[Leighra's Pov]
“Zero.” Napabalikwas ako dahil wala ng Zero na nasa tabi ko.
Napatingin ko sa orasan at alas siyete na ng umaga.
Kinabahan na naman ako, paano kung panaginip na naman.
Naramdaman ko ang pag-init ng mata ko at tatayo na sana nang biglang bumukas ang pinto ng banyo ko.
“Morning.” Bati niya.
Agad naman akong napatayo at tumakbo sa gawi niya at yumakap.
He chuckled and hug me back at hinalikan and aking ulo.
“Akala ko nananaginip na naman ako eh.” Sabi ko sabay nguso.
“Yakap yakap mo na nga ako, feel na feel mo naman ang topless kong katawan.” Aniya kaya napabitaw ako agad.
Hindi ko man lang napansin 'yon.
Napaiwas ako ng tingin at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
‘Ang sexy.’
“Sige, layas ka na diyan at ako naman ang maliligo.” Sabi ko at itinulak siya at pumasok ako.
Agad ko ding isinara ang pinto.
Nasapo ko ang muka ko at napahilamos ng wala sa oras dahil naramdaman kong mainit.
Namumula pa, shems.
Napamaang pa ako sa salamin nang makita ko kung gaano kagulo ang buhok ko.
Muka akong ginahasa, peste lang?
Lumabas ako saglit at kumuha ng suklay.
“Oh? Akala ko ba maliligo ka?” Tanong niya.
“Huwag kang excited, susuklayin ko lang buhok ko dahil mahirap na baka magkabuhol buhol mamaya.” Sabi ko at sinimulan ang pagtatanggal ng ilang pin.
Nakalimutan kong tanggalin kagabi.
“Need help?” He asked.
“Yes, please.” Sabi ko.
Dali siyang dumalo at nagtanggal ng pin at kinapa kapa ang ulo ko kung saang bahagi pa mayroong pin.
Nang matanggal ay bumagsak na ang buhok ko palugay.
“Seriiously?!” Gulat niyang tanong habang pinagmamasdan ang buhok ko.
“Seryoso? Kailan ka huling nagpagupit? Tae ang haba ah.” Manghang aniya at hinawakan ang buhok kong halos sumayad sa semento.
Hindi ako nagpagupit simula noong nawala siya.
Pinapatrim ko lang kay Harvey sa baba sa tuwing umaabot na sa lupa tapos itatali ko din siya.
Iniharap niya ako sa kaniya at hinawi ang buhok ko papunta sa harap dahilan para lumadlad sa harapan.
“Akala ko sa disney lang.” Natatawa man ay naroon ang mangha.
Natawa din ako at sinimulang suklayin ang buhok ko.
Mabuti na lang at hindi mahirap suklayin, ang problema lang ay nakakapagod.
“Ilang shampoo nagagamit ng buhok mo? Ang gasta ah.” Aniya.
“Well, isang linggo ko lang ang isang bote." sabi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)
Novela JuvenilBOOK 2 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fic, RomCom, School "Ako si Leighra Hivary Aragon ang presidente ng Valdez International School. Kung sino ang tutol sa pamamalakad ko, halikayo at sasapakin ko pa kayo isa isa." Sinong estudyante...