CHAPTER 29
I spent the whole vacation in Baguio. Araw-araw ang pagbisita ko kay Jazlynn. Kung gaano katahimik ang Kuya niya ay ganoon siya kadaldal. I think magkakasundo sila ni Lucia. Sa susunod na linggo na ang balik eskwela. Si Mommy na ang nag-enroll sa 'kin last week no'ng may kinailangan siyang kunin sa Manila.
Busy sina Mom at Dad kaya hindi ko sila masyadong nakasama sa nagdaang dalawang buwan. Mabuti na lang at nandito sila Jazlynn kaya hindi ko rin naramdaman ang pag-iisa. Kung pwede ko nga lang siyang dalhin sa Manila ay gagawin ko.
"Are you ready?" she knocked and opened the door.
Kanina ko pa siya hinihintay. Hindi kasi siya nakasama sa akin no'ng mga punta ko kali James dahil nga busy sila. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras kaya sumama na sa akin.
"I brought fresh strawberries, sana magustuhan nila," dagdag nito bago kami lumabas.
Ilang bahay lamang ang pagitan ng mga bahay namin kaya hindi rin nagtagal ay nakarating kami. Hindi matigil sa pagdaldal si Mommy tungkol sa mga bagay-bagay. Tumatango na lang ako kahit na hindi ko siya masyadong naiintindihan dahil halos puro sa trabaho iyon.
"We're here," sabi ko at nauna nang bumaba.
Agad kaming sinalubong ni Tita Marites. Magkaibigan sila ni Mommy since bata pa sila kaya naman nagtagal pa sila roon dahil sa pagkakamustahan. Nang mapansing naghihintay ako ay nagtungo na rin kami sa salas kung nasaan ang dalawa.
"Ate Venus," pasigaw na tawag ni Jazlynn.
Naglakad ako palapit sa kaniya at niyakap siya. Rinig ko ang bungisngis niya habang nakayakap sa akin.
"Kanina ka pa po hinihintay ni Kuya. Sobrang kinakabahan daw siyang makita si Tita Rebecca," muli itong bumungisngis matapos ibulong sa akin 'yon.
Ang batang 'to talaga. Nilalaglag niya rin kaya ako sa Kuya niya?
"Good Afternoon po, Tita," rinig kong bati ni James kay Mommy.
Hinawakan ko ang kamay ni Jazlynn at pumunta kami kung nasaan sila.
"Ito ba si Jazlynn?" gulat na tanong ni Mommy.
"Oo, siya na nga ang bunso ni Alissa," nakangiting tugon ni Tita Marites.
Lumapit si Mommy at lumuhod sa harapan ni Jazlynn. Kumislap ang mga mata ni Mommy dahil sa namumuong mga luha ngunit naroon sa labi niya ang malapad na ngiti. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Jazlynn sa akin.
"Ang gandang bata. Kamukhang-kamukha mo ang Mommy mo," anito at saka niyakap si Jazlynn.
Ngumiti ako habang pinapanood sila. Pilit pinigilan ni Mommy ang paghikbi. Tulad ko noong unang makita si Jazlynn ay ganoon din siya. Ang pinagkaiba lang ay kinaya niyang huwag iparamdam dito ang kalungkutang naramdaman niya sa kabila ng saya dahil sa wakas ay nakita niya rin ito.
Nag-usap at naglaro sila ng parang mag-ina. Kita ko sa mukha ni Jazlynn kung gaano siya kasayang kasama si Mommy. Na para bang ito ang tunay niyang nanay.
"She really likes it kapag nakakakita siya ng Mommy. At alam kong mas gusto niya ngayon dahil si Tita Rebecca, ang Mommy mo ang nandito," sambit ni James sa gilid ko.
"Bakit hindi ka sumali ro'n? Pinagkukwentuhan nila ang mga magulang niyo. Mag-e-enjoy ka sa pakikinig," bumaling ako sa kaniya.
Ngumiti lamang siya. "Narinig ko na ang lahat ng iyon, ilang beses na, nakabisado ko na nga," mahina siyang tumawa.
Hindi ko mapigilang malungkot. I don't know how it feels to live without a parent. At, ayaw kong malaman ang pakiramdam no'n. Iniisip ko pa lang, hindi ko na kaya. Ayaw ko no'n, mamatay rin ako. Maybe, I'm overreacting but, I know it myself. I can't live without my parents. I'm nothing without them. Hindi ko kaya, hindi talaga.
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl (UNEDITED)
Novela Juvenil[UNEDITED] Venus Karishma Ibañez, a girl who has everything one asked for. Beauty, brain, talent, money, popularity, name it all, and she has it. But she has a secret only her parents know. A secret that she kept hidden until the day she's terr...