CHAPTER 10

36 3 1
                                    

CHAPTER 10

Our presentation went well. That was our last performance task in the whole first semester. Hindi ako makahinga ng maluwag kahit na maayos naman ang kinalabasan. Something just doesn't feel right and I don't know what that thing.

"Did you do well?" I still managed to ask when we left the room.

Ang naging paraan kasi ng presentasyon namin ay magkaibang room. Girls and boys were separated. Para raw hindi makapangdaya, sabi ng guro namin. Our subject teacher was with us during the whole presentation while the student-teacher was with the boys.

"I think I did," sagot nito. "I knew you did well," dagdag niya na nagpawala ng kaba ko.

Magtatanong pa sana ako ngunit dinaluhan na kami nila Mandy kaya natahimik na lamang ako. Mamaya'y may masabi pa 'kong hindi maganda at mapagbuntungan ng asaran.

"We've been friends ever since but I didn't know you like watching romance movies... series. Inaasar mo pang hopeless romantic si Mandy e, ikaw rin pala," he laughed shamelessly.

At sino pa ba ang walang hiyang taong naninira ng araw ko? Maybe I forgot about Nanquil, the matining girl but, Kaiden, the Devil Kaiden came into my life... a substitute for Naomi.

"Shut up!" I said irritated.

"I'm sorry... bigla kasing tinanong kanina. Hindi ko naman dapat sasabihin pero tinanong e," paliwanag ng nasa harapan ko at kumamot sa ulo.

My frowning face eventually goes back to normal. Bakit ba kasi nandito siya? Malakas pa naman ang pang-amoy ni Kaiden... parang aso na madaling naaamoy ang kung ano.

"It's our project. Ayos lang naman."

"Tss... so ano kami rito? Watcher niyo? Papanoorin namin kayong mag-away at magbati? Nakakasawa na kayo!" Lucia commented before walking away.

Mandy just shook her head bago sumunod kay Lucia. Pinandilatan ko si Kaiden. Siya ang nag simula nito. Kung hindi siya nag salita edi sana maayos pa kami.

"What?" he asked as if he did nothing wrong. "Don't glare at me... nakakatakot ka!" anito bago sumunod sa dalawa.

Pinanood ko lang ang pag-alis niya hanggang sa mawala na siya sa corridor. Nakakainis naman ang mga 'yon? Bakit iniwan nila 'kong mag-isa? Friends should wait for each other. Hindi iyong nang-iiwan.

"You won't follow them?" natigil ako sa pagkakatulala sa kawalan nang mag salita siya.

Am I disturbing him? Bakit parang hindi niya ata gusto ang presensya ko ngayon? May gagawin ba siya? May kikitain ba siya ngayon? Lunch break namin, we should be eating now but, here we are standing in the middle of the corridor... waiting for nothing.

"Hindi ka ba kakain?" balik na tanong ko.

"I am... pero hindi rito. Uuwi kasi ako, nando'n 'yong kapatid ko. I need to see her. Ayos ka lang ba rito?"

I want to ask him kung pwede ba akong sumama pero sino ba naman ako para sumama sa kaniya? We are friends... we are friends... only friends. Hindi ko siya pwedeng pilitin sa bagay na gusto ko. He has his own priorities, I shouldn't meddle with it.

"Yep, ayos lang ako rito. Alam ko naman kung nasaan sila Mandy. I'll just eat with them," I faked a smile.

Kita ko ang pag-aalinlangan sa kaniya habang nakatitig sa akin. I don't want him to let his sister waiting for him just because of me. Minsan na nga lang silang magkasama, hindi ko gustong hadlangan pa 'yon.

"Go now, hinihintay ka na ni Jazlynn. May nakalimutan lang ako sa loob," pagsisinungaling ko.

Hindi niya pa rin inaalis ang titig sa akin. His stares are starting to embarrass me so I looked away. I looked at the closed door behind him where I was in earlier. 

The Perfect Girl (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon