CHAPTER 53

472 39 42
                                    

PS: Don't be mad at me kung napapabilis HAHAHA, labeo KAYAMANAN ko.

*2nd day in a trip*

[Leighra's Pov]

“Settle down everyone, so for our next activity for today--uhh wait, let's check attendance first. Presidents?” Sabi ni Cher Ferdinand.

Leah started to check the attendance.

“Cher! Cher!” Lahat kami napalingon sa kanan.

Si Zero tumatakbo papalapit sa pwesto namin, halatang pagod na pagod at sobrang aligaga.

“Where have you been Sullivan?” Cher Ferdinand asked, nakakunot pa ang noo.

Hindi ko mabasa ang itsura ni Zero, he's so bothered at parang naiiyak.

“I need to go home.” Natigilan ako sa sinabi niyang iyon at napatitig sa kaniya.

“Zero, last na nga ngayon, bukas na ang uwian, hindi mo ba mahihintay hijo?” Miss Luhencia butt in.

“I just need it Miss, please, my mom is in the hospital again, there is an emergency, please let me go home.” He begged.

Lumapit na ako doon sa kanila.

“Please let him Miss, Cher. May sakit po sa puso ang mama niya--”

“Yes you may go, call our driver para ihatid ka, Leighra, you still need to stay, okay?”

“Yes ma'am, but please let me help him pack his things.” Malumanay kong sabi pero naiiyak na ako para sa kaniya.

Tumango naman sila kaya inaya ko na siya, pero ni hindi man lang niya ako hinintay, tumakbo na lang siya papunta sa hotel.

Sumunod na lang din ako hangang sa makarating kami sa room nila.

Ano daw ang nangyari?” Tanong ko sa kaniya.

Tumakas ulit si papa at pinuntahan si mama, natakot masiyado si mama at natrigger ang puso niya, ngayon critical siyang muli at kailangan na siyang operahan sa lalong madaling panahon. I really need to go home baby.” Nanginginig na aniya.

Kasabay no'n ay ang pagtulo ng kaniyang luha at napaluhod na lamang at naiyak.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at agad inayos ang gamit niya at nilagay sa kaniyang bagahe, hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak.

Habang inaayos ko ang gamit niya ay umaagos din ang aking mga luha, nasasaktan ako para sa kaniya.

Nang matapos ay mabilis kong pinunasan ang aking luha at umupo para pantayan siya.

“Come on, you need to go, your mother need you.” Sabi ko at pinunasan ang luha niya.

“I'm sorry.”

“No, no, no, it's fine baby. Pupuntahan kita agad, pagkauwi namin.” Sabi ko.

“Thank you so much.” Emosyonal na aniya at niyakap ako, punong puno ng hinanakit.

Lumakas pa ang hagulgol niya.

Parang pinipiga ang puso ko at para bang mga patalim ang bawat hikbing naririnig ko.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon