CHAPTER 18

25 3 0
                                    

CHAPTER 18

Matapos mag-ayos ay bumaba na 'ko para kumain. Nang makarating sa dining ay si Nanquil ang bumungad sa akin. Nahinto ako sa paglalakad nang magkatitigan kami. She was spreading strawberry jam on her bread.

She's here again. I shrugged before walking to my spot. 

"Good morning, napag-isipan mo na ba iyong alok ko kagabi?" bungad nito.

I started putting foods on my plate, not minding her.

"Hey, hindi mo pa ba napag-iisipan o ayaw mong humingi ng tulong sa 'kin? Wala ka bang bilib sa akin dahil nagpapatulong ako sa iyo? Arg! Kaya kitang tulungan, promise," sunod-sunod na anito.

Ang gusto ko lang ay kumain ng tahimik at pumasok ng tahimik. Dito na nga lang natatahimik ang paligid ko pero sinisira niya pa 'yon. Hindi ba pwedeng makisabay na lang siya sa ingay nila Kaiden mamaya? This time is my time.

"Uy, sagot ka na. Kapag naging kami na ni James, kayo naman ang gagawin ko."

What are we? A raw material na kailangang gawin? 

Hindi ko siya pinansin at nag-simula na lang kumain. Ngunit kahit anong hindi ko pagpansin sa kaniya, hindi siya tumitigil. Hindi nga talaga sila pareho ni Kaiden because Kaiden knew when to shut up while Naomi... alam niya rin siguro, ayaw nila lang.

"Hindi ka magsisisi kapag pumayag ka—"

"Mag-kaibigan lang kami."

Nagpatuloy ako sa pagkain. Binilisan ko na para makaalis na rin. Uminom ako ng tubig bago tumayo. Umalis na 'ko roon, hindi na nag-paalam sa kaniya.

Hinihintay na 'ko ni Manong nang makalabas ako ng bahay. Pumasok ako ng sasakyan at sasara na sana ang pinto ngunit nakasunod pala siya sa akin. Hinayaan ko siyang maupo sa tabi ko.

"Kung hinahanap mo si Tita, umalis sila ni Tito kanina bago ka bumaba," anito.

Saan naman kaya pumunta ang dalawang iyon? Tsk... bahala na sila, malalaki na sila.

"Thanks for the info," walang ganang sabi ko.

"Welcome..." akala ko'y matatahimik na kami ngunit ito na naman siya. "Pero, about Kaiden. Alam mo bang bagay talaga kayo. You'll make a great couple," manghang sambit nito.

Lumaylay ang dalawa kong balikat sa sinabi niya. Hindi ba siya napapagod diyan? I already told her for thousand times. Kaibigan ko lang ang lokong iyon. Ganito rin ba ang tingin ng iba sa amin ni Kaiden? Pero, hindi rin. Apat kami, imposibleng pag-isipan kaming dalawa.

"Bakit ba pinipilit mo 'yan?"

"If you don't like Kaiden, maybe he likes you? O, kung hindi si Kaiden, sino ang gusto mo? Para mabalik ko ang tulong na ginagawa mo para sa akin."

I sighed. "Hindi kita tinutulungan para ibalik mo ang tulong ko. You... you are my friend. Ganito naman ang magkakaibigan, hindi ba? Nagtutulungan at hindi naghihintay ng kapalit?"

"You didn't deny it. Just tell me you like him at tatahimik na 'ko, hindi ko ipagsasabi sa iba," she zipped her mouth.

"Ano'ng sasabihin ko sa 'yo? Hindi ko nga siya gusto gaya ng sinasabi mo. I just like him as a friend. We are friends, the four of us. Don't think things that can make it complicated."

"But—"

"Stop it, please. I'm helping you to get what you want. 'Wag mo nang ipilit ang hindi naman totoo," pakiusap ko.

She was stunned. The car stopped. I took the opportunity to leave. I wiped the tired and irritated look on my face when I entered the campus. Maraming mga mata ang nakabantay sa akin. Isang maling galaw o reaksyon lang ay magiging usap-usapan na. I don't want to be their topic so I rushed to our room.

The Perfect Girl (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon