Susunduin ako ngayon ni Engineer. Hinihintay ko lang ang text niya para makababa na'ko. I gave him my address when we were at the mall.
Pinaglandas ko ang aking tingin sa sarili ko mula sa salamin. Shit mami ang ganda ko ha. Maganda pala pumili si Engineer ng mga damit. Bakla siguro yun. Inaway ko pa kasi gusto 'kong maging white lady. Charot.
After a while, my phone beeped.
Engr. C: andito na po ako sa baba, senorita.
I just rolled my eyes but I can't stop this feeling na parang kinikilig. Ano ka ba Carrel shuta ka talaga. Kakakilala niyo pa lang. Kutusan kita eh. Punyawa ka self.
Breathe bitch.
I closed my eyes and breathe.
I went out of my room and walked downstairs. I saw Manang, chilling in the sala.
"Manang, aalis na'ko." akmang bubuksan ko na ang pinto nang nagsalita si manang.
"Uy ma'am, bago? Sinilip ko kasi kanina eh pero 'di ko pinapasok. 'Di naman kasi kumatok eh." sabay ngising aso amp.
I just barely smile and didn't talk. I just shook my head. I went out and walked towards the gate to open it. When I already opened the gate, I saw Cyrus. He's leaning on his car with his arms crossed. Ang gwapo naman ng ka date ko. Pakshit! He looks so stunning. His aura is poisonous too. To the point that he can slay the night with his prey. By the way, I'm not the prey.
"Hi." he greeted. I just smiled and inched the gap between us. "Parang di naman ito yung sasakyang binangga ko last week?" I asked while my fingers are running on his car. It's red and very eye-catchy. I can't help to praise his choices. I'm very impressed!
Saka ko siya binalingan ng tingin. Ngumisi naman siya. Papi ang dimple! Kasya siguro ako diyan. "So, inaamin mo na nga na ikaw talaga ang bumangga sa sasakyan ko? Tsaka Sa dinamidami nang mapapansin mo, sasakyan ko lang? Hindi ba pwedi na 'yong ka-gwapuhan ko naman?" sabay pose na hinahalikan ang muscles.
I just rolled my eyes. "Yak kadiri ka! Tabi at papasok na'ko." tsaka ko siya tinabig. Nakapamewang naman siya. "Anong ikaw? Ako dapat ang papasok." Natiglan ako sa sinabi niya.
"Bastos ka talaga!"
"Luh siya." tsaka siya lumapit at binuksan ang pinto ng sasakyan niya. "Nagpapaka-gentle ah! Tarantado naman." padabog kong sinara ang pinto. Umikot naman siya at sumakay na rin. "Paka suplada mo talaga." sabay start ng sasakyan. "Talaga!" singhal ko. "Saka na'ko magiging gentle pag.. alam mo na." sabay ngisi. Alam mo yung ngising demonyo? Parang kampon ni Lucifer amp!Tahimik kami habang nag da-drive siya. Naalala ko tuloy 'yong nangyari kanina habang pauwi.
Gagi, laptrip!
"Ikaw ang mag-dala." I said as I handed him the paper bags with the stuffs we bought in it. "Keys. Let me drive." time for revenge, darlin'. "Oh. Ingatan mo ang sasakyan ko. Sira pa 'yan. Baka mamaya tayo naman ang magkandasira at sa hospital ang repair shop natin." reklamo niya.
"Gosh."
Nakarating kami agad sa parking lot. I immediately turn around and went inside his car to start it. Nung nasa highway na kami ay huminto ako. "Bakit ka huminto?" he asked, frowning. I small smile crept on my lips. "Ready?" I asked. "Ready for what--"
"Here we gooooooooo!!!!" Agad kong pinaharorot ang sasakyan niya ng sobrang bilis.
"AaaaAhhhHhhh! Tama na! Ayoko pang mamatay!" I let him scream for a while. But then, I don't want to get caught by the pulis. Naka-ilang tili pa siya bago ko dinahan-dahan ang takbo ng sasakyan. "Duwag." sabi ko sabay humaglpak ng tawa. Tulala pa rin siya sa daan. Pota talaga buti na lang walang masiyadong sasakyan sa daan at walang pulis! Laugh trip!
"Tinatawa-tawa mo?" Tanong niya. Pagka-sabi niya ay agad na bumusangot ang mukha ko. Para akong tanga. Bwesit. "Smile ka na. Mas maganda ka kapag di nakabusangot." Nagsalita ang tukmol. Ngumiti naman ako ng peke. At least di masasangla dahil peke diba?
"Why we're not wearing a costume? Why casual?" I asked. "Akala ko ba Halloween party?" I added. "Yun ang sabi eh tsaka may mga mask lang daw na ibibigay. Parang masquerade ball." he said. I didn't ask more questions. I stayed quiet again. But suddenly, the car stopped. "We're here," he said.
I put off my seat belt and opened the car's door. The venue is nice and very eye-catching.He stood beside me and offered a hand. "Let's go?" he asked. I then hold his hand. Choosy pa ba 'ko? Pero andun talaga 'yong kuryente par! Lintek oo.I'm wearing a black sleeveless dress with a side slit, perfect for the evening gown, while he's wearing a black tuxedo. Perfect match sa binigay sa'ming mask. Sinuot muna namin iyon tsaka pumasok.
Everyone's glaring on us. That awkward feeling na parang ikaw ang center of attraction. "They're staring on us." I whispered while smiling sa bawat tao na nakakasalubong namin.
He leaned to whisper on me too. "Siyempre kasama mo kaya ang pinaka gwapong engineer sa balat ng universe." he said.
Tangina bibigwasan ko 'to eh!
Moving forward.
The party was boring at first but fun. Marami akong nakilalang mga tao kahit 'di kami close. Tapos 'yong mokong na kasama ko naman ay busy makipag daldalan sa mga kumpare niya. 'Di ko lang sure. Sinama-sama pa 'ko e 'di naman ako aasikasuhin. Humanda ka ulit sa 'kin mamaya!
Iniwan ko muna 'yong mga ka chismisan ko kanina at umupo sa table namin. I'm sitting here, alone. Naka ilang shot na kaya ako? Tsaka parang umiikot na rin ang paligid. Shuta de animalis itey!
Nilagok ko ng deritso ang alak sa glass nang biglang may lumapit saking fafa. "Hi, miss." he greeted. I just smiled.
"Pwedi ba kitang isayaw?" he asked. Kahit medjo umiikot ang paningin ko ay hindi ako mapapapayag nito. I'm still sober. Duh.I just shook my head. Di ko type ang isang 'to. Nakikita ko sa awrahan niya na hindi siya mapagkakatiwalaang kampon ni satanas. Charr lang. "Sige na miss. Isa lang, promise." pagpupumilit niya. I stared at him for a while. "No. May kasama ako, sorry. You can find someone to dance."
"Wala naman siya-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang may tumulak sa kaniya.
Shit. Si Engineer! "Cyrus!" I exclaimed. "Pag sinabi ng babae na hindi, HINDI! Understood?" he said while greeting his teeth. I caught his hand. "Tama na!" Pagpigil ko.He looked back at me and I saw how his jaw tightened. "Let's go!" Pagbawi niya sa kamay niya ay agad niya akong hinawakan at napilitang lumabas. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Bullshit, nakakahiya!
Pagkarating namin sa labas ay agad niya akong niyakap. Puta ang speed nito ah. "Okay ka lang ba?" he asked. "Uhm. I-I'm okay." I said for his assurance. "Pasensiya na kung nabastos ka kanina ha. Ipapakilala pa dapat kita sa mga kaibigan ko." sabi niya. Agad akong kumalas ng yakap. "'Di, okay lang." sabi ko pero grabe ang nerbyus ko kanina.
We decided to go home. Nagpadala na lang ako sa kaniya. Inihatid niya nga ako sa bahay.
Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. "Pasensiya ka na ha." sabi niya. I just nodded. "Sige pasok na'ko. Salamat sa pag hatid." sabi ko pa.
"Bawi ako next time." singit niya. I smiled and waved goodbye. This is the worst night ever, yet unforgettable. I may treasure this night because he looked like my knight-in-shining-armor while saving me a while ago.
YOU ARE READING
A Glimpse in Paradise
Lãng mạn"Universe only bestowed me the love that I really deserved and I'm happy that it gave me the chance to love you. It was a blissful and delightful adventure with you even in just a short span of time, Cyrus. It was like a glimpse in paradise, indeed...