CHAPTER 5
I woke up in time. Ginawa ko ang lagi kong ginagawa tuwing umaga't may pasok. Isang maliit na shoulder bag lang ang dala ko ngayon dahil diagnostic exam lang naman. Hindi tulad ng nakasanayan, medyo late ang pasok namin ngayon kaysa sa totoong klase.
Matapos kumpirmahin na dala ko nga ang lahat ng kailangan ko'y bumaba na 'ko. Umaga pa rin naman kung tutuusin pero hindi na kasing aga noon. Akala ko'y maayos na ang lahat at ako na lang ang hinihintay ngunit mali pala ako.
Ang mga pinggan at kubyertos pa lamang ang nasa lamesa. Wala pa roon sila Mommy. Sa tingin ko'y siya ang nag luto ngayon ng umagahan.
Tama nga ang hinala ko dahil mula sa kusina ay lumabas si Mommy dala ang mga niluto niya at nilapag iyon sa lamesa. Tinanaw ko lamang ang mga putaheng iyon at tinatantya kung ano ang kakainin ko roon. Marami iyon at lahat naman ay gusto ko kaya inalis ko na roon ang tingin.
Nilingon ko si Mommy ngunit bumalik na ito sa kusina. Lumabas naman ang kasambahay para mag lagay ng inumin sa mga baso.
Ilang sandali lang din naman ay dinaluhan na 'ko ni Mommy. Naupo siya sa harapan ko at eleganteng nilagay ang table napkin sa kandungan niya.
"Stop staring at me. Kumain ka na at hindi na 'to masarap kung palalamigin," anito nang balingan ako.
Ngumiti ako at tumango. "Si Daddy?" tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa plato.
"He's done eating. Nandoon sa kuwarto at may inaasikaso. Bababa naman iyon mamaya para ihatid ka," sagot niya at sinabayan na 'kong kumain.
Tumango na lamang ako at tahimik na kaming kumain. No one dares to speak. It's our tradition so we're used to it. Makalipas ang ilang minuto ay natapos kaming kumain.
"Today is your exam, right?" she elegantly wiped her lips.
I nodded and wiped my own lips.
"Are you nervous?"
"Just a little bit."
Pinigilan ko ang sarili sa kung ano pa'ng pwedeng sabihin. I didn't tell them about the changes in our ranking. Alam ko namang sasabihin nilang ayos lamang iyon at hindi ko dapat problemahin pero iyon ang pinagmamalaki ko sa sarili ko kaya hindi ko mailagay ang sarili kong maging masaya sa pagbabago nito.
"I already told you before but I'll tell you again today, you know that we're always proud of you, right? From the small achievement to the biggest. You don't need to force yourself, you don't need to pressure yourself about some things. Kung iniisip mo na baka ma-disappoint kami dahil may hindi magandang nangyari, nagkakamali ka. Whatever you do, even if you gain or lose, we are always proud of you."
This simple message cost a lot to me. I will forever be grateful that they are my parents, that I am their daughter. No words can explain how thankful I am that God gave me them as my parents. They are my treasure in this life. Without them, I am nothing.
"Thank you, Mom," tears started forming in my eyes.
"I don't know what's happening but I can feel what you are feeling because I am your mother, you came from me. I may not be always right by your side but you are always here," she pointed her heart. "In my heart and in my mind. Walang oras na hindi kita naiisip. You are my life, along with your father. Our family is the reason why I'm still here, fighting."
Hindi ko na nakayanan at bumagsak na nga ang mga luhang namuo sa mga mata ko. Mommy's not always like this but when she's like this, I feel so full, my heart flutters with her words.
Tumayo si Mommy at naupo sa tabi ko. Ramdam ko ang marahan niyang pag haplos sa buhok at likod ko. Nang balingan ko siya'y malaki ang ngiti nito habang nakatingin sa akin ngunit namumuo ang luha sa mga mata.
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl (UNEDITED)
Novela Juvenil[UNEDITED] Venus Karishma Ibañez, a girl who has everything one asked for. Beauty, brain, talent, money, popularity, name it all, and she has it. But she has a secret only her parents know. A secret that she kept hidden until the day she's terr...