It has been a week since that night. He's more clingy than he is before. And that attitude of him amazes me and annoys me at the same time. I didn't know he has that side. Cute.
Nag-absent ako today. Probably until tomorrow. Ewan. It happens every month. 'Di ko kayang pumasok sa work na sobrang sakit ng puson ko. Dysmenorrhea lang yata 'to. I never visited an OB dahil takot ako sa doctor. Kaya kong indahin ang sakit kung kinakailangan or I'll just take some pain reliever.
Dinalhan ako ni manang ng pagkain dito sa kuwarto. It's almost lunch at hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain. Ni ayaw kong bumangon dahil namimilipit ako sa sakit. Pinapatungan ko ng hot compress kaya naiibsan din ang sakit pero maya't maya ay andiyan na naman.
I was about to close my eyes when my phone rings. Pilit kong inabot ang cellphone ko na nasa bed table.
Cyrus calling...
Agad ko namang sinagot iyon. "hello?"
"Nasaan ka? Sabi ng mga co-teachers mo absent ka raw." panimula niya. "Nandito ako sa bahay. Nagpapahinga. Bakit ka ba pumunta d'yan?"
"Basta. Sige papunta na'ko."
I groaned. "No! You have work. Besides, there's nothing for you to worry about because I'm okay."
"See you." he said before he hung up the call.
Cyrus is such a hear-headed man. Ang tukmol na 'yon! Hays. HIndi ko pala nasabi sa kaniya na hindi ako makakapasok ngayon. Palagi niya akong sinusundo sa school para mag lunch. Kung busy naman siya ay nagdi-dinner date kami. Sabi ko nga ay sa susunod ay dito na lang kami sa bahay at ako na ang magluluto para iwas gastos.
He invested a lot on me even though we're not yet in a relationship. Yeah.. not yet.
Minsan ako na ang nagbabayad pero binabawi niya and he keeps on insisting na siya na raw ang bahala.
After a while, I heard the door squeaked. A sign that someone entered. Baka si manang or si Cyrus na kaya 'di ko na lang pinansin. 'Di ko nakita kung sino ang pumasok dahil nakatanday lang ako sa unan habang talikod na nakahiga.
"Hey." It's Cyrus.
Agad ko namang minulat ang mga mata ko and tried to smile.
"Are you okay?" he asked. "Mukha ba akong okay?" biglang uminit ulo ko sa tanong niya. "A-absent ba'ko sa trabaho kung okay ako?" bigla akong umupo sa kama. "Alam niyo kayo, nakita niyo na ngang hindi okay tapos magtatanong pa kayo ng 'Are you okay?'. Tangaaaaa. Ang tanga!" I keep on mumbling words while he's still standing right in front of me. After kong mag rant ay pinag-krus ko ang mga braso ko.
Tiningnan ko siya. Parang statue dahil hindi na gumagalaw. "What?" I exclaimed. Napakurap siya nang ilang beses. "I'm sorry." sagot niya. I rolled my eyes and covered my face a pillow out of frustration. Tapos bigla na namang sumakit ang puson ko kaya humiga na lang akong nakadapa.
"Alam ko na kung bakit ka ganiyan." he smirked. I glared at him badly. "Magbihis ka at kakain tayo dito.." sabay pakita sa'kin ng mga dala niya. "..may tagos ka." Agad na nanlaki ang mata ko. I cursed. How embarrassing. Timing pa talaga na nandito siya. "Huwag ka nang mahiya. Sanay na'ko d'yan." sabi niya.
"Siyempre! Ganito mo rin sigurong kung alagaan si Leslie pag meron siya ano? Gusto ko lang ng katahimikan at pahinga. Hindi ko kailangan ng comfort. Hindi ako katulad n'ya! Hmmp!" Tsaka ako tumayo at inirapan siya. Kumuha ako ng pamalit at dumiretso sa banyo.
Pagkatapos kong magbihis ay nakita ko siyang nakaupo na sa kama ko. Nang makita niya 'ko ay agad syang tumayo. "Okay na?" he asked. I just nodded and smiled.
"Madalas ba sumakit puson mo? Si mama kasi hindi naman sumasakit ang puson niya ng grabe." he said.
"E' si Leslie?" may panunudyo sa sinabi ko.
"Alam mo magpa check up ka na sa doctor." he suggested.
"Ayoko. Takot ako sa doctor."
"Tss. 'Yung matapang na Carrel may kinakatakutan din pala." sabay ngising aso. Inirapan ko lang siya at kumain kaming dalawa.
"Ako na ang magtatapon." sabi niya. "Tapos kukunan na rin kita ng tubig sa baba." sabi niya na sinang-ayunan ko naman.
Bumalik siya na may dalang isang basong tubig. "Here. Drink."
Tinitigan ko lang ang baso. "Bakit hindi malamig?" I asked. "Kasi walang ice?" pabiro niyang sabi. I glared at him. "Tss. Kaya sumasakit yung puson mo kasi hindi ka sumusunod." sabi niya. "Akin na nga! Dami mong sinasabi." sabay kuha ng baso. Nilapag ko iyon sa side table pagkatapos.
Tumabi siya sakin.
"May trabaho ka 'di ba?" I asked. "Makakahintay 'yun." he replied.
"Tell me about your ex." I said. Natigilan siya. "Bakit?" tanong ko. "Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa kaniya? So, bakit mo 'ko niligawan kong ganoon? Alam mo hindi ka pweding mag mahal ng iba kung hindi ka pa tapos mag mahal sa kaniya. Kaya kung ako sayo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigala niya akong hinalikan! Mama!!!
He kissed me with his eyes closed habang ako ay dilat na dilat sa gulat. Marahan ko siyang itinulak at sinampal!
"Arouch! What was that for?!" 'yung mukha niyang 'di makapaniwala sa ginawa ko.
"Hinalikan mo'ko without my consent! How dare you? That was clearly a harassment! Tsaka ano'ng arouch ha?!"
"Aray tsaka ouch. Edi arouch. Tss." sabi niya. "Ang daldal mo kasi kaya kita hinalikan at hindi 'yun harassment. Hindi ka ba hinahalikan ng mga ex mo noon?"
Natigilan ako sa sinabi niya."How dare you?! Wala akong naging boyfriend kahit isa!" Agad akong nagtakip ng kumot sa kahihiyan.
"Oh.. so that was your first kiss?" he said proudly. "Glad to be your first." he chuckled but hindi ako umimik.
"Sorry na." hindi pa rin ako natinag. "Magku-kwento na 'ko." he said.
"Huwag kang magsasalita kung labag din naman sa loob mo." sabi ko.
"Leslie was my girlfriend way back in college hanggang sa grumaduate kami. Matagal din kami. Pero kahit gaano pala kayo ka tagal, kung magloloko , magloloko rin pala. She cheated with my close friend. Masakit pero tanggap ko na. Matagal na iyon eh." kuwento niya.
Agad akong bumangon.
"Hindi naman ako nagkulang. Sadyang naumay lang talga siguro siya sa'kin. Ang mahalaga ikaw na 'yong mahal ko ngayon at mamahalin pa habang buhay." he said, ut before I can say anything. I kissed him.
YOU ARE READING
A Glimpse in Paradise
Storie d'amore"Universe only bestowed me the love that I really deserved and I'm happy that it gave me the chance to love you. It was a blissful and delightful adventure with you even in just a short span of time, Cyrus. It was like a glimpse in paradise, indeed...