PROLOGUE
I wasn't even dreaming when I woke up because of some disturbance within myself. Puno ako ng pawis kaya bumangon ako. Binuksan ko ang lamp sa gilid ng kama.
Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo. Lumabas ako ng kuwarto at naglakad sa napakahabang hallway.
Madilim ang buong bahay at taging ang mga ilaw lamang sa labas ang nagsisilbing liwanag. Siguro'y madaling araw pa lamang. Hindi ko alam kung nasaan ang mga switch ng ilaw kaya nagtungo na ako sa kitchen. Kinuha ko ang baso at jar mula sa kaniya-kaniyang lagayan nito. Dinala ko iyon hanggang sa counter table at nagsalin nang tubig sa baso. Binaba ko ang water jar nang mapuno na 'yon.
Inabot ko ang baso at dahan-dahan ko 'yong nilapit sa labi ko. Naroon pa lamang iyon sa tapat ng tiyan ko nang bigla ko na lamang nabagsak. Nawala ang lakas ng buong braso ko. Lumikha nang napakaingay na tunog ang nabagsak kong baso.
Naramdaman ko ang biglaang panghihina ng aking mga binti at ng aking buong katawan. Bigla na lamang akong bumagsak sa sahig. Tumama ang mga bubog ng baso sa aking balat dahilan para mapasigaw ako. Kasabay no'n ay ang matinding pagkirot ng puso ko.
Nagsimulang dumugo ang mga sugat sa aking katawan dahil sa bubog. Matapos ang biglaang sakit ay kaagad iyong naglaho. Wala na 'kong maramdaman. Tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa takot.
"Ano po ang nangyayari?" tarantang tanong ng unang kasambahay na nakakita sa akin.
Ang gulat at takot ay naghahalo sa mukha niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Mabuti na lamang at dumating ang mayordoma ng aming bahay na si Tita Marites.
"Tawagin mo sina Ma'am at Sir," utos nito.
Gulat pa rin siyang nakatingin sa akin habang tumatango. Nang matauhan ay dali-dali rin siyang tumakbo.
Lumapit sa akin si Tita Marites. Puno nang pag-aalala ang kaniyang mga mata ngunit piniling maging kalmado.
Patuloy ang pagdaloy ng dugo sa mga binti at braso ko. Patuloy rin sa pag tulo ang mga luha ko. Natatakot ako dahil wala akong maramdaman. Kahit na ang sakit mula sa bubog ay hindi ko maramdaman. Maski ang kirot sa puso kong kanina'y pinapatay ako sa sakit ngunit ngayon ay naglaho na.
"Huwag kang matakot, hija. Dadalhin ka namin sa ospital... saglit lamang," kalmadong aniya.
Nakaupo siya ilang metro ang layo sa akin. Hindi niya alam kung saan ako hahawakan o kung dapat ba akong hawakan kaya nanatili siya sa malayo.
Nakarinig ako nang mabibigat at mabibilis na mga yapak ng paa. May mga taong tumatakbo papalapit sa amin. Natatarantang pumasok ng kitchen si Mommy. Halata sa itsura niya na kagigising lamang dahil sa katok ng kasambahay.
"Ihanda niyo na ang sasakyan," sigaw ni Mommy.
Kaagad na lumapit sa akin si Daddy. Binuhat niya ako kaya nalagyan ng dugo ang damit niya ngunit hindi niya ininda iyon. Maingat niya akong binuhat, iniiwasang mahawakan o madiinan ang mga sugat ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maramdaman ang katawan ko, namamanhid pa rin ang lahat.
Si Daddy ang nagmaneho ng sasakyan habang si Mommy naman ay umiiyak dito sa ulunan ko. Nakapatong ang ulo ko sa mga hita niya. Habang pinapanood ang umiiyak na si Mommy ay mas tumindi ang takot ko. Paano kung sa oras na ipikit ko ang mga mata ko'y hindi ko na muling madidilat ito? Paano kung hindi ko na masisilayan pa ang pagsikat ng araw mamaya?
Mahigpit ang hawak ni Mommy sa mga kamay ko. Hindi ko iyon maramdaman subalit natatanaw ko iyon.
"Huwag mo kaming iiwan, anak. Lumaban ka para sa amin ng Daddy mo," umiiyak na pakiusap ni Mommy.
Kahit na natatakot ay ngumiti ako sa kaniya. Iyong ngiting lagi kong pinapakita sa kaniya sa tuwing maghaharutan at masaya kami. I love my Mom so much. Nilagay niya ang kamay ko sa pisngi niya. Pilit kong dinama iyon. Nahihirapan na 'kong ibuka ang mga labi ko. Kahit pilitin ko man iyon ay wala nang lumalabas na boses sa aking bibig.
Kung sa pagpikit ng aking mga mata ay hindi na ako didilat pa, mas gugustuhin kong huwag na lamang pumikit. Huwag na lamang matulog dahil marami pa akong gustong gawin, mga bagay na gustong matuklasan, mga pangarap na nais maabot. Ngunit kung ito na nga ang huli, siguro'y buong puso ko na lamang itong tanggapin at magpasalamat dahil naranasan kong mabuhay.
Naranasan ko ang kakaiba at katangi-tanging pagmamahal ng aking mga magulang. Nagkaroon ako ng mga bagay na hindi kailanman nagkaroon o magkakaroon ang iba. Maraming tao ang nagmamahal sa akin ngunit kung ito na ang huling sandali ko rito sa munong ito. Gusto ko munang makapagpaalam sa mga taong iyon.
Hindi ko sila kayang iwan ng hindi man lang nakakapagpaalam. Hindi man lang nila alam na mangyayari ito. Maski ako'y hindi ko alam na mangyayari pa pala ito. Binaon ko na sa limot ang sakit na ito pero kahit na binaon ko na ito sa pinakailalim. Nahanap niya pa rin ako.
Ayaw kong umiyak at madurog ang mga taong mahal ko dahil sa akin. Gusto kong kahit wala na ako ay ipagpatuloy lang nila ang buhay nila. Iyong buhay nila bago pa man ako makilala. Dahil ako naman ang mawawala, ayaw kong pati sila'y mawala ng dahil sa akin.
Naramdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ko. Pilitin ko mang labanan ay hindi ko na kaya. Sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ang mukha ni Mommy. Nilingon ko rin si Daddy matapos no'n. Kita ko ang pawis na patuloy na tumutulo sa noo niya. Muli kong binalik kay Mommy ang tingin.
"Please, fight for us. You can do this, we can do this. We can fight together," pagmamakaawa niya.
Pinanood ko ang pagtulo ng mga luha niya mula sa napakaganda niyang mga mata pababa sa pisngi. Patungo sa kaniyang baba na pumatak din sa pisngi ko. Nang pumatak iyon sa pisngi ko ay pumikit ako. Pilit kong dinama iyon hanggang sa hinatak na nga ako ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl (UNEDITED)
Novela Juvenil[UNEDITED] Venus Karishma Ibañez, a girl who has everything one asked for. Beauty, brain, talent, money, popularity, name it all, and she has it. But she has a secret only her parents know. A secret that she kept hidden until the day she's terr...