz din pala. Up to Ten nga lang hehe. Tapos medyo easy lang siya kasi na discuss na namin. Hindi kagaya kay---ano na parang bar exam na.

Third sub na namin. Arts. Nagdrawing kami, malamang diba? Hehe. Dahil medyo may kapalaran ako sa pagdrawing, medyo mataas ang nakuha kung score. Reporting, nireport rin namin ang drinawing namin. Yung akin ay isang bahay, bahay niya hehe. Nasa-ulo ko na kaagad ang bahay niya kaya nai-drawing ko.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon