CHAPTER 2

83 6 15
                                    

CHAPTER 2

"Are you okay?" bulong ni Kaiden sa gilid ko.

Nanatili akong kalmado kahit na sa loob ko'y marami akong tanong kung paano nangyari ito. Kanina'y siguradong-sigurado ako ngunit nang makita iyon ay nawasak ang lahat. This should be fine. Mababago pa naman ito at alam kong mababalik ko naman ito sa dati.

"I'm fine," nakangiting sagot ko.

Nilisan namin ang lugar na 'yon matapos malaman ang nandoon. Bumalik kami sa gazebo kung saan kami naglalagi nang sabihing walang klase sa umaga at mamaya pa. 

"Ilang oras pa ang hihintayin natin. Pumunta muna kaya tayo ng mall?" Kaiden suggested.

"The new student must be really smart. He replaced you from the 1st rank," Mandy commented.

"His name sounds so manly too. James Benjamin Serrano, hope he's handsome. I'm so tired of seeing the same faces every day," Lucia added.

Sinamaan naman siya ng tingin ng dalawa at nag simula na ang tatlo sa bangayan. Hindi ako makasali dahil naiwan pa rin ang isip ko sa lalaking iyon. I don't like overthinking and I don't really like it when someone stole what I own. 

I own that rank. I was in rank 1 since my elementary years. How come he stole it just the day he came here? I don't have a problem with new students here in our school, I just don't want them to steal what I own.

"I'm fine with rank 4. You? are you okay with the rank 3?" natuon ang atensyon ko kay Mandy nang tanungin niya si Kaiden.

"I used to being at the rank 2 but it's fine as long as I'm next to Venus," he smirked.

Ang lokong ito, bakit dinadamay pa 'ko?

"Fuck with that ranking. I'm in rank 6, did you hear me rant?" Lucia said irritated.

"You're not even serious about studying. Why would you rant?"

"You're so mean. I'm not serious about studying but I'm good at it. I don't need to put extra efforts because you'll all lose if I do," mayabang na sagot nito.

I don't need their blabbering right now. I need some peace. I also need to study. Ranking down is embarrassing. Lalo na sa matagal na rito at matagal na 'kong kilala. Walang nakatalo sa akin noon pero ngayon, isang bagong estudyante lang ang makakaagaw ng pinaghirapan ko?

Kinuha ko ang gamit ko at tumayo. Aalis na sana ako ng diretso ngunit natigil ako nang mag tanong ang mga taong dapat ay iiwan ko.

"Where are you going?" 

"You guys are so loud. Pupunta lang ako sa library. You can do whatever you wish now. I'll meet you later at class," paalam ko.

Tuluyan na 'kong naglakad paalis. Narinig ko ang pahabol na sigaw nila pero hindi na 'ko lumingon pa. 

Walang tao sa library nang makarating ako. Hindi naman kasi ito tambayan ng mga estudyante sa unang araw ng klase. Ako nga lang siguro ang mananatili rito kahit na sinabing mamaya pa ang klase. 

Nilapag ko ang gamit ko sa lamesang nasa gilid kung saan malapit ang mga bookshelves. Matapos malapag ng maayos ang gamit ko ay nag tungo na 'ko sa mga libro. Hinanap ko ang matagal ko nang gustong basahin ngunit hindi ko masimulan. Hindi rin nag tagal ay nahanap ko na ang dalawang libro na hinahanap ko. Business Mathematics and General Mathematics for Senior High School. Pareho itong kulay berde, lahat naman ata ng Mathematics book ay green ang kulay.

Bumalik ako sa lamesa dala-dala iyon. Naupo ako at sinimulang buklatin ang unang libro. It looks really cool. Pasok na pasok sa gusto ko ang mga topic na naroon. Sinunod ko namang buksan ang Gen Math. Some parts of it are confusing but it's really cool too. I already know the difference between the two. General Mathematics focuses on functions while Business Mathematics focuses on business and real-life problems. 

The Perfect Girl (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon