CHAPTER 1
I brushed my black shoulder-length hair. Diretso ang tingin ko sa repleksyon ko sa salamin. Natigil ako sa pagsusuklay nang mapansin ang eyebags sa ilalim ng mga mata ko. Ibinaba ko ang brush at maingat na hinaplos ang ilalim ng dalawa kong mata. Napailing ako nang maalala ang nangyari kagabi.
Simula ngayon ng klase ko bilang senior high school student. Mula noong nasa elementarya pa lamang ako ay gustong-gusto ko na ang uniporme ng senior high at college sa aming paaralan. Kaya kagabi, sa sobrang saya ay hindi agad ako nakatulog at ito ang resulta ngayon.
"Bakit ba kasi hindi agad ako natulog kagabi?" inis na tanong ko habang pinandidilatan ang sarili sa salamin.
Nilapit ko sa akin ang pink na backpack na naglalaman ng gamit ko. Muli kong tinignan kung kumpleto na ba ang nasa loob no'n at kung wala na ba akong naiwan. Siguro'y wala pa namang gagawin ngayon dahil unang araw pa lamang pero gusto ko nang makasigurado.
"Bumaba ka na at kailangan mo pang kumain bago pumasok," sigaw ni Daddy matapos kumatok sa pintuan ng kuwarto ko.
"Opo," sagot ko kahit alam kong umalis na siya.
Sinarado ko ang bag at binalik sa salamin ang tingin. Tinapos ko na ang pagsusuklay ng buhok at nilagay sa tamang lalagyan ang brush. Tumayo ako at sinuot sa balikat ang backpack. Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong kuwarto ko. Sa huling beses ay tinatantiya kung may naiwan ba 'ko. Nang makumpirmang wala ay lumabas na 'ko at bumaba para kumain.
Nang makarating sa kitchen ay agad na napako sa katawan ko ang tingin ni Mommy. Nababa ko rin doon ang tingin at napangiti nang makita ang kagandahan ng suot ko. Gray pencil skirt, white blouse, gray tie with the initials of our school and voila, it has a perfect combination. Idagdag pa ang hanggang tuhod na medyas at ang makintab na sapatos.
"It's pretty, isn't it?" malapad ang ngiting tanong ko nang ibalik kay Mommy ang tingin.
Nag tagal pa ang tingin niya rito bago ito dahan-dahang tumango.
"But," aniya na nakakuha ng atensyon ko. "Don't you think it's too short?" napanguso ako.
Hindi naman ganoon kaikli ito para sa akin ngunit kung ikukumpara sa dati kong uniporme ay maikli nga ito.
"She's no longer a kid. Let her wear what she wants," si Daddy ang sumagot para sa akin. "Don't mind your Mother. She's just being overprotective. Sit here and eat with us," anyaya nito.
Marahan akong tumango bago lumakad palapit sa kanila. Naupo ako sa gilid ni Daddy at sa harapan ni Mommy.
Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Ganito ang nakaugalian namin kapag nasa hapag. Kumain ng tahimik at mag-usap lamang kapag tapos na. Hindi rin pwede ang cellphone o kung ano pa mang makakapag-distract sa amin sa gitna ng pagkain. We must have respect while eating because it's a blessing from God, and we need to be thankful.
I gently wiped my lips using the table napkin. Natural ang pagkapula ng labi ko, wala akong lipstick kaya wala akong problema sa kung kakain o iinom man. Binalingan ko ang wrist watch sa kanang braso ko. Maaga pa naman kaya hindi kailangang magmadali.
"It's still early. May aasikasuhin lang ako sa kwarto bago tayo umalis," paalam ni Daddy bago kami iwan sa lamesa
"You're done?" tanong ni Mommy.
I nodded then put the table napkin on the table.
"Excited for the first day of school? Did you sleep well?" nag-umpisa na ito sa pagtatanong.
"I slept well," I answered, almost whisper. "What's my lunch for today?" agad na pag-iiba ko.
"I cooked your lunch. Makikita mo naman mamaya iyon," sagot nito.
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl (UNEDITED)
Fiksi Remaja[UNEDITED] Venus Karishma Ibañez, a girl who has everything one asked for. Beauty, brain, talent, money, popularity, name it all, and she has it. But she has a secret only her parents know. A secret that she kept hidden until the day she's terr...