CHAPTER 20

35 3 1
                                    

CHAPTER 20

I stared at the ceiling. Three days had passed since the scene in the amusement park. Matapos no'n ay muli kaming nagkita kinabukasan dahil may pasok. Simula ng gabing iyon ay hindi na 'ko muling nakatulog ng maayos.

When he tried to talk to me, umiiwas ako. Naguguluhan ako sa mga nangyayari pero hindi ko madala ang sarili ko na kausapin siya. At itanong sa kaniya kung ano iyong mga sinabi niya. Bakit sa una'y ipaparamdam niya sa akin na gusto niya 'ko pero matapos no'n ay babawiin niya? 

I am freaking tired of this cycle... But, a part of me doesn't want it to stop.

I'm still hoping... He keeps giving me hope... Pero, binabawi niya rin.

Nakakapagod pero ayaw kong tapusin. Dahil matapos niya 'kong saktan. Gustong-gusto ko pa ring marinig iyong mga salita niyang bumabaliw sa akin. 

A year ago, I didn't know that I would be in this kind of situation. This is not my plan. Lumihis ako, lumiko ako na dapat ay diretso lang. I wasn't able to control myself. I wasn't able to stick to my plan.

Gusto kong umayaw pero sa oras na muling magtatagpo ang mga mata namin. Talo na. Wala na. Wala na 'kong laban. Talong-talo ako pagdating sa kaniya. Napakadaya.

Gusto ko siya... Mahal ko na nga ata... Ganito pala iyon... Hindi mo inaasahan... Hindi mo pinlano... Bigla ka na lang ginulat... Nahulog ka na...

He's the only one who made me feel like this. Siya lang talaga. Nakakainis dahil hindi ko magawa sa kaniya 'to. Hindi ko siya mabaliw dahil gustong-gusto niya 'ko. Bakit napakadaya naman? Bakit ako lang? Hindi ba pwedeng parehas kami? Para masaya? Para worth it iyong sakit? Para hindi lang ako iyong nasasaktan?

Pinunasan ko ang gilid ng mga mata ko. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko. Ang dami kong supply ngayon. Walang scarcity. Mahina akong natawa. Tignan mo, parang baliw. Umiiyak tapos biglang tatawa.

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Hindi ako makatulog. Hindi na nga 'ko nakatulog ng maayos kagabi. Babawi lang ako ng tulog pero ayaw niya naman. Tapos ako pa ang may kasalanan kapag inantok ka bukas! Nakakainis din minsan ang katawan ko. Hindi ako sinusunod.

"Patulugin niyo na 'ko, please," naiiyak na bulong ko.

Iba't ibang posisyon na ang ginawa ko. Paikot-ikot na 'ko sa kama. Iyong mga unan ay nagkalat na rin. Taas baba na rin iyong kumot ko. Nakakainis! Matutulog lang naman, ba't ayaw niyo 'kong pagbigyan?

Tinanggal ko ang pagkakatalukbong at naupo. 

"What the heck is this!" tumingin ako sa wall clock at nakitang alas singko na roon. "I've been trying to sleep for more than three hours but, what is wrong with me?"

Sa inis ay tumayo na 'ko. Binuksan ko ang kurtina at nakita kong umuulan. Hindi ko man lang napansin, kaya pala nag-e-emo ako rito. Umuulan naman pala. Muli kong tinakpan ang bintana. Nang balingan ang kama ay sobrang gulo na nito. Parang may digmaang naganap. Inalis ko na roon ang tingin bago pa makapag-isip ng kung ano.

I left my room. Mabagal akong naglakad sa hallway at tinignan ang mga paintings na nandoon. Mahilig kasi sa ganito si Mommy kaya lagi siyang bumibili kapag may auction about arts. Iyong pinakamahal nga na nabili niya ay umabot ng milyon-milyon. Nasa kwarto nila iyon. Hindi nga sila nanghinayang doon dahil sa mga bata rin naman daw mapupunta ang bayad.

I wouldn't say that they're kind. May nakuha rin sila e. It's a win-win situation.

"Nasaan po si Mommy?" tanong ko nang makakita ng kasambahay sa baba.

"Umalis po sila para mamili ng groceries," magalang na sagot nito.

Tumango ako bago siya iwan. I made my way to the garden. Hindi ako lumabas. Nakatanaw lang ako sa glass sliding door. Patuloy pa rin kasi ang pagbuhos ng ulan. Ang lakas ng bawat patak. Hindi ako lalabas dahil alam kong manunuot sa balat ko ang mga patak na iyan. 

The Perfect Girl (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon