CHAPTER 5

674 53 61
                                    

Dedicated to mikaelapaynohon

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra's Pov]

Nagising ako bandang alas dos ng madaling araw at nakaramdam ako ng uhaw kaya naman naisipan kong bumaba para pumunta sa kusina.

Pagkarating ko ay nakita ko si daddy sa may sofa na natutulog.

Kaya nilapitan ko.

"Daddy." Tawag ko pero hindi nagising.

"Daddy." Ulit ko at doon siya nagising.

"What are you doing here?" I asked.

"Hinihintay ko mommy mo iha." Sabi at saktong nakarinig kami sasakyang paparating at paniguradong si mommy na 'yan kaya naman tumayo na si daddy kahit inaantok pa.

Naglakad na ito palabas kaya sumunod ako at pinanood lang siya.

Pinuntahan niya ang sasakyan ni mommy at siya na nagbukas ng pinto para kay mommy.

Binuksan ko naman ang ilaw dito para magkaroon ng liwanag at ayun kitang kita ko kung gaano kapagod si mommy kaunti nalang ay mukang babagsak na sa pagod.

"Magpahinga ka din kasi minsan Gheo." Sabi ni daddy kay mommy.

"The patients needs my service Ton." Pagod na sabi ni mommy.

"Hindi lang ikaw ang doctor mahal." Sabi pa ni daddy pero ngumiti lang ng mahina sa mommy.

Napabuntong hininga naman di daddy at binuhat na si mommy na parang bagong kasal.

"Ikaw na magsara ng pinto anak, patayin mo ang ilaw ha, at akyat ka na ulit sa taas mamaya." Sabi ni daddy kaya tinanguan ko naman.

Nang paakyat na sila daddy ay isinara ko na ang pinto na bago ko tuluyang isara ay may nakita akong tao sa may labas ng gate namin.

He looks familiar. Yes I can say that 'he' was a man because of his feature.

Lumabas pa ako ng pinto para tignan kung sino 'yon ay mabilis na itong umalis.

Pumasok nalang ulit ako at isinara ang pinto. Pinatay ang ilaw at pumunta ng kusina at uminom ng tubig bago bumalik sa kwarto para matulog muli.

*KINABUKASAN*

Nagising ako ulit ng maaga para sa klase kaya naman mabilis akong kumilos.

Naligo na ay nagpalit ng P.E uniform dahil biyernes naman ngayon.

I blow dry my hair first at itinali in a messy bun.

Pagkalabas ko ay siya ding paglabas ni Harvey sa kwarto niya at kumakanta pa.

'Yong kantang kinakanta din niya kagabi.

May talento sa pagkanta si Harvey na namana niya kay mommy. Marunong din naman ako ngunit hindi sing ganda ng boses nila, kay daddy ako nagmana eh.

Ayos na sigurong hindi ka sintunado kesa naman sa nagboboses kambing.

"Morning." Bati niya at muling kumanta.

At ngayon ko lang napansin ang gitarang nakasabit sa likod niya, today is friday, bakit magdadala siya?

Hayaan na, baka trip nito ang kumanta kanta at magjamming jamming mamaya.

Pumunta muna ako sa kwarto nina mommy at ayun nakahiga parin si mommy pero gising na, si daddy siguro ay naliligo na sa banyo.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon