CHAPTER 13

30 3 2
                                    

CHAPTER 13

"Ano'ng gagawin natin?" Mandy asked. "Wala na ba talagang afternoon class?" dagdag pa nito.

We're currently here in Kaiden's car. Nasa shotgun seat ako, nasa likod naman iyong dalawa. Marami silang sinasabi pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. Sumama ako rito para maiwas sa kaniya ang isipan ngunit bakit heto pa rin ako at sige pa rin sa pag-iisip?

"Kung papasok man ang mga teacher natin, hindi naman magtuturo ang mga iyon. First day kaya ngayon, walang kwenta ang araw na 'to," sagot ni Lucia.

I don't want to bury myself at the thought of him liking Naomi as more than a friend. It's his choice... it's his own heart... own hypothalamus. Wala akong magagawa roon gaya ng wala siyang magawa sa nararamdaman ko. 

I need to bring back my old self. Iyong walang pakialam sa ibang tao maliban sa pag-aaral, kila Mom at sa mga lokong kasama ko ngayon. I want to bring my old me back, pero kahit ano'ng gawin ko... hindi ko na siya mabalik. 

I am being mean to myself... to Naomi... to James and to everyone around me. Alam ko iyon... pakiramdam ko hindi ko na pag-aari ang sarili ko. Hindi niya na 'ko sinusunod. Lagi siyang sumasalungat at wala akong magawa kung hindi hayaan ito.

Nabuhayan lang ako sa pagkatulala sa bintana nang makita ko siyang tumatakbo palabas ng gate. Nanlaki ang mga mata ko. Mula sa side mirror ay tumingin ako sa likuran. Nasa labas na siya. Nakatanaw sa amin habang patuloy kaming umaandar palayo.

Alam kong heavy tinted itong sasakyan ni Kaiden kaya imposibleng makita niyang umalis ako kasama nila. Ngunit sa mga malulungkot na tingin niya sa amin. Sa pagod niyang mga mata. Parang gusto ko na lang bumaba at tumakbo pabalik sa kaniya... Parang gusto ko na lang siyang yakapin at sabihing hindi na 'ko galit... Gusto ko na lang aminin ang nararamdaman ko para matapos na. Hindi ko kailangan ng sagot. Gusto ko lang malaman niya para hindi ako mukhang tangang nagseselos dito.

"Hindi ako nagpaalam sa kanila," sabi ko habang nakatanaw pa rin sa side mirror kung nasaan ang repleksyon niya.

"Gusto mo bang bumaba? Pwede pa naman, hindi pa naman tayo nakakalayo." He stopped the car.

"Why did you stop?" agad na angal ng nasa likuran.

Hindi ako nagpaalam sa kanila, ngayon ko lang ito napansin. Umalis kaagad ako. Sinabi ko lang na mag-c-cr ako. Hindi ko sinabing aalis na 'ko. Ngunit paano naman kasi, bakit sila gano'n sa harapan ko?

Nakita ko ang unti-unti niyang paglapit patungo sa amin. Nag-simulang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko siya kayang harapin ngayon. Masyado akong nadala sa emosyon ko. Hihingi na lang ako ng sorry sa kanila kapag maayos na ako... kapag maayos na 'ko.

"Mag-cause ka pa ng traffic. Alis na tayo," sambit ko, nasa kaniya pa rin ang tingin.

Nang muli kaming umandar ay siyang paghinto niya sa paglalakad. This is not the right time for us to talk. Alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Hindi na kita kayang maging kaibigan. Ayaw ko namang basta-bastang umalis sa inyo dahil hinanap niyo nga ako, 'di ba? Nandito nga kayo dahil miss niyo 'ko. Sino ba naman ako para tabuyin kayo ng ganoon na lang?

Nandoon si Tita Arana nang makarating kami. She welcomed us at isa-isa pa kaming bineso.

"Kumpleto kayo," anito.

"Ano'ng gusto niyo? Ipapahanda ko," she leads us to the living room.

Bago makarating sa living room ay dumaan kami sa malaki at mahabang hallway. Halos puti ang lahat nang makikita mo roon kaya maaliwalas tignan. Hindi nga lang kaaya-aya kapag marumi dahil kahit maliit na dumi ay kita mo na kaagad.

The Perfect Girl (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon