Chapter 16

4 1 0
                                    

Naging busy kaming dalawa the following weeks. Ayos lang naman. We understood each other. 'Yun naman ang mahalaga eh.. 'yung nagkakaintindihan kayong dalawa. And also, consistency. Kahit hindi ko pa siya sinasagot ay makikita mo talaga sa kaniya na parang kami na. Minsan ay iniisip ko pa nga kung hanggang kailan siya gan'yan? Is that him while courting or it's his way ever since before we met? Whatever happens, I hope he'll stay the same.

Kung iisipin mo ay hindi kami katagal na magkakilala. Sadyang nahumaling lang siguro ako sa kaniya at nahulog ng sobra. 'Yung tipong 'di na'ko makakaahon sa lalim nang pagkakalunod ko. Nakikita ko sa kaniya ang determinasyon niya sa kaniyang sarili, sa pamilya, at higit sa lahat.. ay sa akin, sa amin.

Today is the school's Christmas party. I mean, by section ngayon at bukas naman ay para sa mga teachers. Good thing at may ipon ako. I sponsored the videoke and shanghai. I told manang to wrap it all today para bukas sa Teacher's party ay pi-prituhin na lang.

Mamaya na'ko pupunta ng school at maaga pa naman. As usual, maikling program lang naman at kainan na and such. Kaya naman naghugas muna ako ng kamay upang tulungan si manang sa pagbalot ng mga lumpiang shanghai. Dinamihan ko na ang pagbili para makapagbalot ang iba kapag uwian na.

For my students, I cooked spaghetti and buko salad. And I told them to bring foods, too. Para naman mabusog kami at hindi ma-short.

"Ako na d'yan, ma'am." manang Linda said, but I insisted.

"Tutulong lang ako manang at maliligo na rin ako pagkatapos."

"Kamusta pala kayo ni sir, ma'am?" she asked. "Hindi ba ay nanliligaw sa'yo 'yon?" she asked.

I shrugged.

"Ma'am kung ako sa'yo ay sagutin mo na tsaka bakuran mo para hindi na makahanap ng iba at higit sa lahat ay hindi na maagaw ng iba. Sige ka, ikaw rin. Baka pagsisihan mo 'pag nagkataon." daldal niya.

I just rolled my eyes and continued wrapping, but somehow, manang had a point. Papatagalin ko pa ba?

But I need time to think. If ever I made up my decision, I'll make sure that I won't regret it. I hate regretting. That's why I think a thousand times before doing it and to make sure it is all worth it.

I was about to put those lumpia inside the ref when my phone rings and I saw ate Aviona's name flashed on it. So, I set aside my work before answering.

"Hello, ate. Good morning." I greeted. Naka-loudspeaker naman ang phone kaya 'di ko na nilagay sa tenga ko. Umupo ako at kinausap siya. "Kamusta? Ano'ng balak mo this Christmas?" she asked. Nag kibit balikat lang ako. "Hindi ko pa alam ate." sagot ko.

"How about Cyrus?" she asked. "Maybe he'll spent the rest of the holidays with his mom. Hindi pa naman kami para ako ang samahan niya 'di ba?" I replied. "Kung sa bagay nga naman. Anyways, mag video call na lang tayo doon sa gc para naman makausap natin si ate Marian." she suggested. I hung up the call.

After a second, she called again. Ate Marian also answered.

"Oh, kamusta kayo?" si ate Marian. "Wow! Kita mo 'to, ngayon na nga lang nakapag-video call ay 'sing lamig pa ng Mt. Everest kung magsalita." Ate Aviona said but ate Marian just mocked her words. " Ah malamig? Wait lang ha." Umalis si Ate Marian at parang may kukunin yata.

Pagbalik niya ay may dala na siyang posporo at sinindihan iyon. "Kamusta kayo mga mahal kong kapatid?" she sarcastically said while showing the match on us. "Oh ayan, mainit na ba?" tanong ni Ate Marian.

"Nahiya ka pa! Sana gas stove na lang dinala mo at sinilyaban mo iyang ugali mo na may lahing Lucifer." Aviona tsked. Inirapan lang siya ni Ate Marian. Attitude rin ang isang 'to eh. Ay lahat pala kami. Sabi nga ni mama ay kulang na lang ay itirintas niya kaming tatlo.

A Glimpse in ParadiseWhere stories live. Discover now