13

168 5 0
                                    

"HAHHAHAH. Tama na. Ayaw ko na HAHHAHAHA bahala kayo diyan." Tatawa-tawa kung saad saka umahon na sa tubig at pumunta sa buhanginan saka naupo muna.

Kahapon ay naglibot kami dito sa Isla dahil gusto ni Marky na mag vlog. Kaya ayon sali naman kami. Madami kaming nakilala na mga tao kahapon. Ang babait ng mga tao. Napaka-init ng pagtanggap nila saamin.

Naisipan ko munang maglakad-lakad sa dalampasigan. I'm just wearing a red two-piece pero nagsuot ako ng robe na manipis bago umalis.

Napapatingin saakin ang iba pero hinayaan ko na lang at in-enjoy ko na lang yung sariwang hangin na medyo malamig.

Bigla akong napatingin sa batang tumatakbo sa may kaliwa ko banda. Mag-isa lang ito at papunta ito sa gawi ko. Agad naman akong napatakbo nang makitang bigla itong nadapa. Tinulungan ko kaagad siyang tumayo saka pinagpagan ang tuhod at kamay niya ng buhangin. "Baby, bakit naman andito ka? Baka mapahamak ka." Alalang sabi ko.

"Ti yayay ko nahanap pa jowa. A doo s-a sa boys doo sa catag." Turo ng maliit ay cute niyang kamay sa babae na pabebeng hinampas ang balikat ng isang lalaki. Jusko! Inuna pa landi bago yung binabantayan. "Te, Te, Te! Eyes tho. Eyes! Apuwing atho."  Agad ko namang hinipan ang mata niya at agad itong pumikit-pukit saka ngumiti. "Ays na atho, Te." Pumapalakpak pa ito. Ang cuutttee!

"Bakit ka ba andito, baby?" Tanong ko sa kaniya.

"Aw buy scream. Thewe." Turo sa isang lalaki na nagtitinda ng ice cream.

"Do you have money, baby?" Agad naman itong umiling saka ngumuso.

"I down hawve. Hilam na wang po atho sayue. Pwease, Te?" Bulol at hindi niya talaga mapronounce pero naiintindihan ko naman kasi may mga hand sign siya na ginagawa na sobrang cute. Whaaaa ang cute.

"Okay. I will buy you an ice cream. Tara." Hinawakan ko naman siya sa kamay saka sabay kaming naglakad sa buhanginan. Natatawa ako dahil ang maliliit niyang paa ay bumabaon sa buhangin tapos para siyang penguin. Uwaaa! Ang cute talaga.

"Anong flavor gusto mo, baby?" Tanong ko saka pinapili siya sa mga hawak ni Manong na ice cream. Mabuti na lang at dinala ko ang robe ko. Andito yung wallet at phone ko eh.

"To, to, to din and to." Turo sa Pinipig, Strawberry, matcha at cookies and cream na flavor.

"Manong, iyong apat na tinuro nga po niya." Agad namang nitong binigay.

"Baby, pakihawak muna sandali. Magbabayad lang ako." Agad naman nitong niyakap kaya natawa na lang ako.

Kumuha ako ng Limang daan saka agad na kinuha yung sukli at naglakad na kami pabalik kasama nitong bata na ubod ng cute. May parang kamukha nga siya eh. "Baby, ano pangalan mo?" Tanong ko habang binubuksan ang plastic ng isang Ice cream.

"Seakker po." Sagot nito at kumagat sa Ice Cream na ibinigay ko. Nakaupo kami ngayon sa buhanginan.

"S-Seakker, baby?" Bakit parang may katunog. Erase. Erase. Erase.

"Po, Te." Napatango-tango na lang ako. Agad akong napatingin ng bigyan ako nito ng isa.

"Ano 'to baby?" Tanong ko.

"Eat, Te. Eat." Ngumiti naman ako saka binuksan iyon saka agad na kumagat at tinunghay sa kaniya iyon ng makitang nakatingin siya saakin. "Eat it, Te." Ngumiti naman ako saka nagpatuloy na sa pagkain.

Parang limang kagat ko lang yung ice cream. Samantalang iyong sa bata ay kalahati pa.

"I wiw give tis to Daddy." Turo niya sa isang Ice Cream kaya napangiti naman ako.

"Wow. Bait naman." Nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok niya.

Makaraan ang ilang sandali ay natapos na siyang kumain. Agad naman akong tumayo. "Ibabalik na kita sa Yaya mo, okay?" Tumango naman ito saka nagthumbs up pa.

QUEENS OF LOVE SERIES 02: HANNAH JEAN AEZIZEALLLA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon