01

292 7 0
                                    


Kyaa! Andiyan na sina Speaker!
Ang gwapo talaga nila.
Oo nga bhie.
Mga anghel namin!
Ang gwapo!

Gusto ko ring sumigaw pero ayaw kung mabugbog ng ibang babaeng nagkakagusto rin kay Speaker. I'm just nobody, hindi niya nga ata ako mapapansin eh.

Pero gustong-gusto ko talaga siya. Araw-araw ay palagi pa akong maaga na pumapasok para lagyan ng chocolates and cards yung desk niya. Minsan nga ay may flowers pa. Kahit alam kung hindi naman iyon binibigyang halaga, ayos na saakin iyon basta makita at mahawakan niya. Minsan nasasaktan ako dahil hindi niya man lang binibigyang halaga ang bigay ko pero agad din iyong mawawala basta makita ko lang siya. Parang siya yung happy pill ko.

Nagustuhan ko siya dahil parang napakaperpekto niya talaga. Halos libo-libo ata ang may gusto sa kaniya, hindi lang dito sa school. Maski saan siya magpunta ay napapatingin sa kaniya. Paano ko nalaman? Sinusundan ko siya hehe.

Sinong hindi magkakagusto sa kagaya niya na matalino, gwapo at mayaman. Ang mga kaibigan niya ay masasabi kung gwapo rin pero siya talaga ang nakakakuha ng atensiyon ko.

Nagulat ako ng biglang may malamig na kung ano na dumaloy sa katawan ko kaya agad akong napatayo at agad na napatingin sa lalaking nakatayo sa harap ko at halos tumakbo papuntang Jupiter ang puso ko ng makita siya na nakangisi. "Oops, akala ko kasi basurahan pa." Saad nito saka tumalikod.

Pero imbis na magalit ako ay kabaliktaran ang nangyari, napangiti na lang ako saka dali-daling tumakbo papuntang Comfort Room. "Napansin niya ako! Whaaaa! Napansin niya ako!" Mahinang saad ko habang tatalon-talon. Walang tao sa loob ng banyo kaya sulong-sulo ko. Nakikita ko mula sa salamin ang namumula kung pisngi. Kinikilig ako!

Napapangiti na lang ako habang nilalabhan yung damit ko na naging pink na. "Napansin niya ako. Napansin niya ako. Napansin niya ako." Pakanta kung  saad.

Nang matapos kung labhan ay tinapat ko naman iyon sa heater saka hinintay na matuyo. "Hannah Jean Aezizealla-Loki." Bulong ko saka agad ring kinilig.

Mabuti na lang at hindi nabasa yung palda ko. Tanging yung pangtaas ko lang ang  nabasa ng Smoothie na Strawberry ata.

Nang makalabas ay agad na akong dumeritso sa room ko dahil malapit na ang time sa third sub namin.

Pangarap ko talaga na mapunta sa Special Section dahil andun sila kaso kahit anong gawin kung aral ay wala talaga. Ambubu ko talaga, hindi ko mapapantayan yung talino nila.

Nagsimula na ang klase pero wala sa lesson yung utak ko. Mabuti nga at hindi ako natatawag ng Teacher namin. Laman lang ng isip ko ay yung nangyari kanina.

Napansin niya ako.

Mabuti na lang at hindi nagpa-quiz o nagparecite kung hindi ay mababaog talaga ako, hindi pa naman ako nakikinig dahil puro siya yung nasa isip ko.

"Ang gwapo niya talaga." Bulong ko saka napapangiti na nagcopy ng mga sinusulat ni Sir.

Natapos yung klase namin sa third sub at Lunch Break na namin ngayon. Papunta na ulit ako sa Cafeteria.

Pagpasok ko ay agad akong dumeritso ss mga nakapila. Hindi pa masyadong marami yung pumili para bumili kaya mabilis akong makakarating sa unahan.

Habang nasapila ay naisipan ko munang planuhin kung anong gagawin ko para mapansin ulit ni Speaker. Bigyan ko kaya siya ng mga imported na chocolates? Dumating na si Mommy, daming chocolates na dala nun.

Ibibigay ko yung pinakamatamis tsaka pinakamahalna chocolate sa kaniya. Tapos, tapos bigyan ko din kaya siya ng card? Sige, sige, bukas ibibigay ko mismo sa kaniya.

"Ms? May bibilhin ka ba?" Napakurap-kurap naman ako saka agad na sinabi ang oorderin ko ng mapansing ako na pala ang mag-oorder.

Agad akong nagbayad saka dumeritso sa table na walang tao saka naupo. Kinuha ko yung cellphone ko saka ini-on at agad akong napangiti ng bumungad sa paningin ko ang mukha ni Speaker. Ninakaw ko yung profile niya ng nakaraan ng mag-update siya.

Andiyan na sila.
Ang gwapo nila talaga.
Thorr malabs!
Yui the cutey, andito ako, yung asawa mo.
Shin ko! Ang gwapo mo!
Speaker ko, Speaker ko!

Mga tilian ng mga babae dito sa cafeteria. Nakatingin lang ako sa kaniya na naglalakad ng bigla itong tumingin saakin saka ngumisi at nagpatuloy na sa paglalakad.

Tinuon ko na lang ang atensiyon ko sa kinakain ko. Ramdam kung nag-iinit ang mga pisngi ko ngayon. Ngiting-ngiti ako tagasusubo ng pagkain ko.

Bakit ang gwapo niya? Hindi na ata siya pumapangit. Kahit ano atang pose at galaw ang gawin niya ay gwapo pa rin siya.

Susubo na sana ako ng biglang may tumama sa likod ko dahilan para mapadaing ako. Natahimik ang buong Cafeteria dahil sa nangyari. Napatingin naman ako sa likod ko at bumaba sa bola na para ata sa baseball, parang ganon. Ramdam kung nananakit at parang bubuga ako ng dugo dahil sa lakas ng pagtama nun sa likod ko. Hinanap ko naman ang may gawa pero wala naman akong nakita.

Balak ko na sanang bumalik na lang sa pagkain ng makitang may strawberry juice na yung kinakain ko. Nang tingnan ang nasa tabi ko ay nag-iwas lang ang mga ito ng tingin. "Sorry, I did it." Tumaas ang tingin Bhh bigla na lang akong iiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Napatingin naman ako sa kaniya pero kagaya ng iba ay tumatawa lang rin ito.

Agad nawala ang sakit na nararamdaman ko ng makita siyang tumatawa. Kanina ay gusto ko ng umiyak pero ngayon ay napangiti na ako. "Why are you smiling!?" Tanong ni Lexi na nakataas ang kilay saakin.

"W-Wala naman." Nakangiting saad ko saka kinuha yung mga noodles sa buhok ko.

"Oh really? Then try this one." Nagulat ako ng isaboy niya saakin ang bagoong pero hindi ako nakagalaw para pigilan siya. Bago pa ako  makaiwas ay tumama na iyon sa damit ko. Agad namang nagtawanan ang iba habang nakatingin saakin. "Yucks! Ambaho mo." Saad pa nito bago tuluyang umalis.

Doon na tumulo ang luha ko. Tumakbo na ako palabas ng Cafeteria ng umiiyak. Maraming nakatingin saakin na para bang nakakatawa ako.

Bakit ganito sila? Wala naman akong ginagawa sa kanila.

Tumakbo na ako papunta sa Cr at hinubad ang uniform ko. This time pati palda ko ay meron na. Agad apokong tumingin sa salamin at agad napahagulhol dahil sa hitsura ko. May mga noodles ang buhok at uniform ko. Ang puti kung uniform ay naging brown na iyon. Sumasakit rin ang likod ko, parang nabali ata yung buto ko.

Nagulat ako ng biglang may lumabas mula sa loob ng isang cubicle. Lalaki?!

"B-Bakit ka nandito? Pambabae na Cr 'to." Inaantok na dumaan naman ito at hindi ako tiningnan basta na lang nitong tinapon saakin ang isang jacket saka tuluyang lumabas ng Cr. "Salamat." Pasasalamat ko pero wala ng sumagot.

"Ang gwapo naman nun para mapadpad dito."

Sinuot ko muna iyon dahil nilalamig na ako. Nilabhan ko naman ulit ang uniform ko. Ang sakit nung likod ko kaya napapaiyak na naman ako. Habang naglalaba ay iyak lang ako ng iyak. Napatingin ako sa pinto ng may pumasok na babae at napatingin din ito saakin. "May nagpapabigay." Abot nito ng paper bag saka umalis na ng hindi man lang ako pinagsasalita.

Binuksan ko naman iyon at agad nanlaki ang mata ko ng makita ang mga bagong uniforms. As in bago pa. "Sino kaya nagpabigay nito?" Tanong ko habang sinusuri ang uniform at bago pa talaga iyon at walang dumi. "Susuotin ko muna ito." Saad ko saka hinubad yung jacket at sinuot na yung bagong uniforms. Medyo maliit pero ayos na rin, atleast may maisusuot.

Pinatuyo ko muna ang damit ko saka nilagay iyon sa paper bag saka lumabas.

Sinuot ko rin ang jacket nung gwapo kanina dahil medyo nilalamig ako.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon