Chapter 03

8 1 0
                                    

Madam Principal gave us 2 days to rest. Mabuti naman dahil nakatulog na ako ng maayos. It's Sunday kaya I decided to go to church. I'm wearing a white off shoulder fitted dress hanggang tuhod yun and white flat sandals. Yung sandals ang flat ha, hindi ako! Mabaog ka na. With my curly hair, I also brought my sunglasses with me para mamaya dahil baka gumala ako.

Kakatapos lang ng mass and I want to eat and drink some coffee kasi 'di pa'ko kumakain ng breakfast. Masyadong maaga pa naman kanina noong umalis ako kayo dumiretso na ako sa simbahan.

I parked in the basement of the mall. I decided to have my breakfast here and since it's Sunday, I want to shop! Yeah, new shoes, clothes, and whatever. If you're wondering why my attitude is not that serious like the usual teachers out there, well, sa dito ako comfortable eh. Sa school lang ako nagiging strict. Kaya siguro natatakot minsan mga students ko sa 'kin.

Anyways, pupunta ako ngayon sa SB like, starbucks. Diba, talino ko talaga! I was about to open the door noong may bumangga na naman sakin. And guess what noong papasok na'ko, natapunan ng iced coffee ang puti kong damit. Oo mabuti na lang ay hindi hot coffee ang binili ng tukmol na to.

"Oh shit! What have you done?" I almost screamed my lungs out! Good thing I have my hanky with me. Di ko na pinansin kung sino ang nakabangga sakin. Pinahid ko ang panyo sa damit ko kahit imposible nang matanggal ang mantsa.

"Ang tanga tanga m-" My sentence became a phrase because he didn't let me finish what I was supposed to say when he cut me off.

"Hey. What a coincidence!" he said. At parang tuwang-tuwa pa ang mokong sa pagkikita namin.

Umangat ako nang tingin. Anak ng tokwa! Oo siya na naman! Ayaw ba akong tantanan ng tadhana? Gusto ko lang naman nang tahimik na buhay!

I put off my black eyeglasses."Ikaw na naman?! huh! I can't believe this!" I crossed my arms and looked at him from head to toe. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang krus na naman ang landas namin dalawa! Pero bakit sa ganitong paraan lagi? Disasters aren't always that beautiful. Halimbawa na lang nito!

He smiled and his deep dimples showed up, again! Sa sobrang lalim.. pwedi nang ilibing diyan ang mga chismosa niyong kapitbahay!

"What a small world that our paths crossed again." Sayang-saya ha? Upakan ko 'to eh. "I think we're destined to be together or meant to be or our strings are connected?" Taas noo niyang sabi. Amp ang hangin nito ah. Feeler ka ghorl?

"Alam mo ikaw? Baka liparin na'ko dito sa sobrang hangin mo! And hindi ka man lang ba mag so-sorry dahil minantsahan mo ang damit ko? Sorry ha, sorry?" ako na mag-adjust! I apologized, sarcastically!

"Talagang liliparin ka dahil para ka ng papel. Manipis na nga katawan mo tapos naka-puti ka pa." At ng insulto pa? Lord, pwedi mo na po siyang kunin. Ako na bahalang tumawag kay St. Peter!

I'm not in my actual self when I'm with him, really! Imagine, ang hilig-hilig kong barahin mga kaibigan ko tapos siya na hindi ko ganun ka kilala ay ini-insulto ako?

"Kakain lang dapat ako eh pero ikaw ang bumungad sa'kin!" reklamo ko. "Well, I'm edible rin naman." kibit-balikat niyang sabi. "You and your filthy mouth!" sabi ko pa.

I can feel my anger,right now! Nagugutom na'ko tapos may tukmol pa akong makikita. "Arggggh!" Yan lang ang tanging nailabas ko sa bunganga ko. Sa sobrang inis ko ay naging walk out queen na naman ako ulet. Sa bahay na lang ako kakain.

Mabuti na lang at hindi pa ako umakyat ng second floor kaya dali-dali akong pumunta sa parking lot. Pinaandar ko ang sasakyan ko tsaka humarurot pauwi.

Pagkarating ko sa bahay ay naligo agad ako at nag-bihis. Tsaka kumain dahil naghanda si manang ng almusal. I went to the living area to watch some animated series like oggy and the cockroaches or tom and jerry. Pang-patanggal lang ng stress sa buhay. I felt tired and the next thing I knew, I dozed off asleep.

I woke up at pass 3 in the afternoon. Napasarap yata ang tulog ko kaya di ko namalayan na hapon na pala. Pumunta ako ng kusina at saktong nakita ko si manang na nagluluto.

"Anong niluluto mo manang?" Tanong ko.

"Ah! Bananacue po ma'am. Mirienda sana natin." sabi ni manang Linda.

I just nodded and watched her cook. After a while, I decided na ako na lang ang magtitimpla ng juice.

"Ay alam niyo na ba ma'am?" tanong niya.

"Ang alin, manang?"

"May bagong lipat diyan kanina sa kabilang bahay. Yung pinapaupahan." She's talking about the house a few houses away from mine. Mga dalawang bahay lang yata ang layo.

Pinapaupahan na lang yun ng may ari kasi nga lumipat na sila. Tsaka ang iba kong mga kapitbahay ay mga snub na parang may mga sariling mundo na ewan!

"Paano mo naman nalaman yan?" I asked again.

"Ma'am shempre chismosa ako 'no kaya alam ko lahat, ako pa ba?" she shook her head and laugh. Totoo naman kasi.

"Babae ba o lalaki?" tanong ko ulit.

"Hindi ko alam ma'am eh. Puntahan mo kaya mamaya. Ito nga oh, pinasobrahan ko yung niluto ko para madala mo sa kaniya mamaya." utos niya pa sakin.

"Wow manang ako na pala ang utusan niyo ngayon. Ano pa po ang nais ninyong e utos sakin, kamahalan?" I asked sarcastically and bowed.

"Ma'am naman siyempre gusto ko lang na may kaibigan ka dito sa village natin, 'di ba?" Palusot niya. "Or if ever na lalaki, malay mo na chance mo na pala na magka-jowa. And you're welcome in advance."

"So, may utang na loob pa pala ako sa'yo, ganun ba? Ano, pasasalamatan na ba kita?" sabi ko.

"Ma'am iwasan mo nga 'yang pagiging pilosopo at maldita mo. Sige ka, magiging matandang dalaga ka niyan. Ikaw din!" Agh kairita!

"Marami akong kakilalang masiyahin na naging matandang dalaga manang kaya 'wag mo 'kong takutin sa mga paganyan mo dahil hindi ako nasisindak at mas lalong hindi ako nadadala, okay?" Sabi ko sabay kuha ng tubig sa ref.

"Ah basta ma'am. Ihatid mo na lang ito doon sa bago nating kabitbahay. Behave ka ma'am ha!" panay daldal niya habang nagluluto. " 'Pag lalaki, sabihan niyo 'ko ka-agad at ilalagad kita if ever hindi mag-work ngayon. At kung babae. Gawin mong bff ha."

Aba ano'ng akala niya sa'kin, aso para sabihan niya ng behave? Parehas lang sila ng Engineer na mukhang tulalo na 'yon. "Oo, na! Dami mong dada riyan!" Habang nagtitimpla ako ng juice.

After minutes of waiting, finally ay tapos na rin ang niluto niya. Kaya kumain muna kami bago ko hatiran ang kapitbahay kuno namin.

After ibalot ni manang sa disposable container ang niluto niya ay nag-ayos muna ako. Nagsuklay ng buhok at inayos ang aking tshirt at shorts. Di naman masiyadong maikli ang pambaba ko kaya keri na.

Lumabas na ako at nag-simulang mag-lakad papunta doon. Sigurado akong may tao dahil bukas ang gate. 'Di ko lang sure. 'Di kasi lahat ng bukas ay may tao. Charot!

Siyempre dire-diretso ako at tsaka kumatok. Nakadalawang katok ako bago bumukas ang pinto.

"Welcome to the- Oh My God!"

I'm shocked at who's in front of me! Damn it!

....


A Glimpse in ParadiseWhere stories live. Discover now