Chapter 02

11 1 0
                                    

After he delivered his speech, umalis kaagad ako at pumunta sa office. Gladly, Ate Avi visited me. Since, it's okay na magpapasok ng visitors sa loob ng faculty office. Kaya doon na kami tumuloy. I told her everything that happened earlier. But a smile crept on her face. Parang timang lang. Alam ko na kung saan na naman 'to hahantong. May pagkasira ulo rin kasi siya minsan.


Tumayo siya tiyak lumapit sa'kin at ang dalawa niyang kamay ay nasa parehong balikat ko. Sabi ko na eh."Sis, alam mo ba sa mga movies.. diyan nagsisimula ang lahat tapos happy ending na. Maybe, he's the one." Ate Aviona said. "Malay mo.. Love at first fight." she added. Oh 'di ba? Paka advance niyang mag-isip. Ewan ko ba kung saan siya pinaglihi ni mama.


Takte! Pag andito rin si Ate Marian Yvette ay paniguradong sabay kong tatapalan ng semento ang walang prenong bibig nila ni Ate Avi. Charot baka kutusan nila ako. Isa 'to sa mga bagay na pagkakapareha namin. Madaldal. Sobra. Hay nako. Mag-kapatid nga.


I rolled my eyes and stood up. "Anong maybe maybe ka riyan? Ayoko sa gwapo. In short, ayoko sa kaniya.." maarte kong sabi. "Tsaka pagkatapos nito ay di na kami magkikita, okay? Engineer pala siya, edi mas busy yun."I added. Tapos ang usapan. Pero pag si ate Avi ang kausap mo, walang tapos-tapos na magaganap.


"Hey! Don't say that. 'Di mo sure, Baka mabusog ka sa mga salitang kakainin mo pagnagkataon." she said. "No one knows what the future holds. No one knows what we're in to at the end of the day." she added. Weh? Akala mo naman 'di rin siya advance mag-isip. Boang talaga 'to. 'Di ko alam kung ilan ang personality niya. Tss.


"Alam mo Aviona Ylorr , kaya wala kang lovelife kasi naniniwala ka sa mga fairytale!" irap ko sa kaniya. "Tigil-tigilan mo 'ko sa mga ganiyan dahil kahit matanda ka sa 'kin ay alam ko pa rin kung ano ang dapat at 'di dapat gawin, okay?"


"Share mo lang?" she said in a blank face. "Tss. Ikaw naman kasi Carrel Yvonne, kaya wala kang jowa kasi ang choosy mo." dagdag pa niya. "Ganda ng pangalan na binigay ko sayo taz magiging matandang dalaga ka lang bandang huli? "Dami mong alam! Anong connect?" pagtataray ko.Argh. Kairita kasi kung 'di dahil sa lalaking yun edi sana hindi ako puyat ngayon! Bwesit na lalaking yun. Mukha tuloy akong nalantang gulay sa itsura ko.


"Oh siya, aalis na lang ako. Busy pala kayo ni mama eh. Bisita ka sa bahay ha. Kundi makakatikim ka sakin." sabay beso. Sus. Akala mo naman ay palagi siyang andun sa bahay. Eh kung wala siyang work ay gala rin ang isang 'to. Hinatid ko siya palabas ng gate. Kaya nakita ko ang pula niyang sasakyan. Ito siguro yung sinasabi niya sa'kin noong nakraan. She bid goodbye as I waved my hand.


Anyways.


Dahil sa mga activities na lang ang gagawin sa labas, ay umidlip muna ako nang tulog sa faculty room. Bahala silang mag-enjoy doon sa labas. Pagod ako eh. Hindi naman sila maka-angal. Nagising lang ako nang niyugyog ni Sir Amond ang balikat ko dahil andiyan daw si madam principal.


"Oh! Sorry, I'm just tired from last night. I didn't get enough sleep." I said while yawning. I'm still sleepy. Grabehan na 'to ha! Hays. Ready pa naman akong e kuwento ang buong buhay ko tapos 'di naman pala matutuloy dahil sa pisteng lalaking yun!


Sir Amond handed me a cup of coffee. "Here. Just to regain your energy at para hindi ka na rin antukin." I just smile and said thank you to him before he left. Mabait si sir Amond. Ewan ko ba kung bakit wala pa rin siyang girlfriend hanggang ngayon. If meron man, 'di ko nakikita na mag-kasama sila or kahit sa mga fb post niya, wala. Bakit ko ba iniisip 'yon?

A Glimpse in ParadiseWhere stories live. Discover now