CHAPTER 21

30 2 0
                                    

CHAPTER 21

Matapos ang ilang araw at linggo. Hindi na bago sa akin ang manatiling dilat ng ganitong oras. Everything happens for a reason but, what is the reason behind all of this? May maganda at sapat bang rason para rito? Kung wala'y bakit naman gano'n? They made me feel like this for nothing? They let me stay up all night because of overthinking for nothing?

I overthink because of nothing. I sacrificed my sleep for nothing. I sacrificed my own happiness for nothing. That would hurt me a lot, you know?

I don't want to regret things because it can't be undone... All we have to do is accept it. But, what if those things would really mean for you to regret? What if, a lot of what-ifs are playing in our pretty little mind. We don't know whether to trust it or just shrug it off.

I know why I can't sleep right now. Most of my sleepless nights, I knew the reason. Ayaw ko nito pero wala akong magagawa. Siya na lang lagi ang dahilan. Masaya o malungkot man ang kalabasan, siya lagi ang rason. 

I did say it for how many times already but, I will say it again... It's unfair... Loving... Liking someone is unfair... 

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan ang nadarama ko para sa kaniya riyan pero pareho lang namang hindi patas iyon... Hindi patas kung hindi kayo pareho ng nararamdaman. It would always be unfair if you're the only one who feels the rollercoaster ride.

Aamin na siya mamaya. Nahanap na ni Naomi ang lakas ng loob niya. Ako kaya? Mahahanap ko kaya? O, kung mahanap ko man, pwede pa kaya? 

Paano kung umamin din siya? Edi, masaya na sila? Paano ako? This is nuts! Ano'ng paano ako? Alam ko naman na ganito ang kalalabasan, hindi ba? But, I did try my best... I tried my best to forget about him... To forget about what I am feeling here in my chest... I tried... But, I failed. My best wasn't enough.

I should be happy for them... Kung maging sila man... Pero bakit hindi ko magawa? Ngayon pa lang, nasasaktan na 'ko. Nanghihina na 'ko. Naiiyak na 'ko. Paano pa kaya kapag nangyari na? Guguho kaya ang mundo ko? Masisira kaya ang buhay ko? O, patuloy akong magpapanggap na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi na? Na hihintayin ko pang sumabog ako dahil sa sobrang sakit bago ko malabas ang totoo kong nararamdaman? Na kailangan pang madurog ako ng pinong-pino bago magpakatotoo?

Nakatulog ako dahil sa pagod kakaiyak. My eyes were puffy the next morning. Hindi nga dapat ako babangon kahit tumunog na ang alarm ngunit kinatok ako ni Mommy. Wala akong masasabi sa kaniya kung hindi ako papasok ngayon. Kapag sinabi kong masama ang pakiramdam ko, magtatawag agad siya ng doktor. Pagod na 'kong sabihin sa kanila kung ano ang mga nararamdaman ko kaya mas gugustuhin kong bumangon at pumasok kaysa ang makakita ng doktor.

Kaagad na nagliwanag ang mukha ko nang makita kung sino ang naghihintay sa akin. Ang unpredictable talaga nila. Malaki ang ngiti ko nang lapitan ko sila.

"Ang tagal mo. Kanina pa kami," reklamo ni Lucia.

I pouted. "Inaantok pa kasi ako. Saka 'di ko naman alam na nandito kayo. Dapat sinabi niyo para nakapagmadali ako."

"At sinisi pa nga kami," umiiling na sabi ni Kaiden.

"Mag-aaway pa kayo? Kumain na lang tayo," aya ni Mandy.

And, that what we did. Pumunta kami ng dining para kumain. Hindi ko alam sa mga kasama ko. Kanina pa raw sila nandito pero hindi ako ginising at hinintay pa ko para sumabay kumain.

"Nakakahiya naman kung mauuna kaming kumain e, bahay mo 'to," pangangatwiran ni Lucia.

"Tsk... Kailan pa kayo nakaramdam ng hiya?" I chuckled but, they didn't.

The Perfect Girl (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon