CHAPTER 24
"You, take care while we're gone," Kaiden said seriously.
I pursed my lips as I nodded. I will take care of myself kahit na hindi niya sabihin ngunit hindi ko na sinambit iyon dahil ayaw kong sirain ang atmosphere.
"Pwede pang magbago ang isip mo. Sama ka na? Doon na lang tayo bili ng damit mo," si Lucia na kanina pa 'ko pinipilit. "Hindi naman siguro magagalit si Tita kapag umalis ka ngayon. Kasama mo naman kami," dagdag pa nito.
"Just enjoy your stay there for me. After two months magkikita na ulit tayo. Parang hindi mo sinabi noon na nagsasawa ka na sa mukha naming tatlo tapos ngayon," biro ko at natatawang umiling.
She frowned. "Bakit binabalik mo pa iyon? It's been months. Na-realize ko na mas importante at masaya kayong kasama kaysa sa bago at basta-bastang aalis," anito na kaagad pinagsisihan. "Tsk, don't mind what I said. Ingat ka na lang kung ayaw mo talagang sumama."
"Paulit-ulit kayo, as if namang hindi niya poprotektahan ang sarili niya habang wala tayo," Mandy joined. "Ay, my bad, kahit nga no'ng nandito tayo 'di naprotektahan. Argh! Just think that I didn't say anything," anito bago umarteng sinasarado ang zipper ng bungaga.
"Umalis na nga lang tayo," si Lucia. "Love you and have fun, too," once again she said before pulling me into a hug.
Hindi nagtagal ay sumama si Mandy sa yakapan namin. We all look at Kaiden who just shook his head. Ngunit sumama rin sa yakapan namin. We tightened the hug until we couldn't breathe anymore. Tumatawa na kami nang kumalas.
"Bwiset talaga kayo," nakangiting sabi ni Mandy.
"Bwiset ka rin naman e, kaya nga kasama ka namin," Lucia laughed.
I just watched them as they started laughing again. Muli lang nila 'kong binalingan nang i-announce na ang flight nila.
"We'll go now. See you soon, stay safe and take care. We love you, mwah," Lucia said playfully.
"Go home safely," Mandy nodded at me.
"Mag-ingat ka," ulit pa ni Kaiden.
I slowly nodded. Wala ba silang ibang sasabihin maliban sa mag-ingat ako? Mag-iingat naman ako. Hindi nila kailangang mag-alala.
"Opo, mag-iingat po ako. Kayo rin, ingat kayo tapos kamusta mo 'ko kay Ate Reya. Balitaan mo rin ako kung kailan siya uuwi o kung naisipan niya na ba'ng umuwi. Miss ko na siya e."
"That... That's I'm not sure. Hindi ko alam kung binabalak niya na ba'ng umuwi. Pero tignan ko kung naisipan niya. But, I'm afraid, she didn't. Mas gugustuhin no'n ang magtrabaho roon umaga hanggang gabi kaysa ang umuwi," malungkot na anito. "Baka maiwan na kami. Umuwi ka na at aalis pa kayo."
They hugged me for the last time before leaving. Pinanood ko ang masaya nilang pag-alis. Nang mawala na ay roon ako tumalikod at naglakad palabas. Umuwi na rin ako kasama si Manong.
My Mom's busy packing when I entered my room. I stared at her, confused at what she's doing.
"You're here," she stated, tuloy pa rin sa ginagawa.
"Are we going somewhere?" litong tanong ko. Hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan.
"Yes, we are..." she went to my closet, sumunod ako.
"Where?" I asked, tumulong na rin sa pagkuha ng gamit.
"We'll visit our farm and our house in Baguio."
Natigil ako sa ginagawa nang marinig iyon. Did I hear her right? Tama ba na pupunta kami ng Baguio kung saan sila naroon ngayon? Is this the closure that I want? Handa na ba 'kong makita silang muli? Handa na ba akong makita siyang muli?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl (UNEDITED)
Teen Fiction[UNEDITED] Venus Karishma Ibañez, a girl who has everything one asked for. Beauty, brain, talent, money, popularity, name it all, and she has it. But she has a secret only her parents know. A secret that she kept hidden until the day she's terr...